[2] ikaw ba iyan??

94 2 0
                                    

○●○●○●○●

KUMAKAIN kami ngayon nila tina, mikhail, joshua at bryan, uwian narin naman kasi

by the way mag bf, gf nga pala si joshua at tina

tinignan ko naman yung dalawa, nagaway ba sila? bakit parang? bakit parang akward?

parang may something na di ko alam?

"tina" tawag ko sakanya, at napatingin naman siya sakin

"bakit best?"

umiling iling nalang ako kasi nakalimutan ko yung itatanong ko, ano nga ulit yun?

"bakit brianne? ayaw mo ba ng pagkain mo? gusto mo kuha kita ng iba?" pag aalok ni bryan sakin pero tumanggi ako at inisip ulit kung ano nga ulit yung itatanong ko kay tina

hmm... ahh!! kung bakit akward

"tina" tanong ko ulit sakanya

"po? bakit best?"

"ah, eh, may nakakahawang sakit ba si joshua? bakit parang ayaw mong dumikit sakanya??"

nagtawanan naman silang lahat, bakit? may nakakatawa ba sa tanong ko?

"bumabalik na yung pagkaligalig ni brianne hahaha, parang nung nakaraan lang sobr--" tinakpan naman ni mikhail yung bibig ni bryan

"guys may is-share ako sa inyo" pag s-segway ni mikhail, na hindi maipaliwanag yung itsura, hindi mo alam kung masaya ba siya o natatae

"ano nanaman iyan?" mataray na tanong ni tina

"siguraduhin niyong ikatutuwa ko yan ah" singit naman ni joshua, hayss ito na yung couple na pinaka mataray sa lahat, bagay nga talaga sila

"kami na ni karen" nanlaki naman yung mata ko, woaaahh naalala ko dati sobrang hirap na hirap si mikhail manligaw kay karen kasi sobra nga din yung taray nun mas malala pa kay tina yun, nako tripleng tina ang makakaharap mo, halos lumuhod na nga si mikhail eh

"congrats" sabi ko at nginitian siya

"hahaha thanks"

"congrats pre" bati ni joshua

"nice to hear that" mataray parin na sabi ni tina, hays letche talaga itong babaeng ito

"yung NGSB nagkagirlfiend na sa wakas hahahaha!!" pang aasar ni bryan

"NGSB ka mikhail as in no girlfriend since birth???" tanong ulit ni tina, at tinignan si mikhail na parang di maka paniwala

"oo bakit??" sa itsura ni mikhail parng naguguluhan na siya kay tina

"pffftt!! wahahahaha sa gwapo mong iyan? pangalawa ka pa naman sa mukhang badboy sa grupo niyo"

oo nga naman, may point si tina, pag tinignan mo naman kasi talaga si mikhail mukha siyang babaero, yung maangas bad boy nga kung baga

"pero teka nga tina? bakit ka lumalayo kay joshua kanina? lq ba kayo?" saad ko, di pa kasi nasasagot yung tanong ko kanina, walang kwenta

"hindi kasi best, inaalala ka lang namin, baka pag nakita mo kaming sweet may maalala ka"

saktong pagkasabi ni tina nun ay biglang nag ring yung phone ko,

ikinagulat naman nila yun kasi yung ringtone, si tyler na kumakanta ng collide

the dawn is breaking

nagtinginan sila lahat at tumahimik nalang

our light shining through

"ang ganda ng boses niya no?" tanong ko sakanila at nagtinginan ulit sila, bakit?? totoo naman kasi eh, maganda talaga boses niya

"tsss. sagutin mo na nga iyang tawag"

panira naman to si tina eh -_-

"ang corny nito"

tinignan naman ako ng masama ni tina, nakooo yan nanaman *dark aura spreading*

"ah eto na nga eh, sasagutin ko na po"

tinignan ko naman yung phone ko

unknown number??

"hello? sino po sila?"

pagtatanong ko

"brianne"

teka? bakit?

bakit parang pamilyar yung boses,

si tyler? oo si tyler yun, boses niya yun!

"tyler?? ikaw ba iyan??"

"tyler ikaw ba iyan sumagot ka naman o?, asaan ka? "

"okay ka lang ba diyan? pupuntahan kita, tyler sumagot ka naman"

nagsimula na akong umiyak

"h-hello? tyler, ang u-unfair mo naman eh *sniff* nababaliw na ako dito oh?"

"tyler, miss na kita"

pagkasabi ko nun nag call ended na

yumuko nalang ako at humagulgol, hinampas ko yung lamesa gamit yung kamay ko at sinabunutan sarili ko

uggghhhh!!! bakit ang unfair unfair naman!! onti nalang mababaliw na ako,

tyler bakit mo ba ginagawa sakin to??????

dumadami na rin yung mga usi, dahil nga nagwawala na ako, pinakalma naman ako nila tina at mikhail pero nagpumiglas ako tumakbo palabas

"brianne! brianne!"

naririnig ko pang sumisigaw sila tina pero dinedma ko nalang, basta gusto ko lang mapagisa, parang lantang gulay na kasi ako.

eto pala yung sinasabi ng nanay ko na pagmamahal no? nakakasira ng utak, masyadong brutal

3 years na kami ,  mabibitawan ko kaya yun?

○○○

"what the!!"

sigaw ko, bigla kasing umulan eh, nakikisabay sa iyak ko

pumunta naman ako dito sa park, sobrang lakas ng ulan kaya napaupo nalang ako sa isa sa mga bench dito, natulala ako bigla

nilagay ko yung mga palad ko sa mukha ko at yumuko

flashback

"brianne,  mahal kita"

umuulan ngayon, pero kahit sobrang lakas di kami natinag

niyakap ko naman siya at sinabing

"mahal din kita tyler"

niyakap niya ako lalo at hinalikan sa noo

"ibig sabihin tayo na???"

tumango naman ako at ngumiti, kahit medyo blur yung mukha niya kasi nga sobrang lakas ng ulan

"oo, hahaha, oo tayo na"

"hala di nga! hahaha yes! pagkatapos ko maghintay ng napakatagal! hahaha kami na"

binuhat niya ako at sinama sa pagikot niya, hinalikan niya ako ulit sa noo

"brianne summerie rodriguez,  gagawin ko ang lahat para mapasaya ka at mapangiti ka, iloveyou"

end of flashback

pero bakit naman ganun? parang wala na atang katapusan yung pagtulo ng luha ko

○○○○

guys sorry kung corny ah??

close as strangers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon