Isang normal at tahimik na umaga ang masisira para sa isang bugnutin na si Tim. "Hoy dalhin mo 'yung bayad kung ayaw mong isumbong kita kay Tita kung gaano kamahal 'tong binili mo!" pagbabanta ni Tim kay Blake sa tawag.
"On the way na nga diba? 'Di lang ako nakareply kagabi kasi magkasama kami ni Tanya. You know!? Bebe time!?" sagot ni Blake habang papasok pa lang ng C.R para maligo.
"Kapag ikaw wala pa dito within 30 minutes, asahan mo nang lilipad ang tsinelas sayo ni Tita" pabalang na sagot ni Tim bago patayin ang tawag.
"Hay! Napaka-bugnutin talaga ng tao kapag walang jowa hayst." Bulong ni Blake at dali daling naligo para hindi malaman ng kanyang Ina ang mga bagay na binili niya at magiging mitsa ng kanyang pagiging 'homeless'.
Habang abala sa pagluluto at paglilinis ng kanyang maliit na tahanan, si Tim ay nakarinig ng katok sa kanyang gate. Bubuksan niya palang ang pinto ay hinahanda na niya ang kanyang sermon sa kaibigang baliw na baliw sa girlfriend.
"Kunin mo na 'yon at naaalibadbar--- Oh?! ginagawa mo dito Trish?" sambit ni Tim dahil hindi si Blake ang iniluwa ng kanyang gate.
"Oppa!" Ayan agad ang lumabas sa bunganga ng kanyang kaibigang mahal na mahal naman ang kultura ng bansang South Korea. Napangiwi si Tim sa narinig dahil alam niyang makakarinig na naman siya ng sangkaterbang kwento tungkol sa mga idol nitong mga Koreans.
"Anong seyo~ gawa mo dito?" Pabirong sambit ni Tim at ginagaya ang tono ng pagbati ng Koreans.
"Ang pangit mo mag-Korean 'wag mo na uulitin tss..... Pero nandito ako upang planuhin ang mga bagay bagay tungkol sa birthday ni Ethan ganda. Oh?! Bakit may malaking teddy bear at flowers dito tas sapatos?" Mahabang litanya ni Trisha matapos makita ang isang bouquet ng flowers, limited edition na sapatos, imported chocolates at make-ups.
"Hindi sa'kin 'yan" Aniya ni Tim habang inaabot ang isang plato ng saging kay Trisha at ipinagpatuloy na ang paglilinis.
"Ahhh!!! Kay Blake 'yan 'no? Grabeee! ang daming gift kay Tanya. Magkano inabot?" tanong ni Trish habang ngumangata ng saging.
"Twelve thousand. Ako pinagbayad muna ni ugok dahil baka patayin siya ni Tita Rina kapag nakita 'yan." Pagpapaliwanag ni Tim kaya naalala niya na mayroon na lamang kinse minutos ang kaibigan para hindi isumbong sa nanay nito.
"Watdapak?! Sahod ko na 'yan sa isang cut-off ah?!" Bulyaw ni Trish na dahilan para tumalsik ang kinakain nitong saging at dahilan din para magalit si Tim dahil kakalinis niya lang.
"TRISHAAA!!" Galit na pabulong ni Tim. Mabilis na dinampot ng dilag ang nahulog na saging at kinain muli.
"Oops hehe sorry!!"
Pinagpatuloy na ni Tim ang pagluluto at dinamihan na ito dahil alam niyang may mga patay gutom na darating.
Nakarinig na naman sila ng katok sa gate at si Trisha na ang nagpresentang salubungin ang bisita.
"Ohohoooy! Si Lover boy pala ito! Pormang porma ah! parang hindi gumastos ng 12k." Pambungad na bati ni Trish kay Blake matapos buksan ang pinto.
"Nakakahiya naman sa'yo na gumagastos din ng malaking halaga sa mga koryano na hindi ka naman kilala?!" sagot ni Blake.
"Aba at!!" Balak na niyang batuhin ng saging ang binata ngunit nakatakbo agad ito papasok ng bahay ni Tim.
"Wassup my ever supportive tropa! at dahil sa labis mong pagsuporta sa lablayp ko, bibigyan kita ng twelve thousaaand!!" Sigaw na bungad ni Blake habang binibilang ang pera niyang pambayad na parang si Kuya Wil.
Sinabayan naman nito ng pagsisigaw din ni Trish ng "SALAMAT KOYA WEEEL!!" at nagtawanan ang dalawa dahil sa kalokohang ginagawa.
Pagkalipas ng isang oras ay sunod sunod na dumating si Leo, Kirsten at Marilyn para planuhin ang kaarawan ng kanilang minamahal na kaibigan na si Ethan.
'Haaay ang ingay at kalat na naman ng bahay ko' sambit ni Tim sa kanyang sarili at napapangiti na lang din dahil sa saya na kanyang nadarama.
Trisha's P.O.V
At ngayon nagsama-sama ulit kaming magkakaibigan para sa surprise party namin kay Ethan sa darating na Sabado. Though hindi naman talaga kami may pasimuno nito kundi ang bebelabs niyang si Marco.
"LISTEN PIPOL!" sigaw ko dahilan para matigil si Tim sa paglilinis, si Blake sa pakikipagchat kay Tanya, Si Leo, Kirsten at Marilyn sa pag-e-ML.
"Hehe so ayun na nga! Magsusurprise party tayo para kay Ethan pero alam ko namang napapa - isip na kayo sa gagastusin. Well! set aside your worries because Marco Oppa will save the day! S'ya sasagot mga bhie let's just help him plan the party." Dire-diretso kong salita para 'di nila putulin sasabihin ko.
"Oh sagot naman pala eh! Ako na bahala magluto sa foods!" Presenta ni Kirsten. Nice! ang sarap pa naman magluto ni Marilyn, very wife material. (Kaya habulin ng mga older papi eh hehez)
"Kami na bibili ng decorations and invitations!" Sabi ni Leo-nardo de Capricorn at tinanguan naman ni Mari. Partners in crime talaga 'tong dalawa.
"Bahay ko na naman ang gagamitin diba?" Tanong ni Tim. Ayan pinaka-ambag ni Tim, ang bahay niya dahil dito kami tumatambay, nagi-stay nung panahong naglalayas kaming magbabarkada at syempre venue kapag may inuman session. Ang bahay niya ay bahay na din namin kulang na nga lang magpa-duplicate na kami ng susi tag-iisa eh.
"Hoy lover boy! wala ka ba mai-ooffer diyan?" Sita ko kay Blake kaso 'di ako narinig kaya........
"ARAY! SINO BUMATO N'ON?!" Lumipad ang tsinelas ko sa kanya. Patay malisya kaming lahat.
"Oo na! ako na bahala mag-service sa inyo!" sigaw ni Blake sabay irap. Napakamaldita samin pero pagdating kay Tanya napakabait. Plastik mo BhI3!
"Sinabi ba ni Ethan na iinvite natin pamilya niya?" tanong ni Blake. Napasapo kami sa mga noo namin dahil sa tanong niya.
"Kung hindi ka din ba naman isa't kalahating shunga. Surprise nga diba? tapos tatanong natin sa kanya 'yon?" Nag-uumapaw na sarkastikong sagot ni Marilyn.
"Tatanong lang eh, pakasungit mo Marilyn Mondragon!" irap na naman ni Blake.
"Weeell.....base sa aking sources ay hindi, dahil baka masira pa birthday niya kapag naghuramintado ang kanyang pamilya knowing na and'on si papi Marco." Sagot ko. Sabi ni Marco invite na lang namin sa mismong araw ng birthday ni Ethan kapag okay sa kanya. Hirap pa kasi tanggapin ng pamilya ni Ethan na ang unico hijo nila ay hijo din ang hanap.
"At dahil settled naman na ang ating plano. Ako na bahala mag-update ng mga gagawin kay papi Marco." Sana matuwa si Ethan dito dahil ito nalang naiisip naming paraan para sumaya naman siya sa birthday niya. Kapag hindi siya natuwa sosoplakin ko siya!
"Oh kain na! Fifty five pesos lang per serving ah." Sabi ni Tim matapos ilapag ang specialty niyang carbonara dahil 'yun lang naman madaling lutuin niya para samin.
Isang araw na naman na puno ng saya at tawanan ang lumipas para sa magkakaibigan at sandaling nakakalimutan ang mga problemang kinakaharap mag - isa.
BINABASA MO ANG
Love Moves in Different Ways
RandomThere are different kinds of love in this world. Some of it was Unrequited love, age gap love, LGBT love, interracial love, selfless love, and lastly the self-love kind of love. It is the story of Leo, Ethan, Kirsten, Marilyn, Trisha, Blake, and Tim...