★[8] seeing you with her

87 1 0
                                    

nasa harap ko sila ngayon.

nasa may pinaka likod na upuan ako at asa harapan ko sila ngayon, hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko...

nalulungkot ba ako o puro galit nalang tong asa puso ko, apat na araw ko na silang pinagmamasdan. .. nung unang araw iyak ako ng iyak pero ngayon hindi ako maiyak...

ewan ko? pero siguro napagod na rin ako, kasi kahit patayin ko pa yung sarili ko hindi na mababalik yung dati

hindi na...

apat na araw ko naring di kinakausap yung mga kaibigan ko, gusto ko lang talaga mapagisa, para makapagisip na rin..

"ringgggggggggg"

sabi nung bell, salamat uwian na, umidlip muna ako sa upuan ko at hinayaan silang umalis...

○●○●●●●

nagising ako at tumingin sa orasan

7:30 pm

gabi na pala, tatayo na sana ako ng biglang makita ko si tyler palabas ng classroom, si tyler ba talaga to o nag imagination ko nanaman to hayss, inalog alog yung ulo ko pero hindi parin siya umaalis

"tyler ikaw ba iyan o nag iilusyon nanaman ako?"

nagsmirk lang siya at lumabas ng classroom, pero bago siya lumabas may sinabi pa siya

"sa susunod na matutulog ka dito wag ka magpagabi"

yun yung sinabi niya at umalis, bakit pa siya andito??? hinabol ko naman siya at kinausap

"teka tyler, bakit ka pa andito?"

tinaas niya yung librong hawak niya at sinabing

"naiwan ko yung libro ko sa science, may assignment tayo diba?"

tumango naman ako at tinignan siya sa mga mata, sabay kami naglalakad ngayon sa corridor at papunta na ng gate ng school

"tyler di mo ba talaga ako natatandaan?"

"hindi" saad niya ng walang expression sa mukha

para akong sinasaksak ng sapung kutsilyo that time, masakit, sobrang sakit...

anong gagawin mo pag nakalimutan ka nga taong mahal mo?

"tyler di mo ba talaga ako natatandaan? ako to si brianne, diba sabi mo dati hindi mo ako iiwan? hinawakan mo pa nga yung kamay ko nun at hinalikan mo ako sa noo, tyler wala ka ba talagang natatandaan?"

halatang nakukulitan na siya sakin pero pinag patuloy ko parin

"tumahimik ka na!"

"pero tyler sabi mo saakin mahal mo ako, tyler nangako ka sakin eh, bakit ba nagpapakatanga nanaman ako sayo? kita mo ako na humahabol sayo, samantalang dati - natawa nalang ako at pinagpatuloy yung sinasabi ko tyler di ko akalain na mawawala ka ng ganun lang, tatlong taon tayong asa relasyon, 6 na taon tayong magkasama simula bata, imposibleng di mo ako matandaan? o baka naman naalala mo na ako pero ayaw mo lang sabihin? okay lang naman sakin yun eh, basta sabihin mo lang na hindi mo na ako mahal"

"tama na nga brianne! wala nga talaga akong mai- shit! "

napaingit naman siya at hinawakan yung ulo niya, bigla siyang napaupo

"yung ulo ko ang sakit! ahhhhhhhh! tch! yug ulo ko"

lumuhod naman ako sa harap niya, at hinawakan siya sa braso

"brianne! wag mo kong iiwan!! brianne!! mahal kita"

bigla niya akong niyakap, nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ko binalik yung yakap niya... nabato ako sa pwesto ko, nawalan na siya ng malay pero sinabi ko pa rin

close as strangers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon