Chapter 2 Pub

6 2 0
                                        

It was loud inside the bar. May mga nagsasayaw sa gitna at naghihiyawan habang umiinom. May mga nakaupo sa mga couch sa gilid at ang iba naman ay nasa bar counter. Medyo mausok rin dahil sa usok ng sigarilyong naroon.




And there she was, in the dancefloor gyrating her hips to the music while wearing a fit red dress that is three inches above her knees.







“Yeah! This is fun!” sigaw ni Hestia at nakipagcheers sa kanya.







Natawa sya at masayang sumayaw. This is how she lives her life when sheʼs not working. Barhopping and looking for a handsome man. Ewan ba nya pero may ugali sya na kapag may nakita syang gwapo ay nababatubalani ang kanyang mga mata. Nakakailang shots narin sila ni Hestia sa paborito nilang martini at alam nyang namumula na ang mukha nya dahil tinatablan na sya ng espiritu ng alak. Pero ayaw pa nyang umalis.






“You still good?!” malakas na tanong ng pinsan.






“Iʼm feeling great! Wooo!” Wala na syang pakialam kung ano ang hitsura nya basta ang alam nya ay masaya sya sa ginagawa nya. “Iʼm gonna refill my drink!” paalam nya sa rito bago tinungo ang bar counter. Muntik pa syang matumba kung wala lang tumulong sa kanya. Nginitian nya ang lalaki at tinapik sa balikat bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Bahagya nyang ipiniling ang ulo dahil pakiramdam nya ay nahihilo na sya.







“Another glass of martini!” She said to the cute bartender.






“Coming up, beautiful!” he said enthusiastically.





Tumingin sya sa dancefloor at natawa ng makitang may kasayaw na ang pinsan nya. Mukhang iiwan na naman sya nito.







“Here is it!” anang bartender.






“Oh, thanks!” babalik na sana sya sa dancefloor habang bitbit ang inumin ng makita nyang palapit ang lalaking nakita nya kanina sa kasal.







“A vodka, please.” rinig nyang sabi nito sa lalaki. Magkasalubong ang kilay nito at pansin nya na may dina-dial ito sa hawak na cellphone.







“Hi,” She greeted him. Mukhang nagulat ito na makita sya pero kaagad sya nitong nginitian.







“You are that beautiful woman in the wedding right?” ibinaba nito ang cellphone at ininom ang alak na inorder nito.






“And youʼre that handsome man.” ngiting ngiting sabi nya at inilahad ang kamay. “Iʼm Hyacinth.”







Masuyong tinanggap nito ang kanyang kamay at pinanood nya kung paano masakop ng kamay nito ang sa kanya. “Samuel Logan.”




She bite her lips seductively. “Mind If I join you?”






“Please.” He let go of her hands and tap the stool next to him.





Napangiti ng malawak si Hyacinth. He really looks so handsome. Umupo sya sa tabi nito. He smell like mint and she likes it.






“Are you okay?”




“Huh?”







Pinanood nya ang pag-inom nito ng alak at parang nahihipnotismo ang mata nya habang nakatingin sa adamʼs apple ng binata. “You look irritated a moment ago. Does your girlfriend blocks your number?”








“Pft!” He choked on his drink.







“Gosh! Iʼm sorry.” akmang tatapikin nya ang likod nito pero umiwas ang binata. Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang bibig.






“Iʼm good and I wonʼt go to this place if I have a girlfriend.” He answered seriously.







Kumislap ang mata nya sa sinabi nito. No girlfriend? Baka asawa meron ito. “Your wife perhaps?” she tested the waters.








Hyacinth got nervous when the man look at her. “Did I do something to offend you?”






“Why are you asking?” his eyes bore into her skin.







“I need to know if you have so that I can be ready.” taas ang noong sabi nya.








“Will you leave me alone if Iʼm married?”







Natameme sya sa tanong nito. May naramdaman syang panghihinayang. Mukha pa naman itong matinong lalaki tapos may asawa na ito. “So are you married?”








“Iʼm not.” muli nitong sinalinan ng alak ang baso nito. “Iʼm frustrated because my friend left me here.”








Nabitiwan nya ang hininga na hindi nya napansin na pinipigilan pala nya. “So, what are you doin?”









“Iʼm an architect. How about you-” natigil ang sasabihin nito nang umilaw ang cellphone nitong hawak.







Nasilip nya ang pangalan ng tumatawag at tumaas ang kilay nya. Pangalan ng babae ang nandoon. Sam excused himself before he stood up. Sinundan nya ito ng tingin.







“Hey!”









“Hestia.” bati nya sa pinsan at hindi nya inalis ang tingin kung saan dumaan ang binata.








“Is it okay if I go first?! I saw you having fun with that man!” paalam nito.








She smiled at her. “Sure!”










“Remember to use condoms, Yaz!” bulong nito sa kanya matapos sya nitong halikan sa pisngi.








Bago pa sya makahuma ay tumakbo na ang pinsan sa lalaking naghihintay rito. She even throw a kiss for her. Hyacinth rolled her eyes heavenward. Muli syang bumaling sa kanyang baso ng alak at ininom iyon. Pinarefill nya iyon sa bartender at yumupyop sa counter. Inikot-ikot nya ang kamay roon. Nagdadalawa na ang nakikita nya.







Sheʼs already twenty-eight and still a friggin virgin. She wants to do it with a handsome man but it seems that she will fail this time. Ayaw nyang umuwi sa bahay nila sa Paris dahil natitiyak nyang sesermunan lang sya ng mommy nya dahil wala pa syang pinapakilalang boyfriend sa mga ito.








Bahagya nyang itinaas ang paningin ng makitang bumalik ang binata at umupo sa tabi nya.









“Are you okay? You look drunk.” magkadikit ang kilay nito na para bang may ginawa syang masama.







She smiled sweetly at him. Ipinatong nya ang ulo sa bar counter at inilapit ang alak sa kanyang labi pero kaagad nawala iyon sa kamay nya. Hyacinth whines. She tries to take back her drink but she canʼt catch it.










“Youʼre drunk.” matigas na saad nito.











“Hmn. Iʼm drunk and I like you!” she giggled like crazy.







My Handsome Architect Where stories live. Discover now