Third Person's P.O.V
*Plays Work by Rihanna*
'Work, work, work, He said me haffi wo-----"
"Arghhh bakit may alarm ako ng Sabado??" Pagtatanong ni Tim sa sarili n'ya. Pagkatingin n'ya sa screen ng telepono ay bumungad ang notice na "Birthday ni Ethan"
"Ay oo nga pala. Hayst puro kalat na naman mamaya." Sambit ng binata sa sarili bago tumayo at maghanda sa kaarawan ng kanilang kaibigan.
Pagsapit ng alas-siete ay nakarinig na si Tim nang mahihinang katok mula sa gate ng kanyang apartment. Binuksan ito ng binata habang hawak hawak pa ang mainit n'yang kape.
"Good morning Tim!" Ani ni Kirsten. Inabot naman ng binata ang bitbit na plastik ng kaibigan.
"Morning mamehn!" Blake na dire-diretsong pumasok sa bahay at sosyal na binabalandra ang kape nitong Starbucks.
"Sana tumulong ka diba Blake?!" Sigaw ni Leo na binababa ang mga gamit sa trunk ng sasakyan.
"Nasaan si Trisha at Marilyn?" Tanong ni Tim.
"Susunod na lang sila. May kulang pa kasing ingredients sa lulutuin ko" Sagot ni Kirsten at isa isa ng nilalabas ang mga pinamili nitong pagkain.
"Kain muna tayo umagahan. Wala bang ulam d'yan Tim?" Saad ni Blake habang busy sa telepono.
"May pang-starbucks ka pero wala kang pang-umagahan??" Pagtataray na sagot ni Tim.
"Ayan buti nga. Bwisitin mo na ang bagong gising, 'wag lang ang bagong gising na si Tim." Gatong ni Leo.
"Nag-aaway na naman kayo ang aga aga. May binili naman akong pang-umagahan dito eh. Magsaing ka na lang Blake..... ay 'wag na pala baka maging popped rice na naman ang kanin" Pabawing sabi ni Kirsten. Natawa naman ang dalawa dahil naalala nila ang nangyari nung huling pinagsaing nila ang kaibigan. Nagsaing ng walang tubig kaya't nagmukhang popped rice.
Pagsapit ng alas dose ay dumating na sina Trisha at Marilyn. Nagsimula nang kumilos ang magkakaibigan sa pag-aayos sa surpresa nila. Si Tim at Blake ay nag-aayos ng mesa't upuan sa labas samantalang si Leo ay inaayos naman ang sound system. Si Kirsten ay abalang abala lutuin ang pang-lima n'yang putahe. Si Trisha at Marilyn ay busy mag-decorate at ayusin ang mga pagkain.
"Hello?? Yes Papi Marco? Papunta ka na dito? Osige sige. Ingats!" Saad ni Trisha bago ibaba ang tawag ng nobyo ni Ethan.
"Ano sabi ni Marco?" Tanong ni Mari habang nilalantakan ang ice cream.
"Checheck n'ya daw kung okay na yung place tsaka ibababa n'ya din daw yung mga alak na binili n'ya"
"AYAAAAAN!" sabay na hiyaw ni Leo at Blake pagkarinig pa lang sa sinabi ni Trisha.
"Mga tumador talaga!" Ani ni Tim na tila excited din sa narinig.
Alas tres na ng hapon at natapos na silang anim sa pag-aayos ng lahat. Nagsiligo at ayos na din sila. Unti unti nang dumarami ang bisita ni Ethan sa surprise party n'ya ngunit wala rito ang iilang tao na dati ay laging present sa araw na ito.
"Yes hello? Papunta na kayo?? Osige!" saad ni Trisha matapos ay ibinaba ang telepono.
"GUYS BE READY ON THE WAY NA SILAAA!!" sigaw ni Trisha. Dali-daling nag-ayos ang anim pati ang ibang bisita. Kabado ang magkakaibigan kung magiging succesful ba ang plano nila.
Sa kabilang dako. Ilang oras bago sumapit ang nakatakdang oras ng pagsurpresa nila. Si Marco ay nasa apartment ng kanyang nobyo. S'ya ang susundo sa nobyo at ang plano ay aayain si Ethan na kumain sa labas.
"Bub, Tara na kain tayo dinner sa favorite mong restau." Panimula ni Marco na nakaupo sa kama samantalang si Ethan ay nakahiga pa dahil puyat sa trabaho. Kinakabahan si Marco na baka madulas at maging palpak ang plano n'ya.
"Aughhh. Paano yung anim? Nangako ako na magcelebrate kami ngayon eh." Saad ni Ethan habang nakatalukbong ng kumot.
"Kinausap ko na sila. Bukas na lang daw kayo magcelebrate. Kulang din daw kasi kayo dahil may pasok yung iba. So shall we go??" Kahit may pagdududa sa sinabi ni Marco ay sumunod na lang si Ethan. Binuksan n'ya ang cellphone at bumungad ang sandamukal na texts at greetings mula sa mga taong malapit sa kanya
"Happy Birthday Mamsh! See u tom! - Kirsten.
"HBD Bro/2ll! - Blake at Leo"
"Kitakits bukas Ethan! - Tim"
"Teh pakihanda ang handa bukas ah! HBD labyu! - Trisha"
"Heypi Birthday! Yung mango cake lang masaya na ako. - Marilyn"
Napangiti si Ethan ngunit nabawi agad ito ng kalungkutan sapagkat walang message sa kanya ang kanyang mga magulang.
"I guess they still didn't accept me? tsss" Saad niya bago tumayo at maligo.
Si Marco ay tinawagan ang anim upang ipaalam ang usad sa kanilang plano. Binilin n'ya sa anim na mag-message agad ng greetings at ayos lang sa kanila na sa Linggo na lang silang pito mag-celebrate para hindi magduda si Ethan sa surprise nila.
"Bub, paglabas natin ng village wear this blindfold and don't remove it okay?" Sabi ni Marco. Napakunot ng noo si Ethan dahil sa sinabi nito. Kabado s'ya dahil baka magduda na ang kanyang nobyo.
"Baka kidnappin mo ako bigla. Walang magbibigay sa'yo ng ransom hahaha" patawang alma ni Ethan.
"Silly! I just prepared something on the restau, so might as well cover your eyes for a little surprised reaction? hahaha." Pagpapalusot ni Marco. Pumayag na lang si Ethan at pinikit ang mata para na din umidlip at maiwasan ang lungkot na nadarama.
Sa bahay ni Tim
Habang nag-iintay ang lahat ay dumating na din si Blake kasama si Tanya at may bitbit na mga bulaklak. Kabado si Tanya dahil first time s'yang maimbitahan sa birthday ng isa sa kaibigan ng kanyang nobyo. Ngunit nawala ang kabang nadarama ng dalaga dahil buong ngiti naman s'yang sinalubong ng lima. Niyakap at bumeso ang lima kay Tanya na s'yang ikinapanatag ni Blake. Pero binawi ang panatag na ito nung may sumigaw na isang bisita at sinabing dumating na ang birthday celebrant.
"Bakit parang ang iksi ng biyahe?" Tanong ni Ethan sa nobyo. Tatanggalin na sana n'ya ang piring para tignan kung nasa restaurant na ba sila pero nahawakan agad ni Marco ang kamay nito at inilayo sa piring. Hinalikan n'ya ang pisngi ni Ethan para 'di na ito pumalag.
"Opps! No! I told you I'll be the one who'll remove it. Now I'll open the door and guide you to walk but don't remove it okay?" Aniya ni Marco. Sinunod na lang ni Ethan ang nais nito bilang suporta sa plano ng kanyang nobyo.
Inalalayan ni Marco si Ethan patungo sa likurang bahagi ng bahay ni Tim. Sa pagtiyak n'ya na handa na ang lahat bumilang nang tatlo si Marco at pagkababa ng piring ay sabay sabay sumigaw ang mga tao ng
"HAPPY BIRTHDAY ETHAN!" Napamulat ng mata si Ethan sa narinig at bumalandra sa kanyang harapan ang birthday banner at full set-up ng pang-birthday. Sabay sabay ang lahat sa pagkanta ng birthday song habang lumapit naman si Trisha at Marilyn hawak hawak ang cake na may rainbow design. Napatakip ng bibig si Ethan dahil sa surpresang kanyang natanggap.
"Make a wish naman frend!" Sabi ni Trisha. Taimtim s'yang puimikit at lubos na nagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang kanyang natanggap.
"At higit sa lahat Lord ay salamat po binigyan mo ako ng mga taong handa akong suportahan at mahalin sa kung anong pagkatao ko. Thank you po. Amen." Pag-ihip sa kandila ay ang pagsimula nang kasiyahan at kainan. Nawaksi sa isip ni Ethan ang lungkot at problemang bumabagabag sa kanya sa loob ng dalawang taon.
BINABASA MO ANG
Love Moves in Different Ways
RandomThere are different kinds of love in this world. Some of it was Unrequited love, age gap love, LGBT love, interracial love, selfless love, and lastly the self-love kind of love. It is the story of Leo, Ethan, Kirsten, Marilyn, Trisha, Blake, and Tim...