Chapter 6: Where it all started.

3 0 0
                                    


Third Person's P.O.V

Sa pagpatuloy ng kasiyahan ay samu't saring programa at pakulo ang inihanda ng anim kay Ethan. May pa-birthday message ang ibang bisita, lahat ay nagkwekwento kung paano naging mabuting kaibigan at katrabaho si Ethan. Isa isa ding nagkwento ang anim kung paano sila naging magkaibigan hanggang sa ang huling nagbigay ng mensahe ay ang kan'yang nobyo.

"Uhm good evening everyone. I'm Marco and I am Ethan's partner or in other words boyfriend." Napa-"Awww" at "Ayiee" ang mga bisita. Napangiti na lang si Ethan sa reaksyon na kanyang nakita. Wala namang nabigla sa kanilang narinig dahil hindi naman tago ang relasyon ng dalawa. 

"I don't know how to start my message uhmm but I would like to thank first your friends for helping me pull-off this surprise. Thanks guys!" Aniya ni Marco at tinanguan naman s'ya ng anim bilang sagot.

" So uhmmm, Bub I just want to say thank you for coming into my life. Thank you that you didn't let go of me and fought for our relationship. I promise you, I'll do everything to fix these. I love you so much." Matapos sabihin ang huling salita ay niyakap nito si Ethan at binigyan n'ya ng matamis na halik ang nobyo. Lahat ay humiyaw sa tuwa at kilig.

Habang lumalalim ang gabi ay nagsimula na rin magsi-uwian ang mga bisita nila hanggang sa ang natira ay ang pito kasama si Marco at Tanya. Nagsimula na din silang magligpit para less hassle kapag nagsimula na ang 'REAL' party nila.

"Ilalabas ko na ang pinakamasarap na handa sa buong mundo! IT'S PARTY TIME BEYBEH" Sigaw ni Blake. Napalingon naman ang walo at nakita ang dalawang bote ng alak na bitbit nito.

"AYAAAAN!! JOHNNY WALKER NOW ZOMBIE WALKER LATER! HAHAHA" Saad ni Leo. Natawa naman ang lahat dahil sa banat nito. 

Tradisyon na nila ang pag-inom ng malakas at puro na alak kapag sila sila na lang magkakasama. 

"Grabe... tagal na din pala nung huli tayong magwalwal 'no?" Saad ni Mari.

"Nung huling inom natin ay birthday ko pa last year." dagdag naman ni Leo.

"Busy na kasi tapos 'di pa tugma schedule" Gatong ni Tim.

"Salamat Marco at dahil sa'yo ay nabuo ulit kami hahaha" Saad ni Kirsten habang nilalapag ang pulutan nila sa mesa. 

"No problem, and I guess it's an opportunity for me to bond with you all" Buong ngiting tugon ni Marco.

"O'sya! Round one start! PARA KAY ETHAN! CHEERS!" sigaw ni Leo at itinaas ang baso na may alak.

"CHEERS!!" sigaw nilang lahat.

Sa pag-ikot ng baso ay ang pag-ikot din ng samu't saring kwento ng bawat isa. Ang iba ay seryosong kwento ngunit madalas ay nakakatawa.

"Hahaha tutal andito naman si Tanya at Marco. For sure curious kayo paano kami nagkakilala." Panimula ni Leo.

"Ako na magke-kwento! HAHAHA" Boluntaryo ni Blake. Nang makitang wala namang umalma ay sinimulan na ni Blake bilang s'ya din talaga ang saksi kung paano nabuo ang 'Pitong Dragon Ballz' 

"Isang araw sa St. Michael School may isang poging mag-aaral. At ako 'yon!" Panimula na Blake kaya napa-"eww' at 'Luh'  silang anim habang natawa na lamang si Marco at Tanya dahil sa reaksiyon nilang magkakaibigan.

Flashback

Taong 2009

Unang araw ng masayang high school life para sa magkakaibigan. Nagtitipon tipon ang mga estudyante at magulang sa quadrangle ng eskwelahan. Makikita ang mga batang magkakakilala na, mga bata at magulang nito na nagbibilin ng dapat gawin sa klase.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Moves in Different WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon