Chapter 3 Ride

4 2 0
                                    

Umalis ang binata para kausapin si Rosalie at magpasundo sa mga ito bukas. Wala syang dalang gamit at mga dokumento para sumakay sa eroplano pabalik sa Pilipinas. Wallet at phone lang ang nadala nya ng hilahin sya ni James kanina. Napakuyom sya ng kamao dahil sa kalokohan ng kaibigan. Balang araw ay mababalikan nya rin ito sa lahat ng panti-trip nito sa kanya.


Bumalik sya sa kanyang upuan at napansin nya ang dalagang kausap nya kanina na nakasubsob ang ulo sa mesa. He feel dissapointed. Hindi dapat nito hinayaan na malasing ng ganoon. Nilapitan nya ito at muling umupo sa kanyang upuan. Tinanong nya kung ano ang nararamdaman ng dalaga.



Lalong nagsalubong ang kilay nya ng marinig ang sagot nito. Sumama lalo ang mukha nya ng mapansing lasing na talaga ito.


“Youʼre drunk.” matigas na sabi nya. Hindi nya maiwasan ang nararamdaman. Heʼs angry at her behavior. Nakalimutan ba nito na babae ito at wala itong magagawa kapag napag-interesan ito ng mga bastos na nasa loob ng pub? For peteʼs sake they are inside a Pub!









“Hmn. Iʼm drunk and I like you!” then she giggle like crazy.






“Careful!” kaagad nya itong inalalayan ng muntik na itong mauntog sa counter.







“You smell so nice!” kumapit ito sa leeg nya ng mahigpit at napayuko sya.







“Hey! Let go.” sinubukan nyang tanggalin ang mga kamay nito sa leeg nya pero umiling lang ito at hinalikan sya ng mabilis sa labi.







Nabato sya sa kinauupuan dahil sa ginawa nito. Ramdam nya ang kabog sa kanyang dibdib at gusto nyang itulak palayo ang dalaga.






“Bro, ask her address and take her home.” the bartender said to him.






“Where do you live?” He asked while gritting his teeth.






“Here.” ngiting ngiting sabi ng dalaga habang dinudutdot ang dibdib nya. “Sa puso mo. Yieeeeeee!”







“What the hell?!” gulat na anas nya ng marinig na magtagalog ang dalaga.







Tumawa ito ng malakas pero napapapikit na ito. “Iʼm here!” muli nitong dinutdot ang dibdib nya.







Hinuli nya ang kamay ng dalaga at hindi na iyon binitawan. Mukhang wala syang mapapalang matinong sagot mula rito. He sighed. This is all James fault.







Inabot nya ang kanyang wallet at kumuha ng ilang dolyar bago binigay sa bartender.







“Thanks man!”







Tumayo na sya at binuhat ang dalaga. Muli syang napabuntong hininga. Lumabas na sya ng Pub na bitbit ito at nag-abang ng cab.. Muntik na nyang mabitawan ito ng maramdaman nyang hinalikan sya ng dalaga sa leeg. He control the strong urge to throw her away and calm himself.



“Behave, Hyacinth.” banta nya. He thank God when a cab stop in front of him. Nagpahatid sya sa hotel na kanyang tinutuluyan.

It was late at night and the road traffic is low but for Samuel, that was the longest ride of his life.

My Handsome Architect Where stories live. Discover now