Tahimik lamang sya habang pinagmamasdan si Rosalie na nakaupo sa gazebo. Nasa tabi nito si Dren at nagbabasa ng libro. Nakasandal sya sa haligi niyon at nakahalukipkip.
“May problema ba?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Ngumiti sya at umiling. Lumapit sya sa mga ito at ginulo ang buhok ni Dren na binigyan lang sya ng munting ngiti. “Wala naman problema, Lily.”
Ilang sandali sya nitong tinitigan bago nagkibit balikat. “Youʼre quiet and distant these fast few days. Ni hindi mo rin kinikibo si James mula ng bumalik ka.”
Muli syang natahimik sa sinabi nito. Isang linggo na mula ng makabalik sya sa Pilipinas at hindi nya parin kinakausap si James. “Naiinis ako sa pagmumukha nya.” totoo sa loob na tugon nya.
Natawa si Rosalie at Dren sa sinabi nya.
Napangiti narin sya. Tumingin sya sa umbok na tyan ni Lily. “Tatlong buwan nalang at lalabas na ang Prinsesa ni Sir.”
“Mm. Nag-aalala nga ako sa kanya baka paglaki nya hindi na sya makapamuhay ng normal. Nakikita ko na kung paano sya palalakihin ni Darren.” napapabuntong hiningang wika nito.
Natahimik sya sa sinabi ni Lily. Natitiyak nyang mangyayari nga ang iniisip nito.
“Sam?”
“What is it?”
“I think you should move your sisterʼs remains in the right place.” punong puno ng pag-aalala ang mukha nito.
He froze in his place. Bumuka ang bibig nya upang magsalita pero walang lumabas mula roon.
Hinawakan ni Rosalie ang kamay nya at masuyong pinisil iyon. “Wala kang kasalanan sa nangyari, Sam. Let go, please? Natitiyak ko na kung nasaan man ang kapatid mo ngayon ay iyon ang gugustuhin nyang mangyari. Have a life.”
“I... I have a life, Lily. Dito kasama nyo-”
“But thatʼs not the life we want you to have.”
Marahas syang napabaling sa pinagmulan ng tinig at nakita nya si Darren na palapit sa kanila na may dalang folder.
“Dad!” tuwang sumalubong si Dren at binuhat naman ito ng bagong rating.
Bumaba ang mata ng lalaki sa magkahugpong nilang kamay ni Rosalie. Mabilis na tinanggal nya ang kamay nito sa kanya at dumistansya. Alam nya kung gaano kaseloso ang lalaki.
“Lumayas kana sa bahay ko, Logan!” sita nito bago pinunasan ang kamay ng asawa.
Umiwas sya ng tingin habang inuulit ulit nya sa sarili na amo nya ang lalaki at hindi nito magagawa ang childish na ginagawa nito ngayon.
“Sir, my job is here.”
“Then youʼre fired! Lumayas ka sa pamamahay ko at tumira sa lansangan.” parang batang sabi nito na kinatawa ni Rosalie.
![](https://img.wattpad.com/cover/234918690-288-k422698.jpg)
YOU ARE READING
My Handsome Architect
RomanceHyacinth Almario Racini a famous beautiful designer. Her Parents were known surgeon in Paris. Bata palang ay nakukuha na nya lahat ng gusto nya dahil isa syang unica hija. Pero hindi nya alam na may hihingin palang kapalit ang mga ito. They want her...