Chapter 3: Loving you in distance

9 0 0
                                    

Trisha's P.O.V

Nasa apartment ako ngayon busy kumain at magpahinga dahil day-off ko. Wala naman akong ibang magawa dahil tapos ko na panoorin mga Kdramas na sinusubaybayan ko, kaya ito ako nag-iimagine na naman magkakaroon ng jowa na kamukha nila Lee Jong Suk, Lee Minho at Kim Soohyun, pero alam kong imposible 'yon. Napapabuntong hininga na lang ako sa pagiging hopeless romantic ko hay buhaaaay.

"Pero paano nga ako magkakajowa kung wala naman akong ginagawa?! hindi pwedeng wala akong gawin!" Tumayo ako sa sofa at kinuha ang cellphone ko. Naalala ko yung mga dating apps na sinasabi ni Blake panghanap sa mga chiks niya dati.

Dali dali kong inopen ang app na Timber at gumawa ng profile. Syempre makikipagharutan ka na lang aba, gandahan mo na profile mo! Pinili kong display picture yung naka-two piece ako tas sinamahan ko ng mga magagandang picture ko na kuha nina Ethan at Leo.

"AYAAAN! Perpyak! daming mabibiktima ng ganda ko!" Sigaw ko. Siguro kung maririnig ako ng mga kaibigan ko baka binato na ako ng unan. Nilagay ko sa common interest ang asian boy, Korean, Chinese o Japanese. Excited na ako! Parang nabuhay muli pagiging malandi ko hahaha.

After 2 hours

"Hmmm ano ba 'to mukhang fuck boy.......Mukhang may sariling pamilya naman 'to! Ito naman mukhang naligaw lang sa app na 'to." sambit ko habang bwisit na nagsa-swipe left ng mga profile ng mga nilalang dito sa Timber.

May mga tao na pagkaswipe right ko ay nagmessage agad na humihingi ng nude pics, boob pics and foot pics. May iba naman na nagsesend ng account number at nagpapasend ng pera. "MUKHA BA AKONG SUGAR MOMMY?!" sigaw ko sa cellphone ko. Napapahilamos na lang ako sa mukha ko dahil sa mga nakakaencounter ko.

"Ano ba naman 'tong app na nirefer ni Blake parang wala akong makikitang matinong kaporeber eh!" swipe left lang ako ng swipe left hanggang sa may nakahuli ng atensyon ko.

"Rowden Lee.....27.... Korean at kamukha ni JUNG HAE IN! JUSKO!!!" Nagtatalon ako sa kilig dahil ang pogi! Nanginginig akong nag-swipe right dahil baka mawala pa s'ya sa paningin ko. In-stalk ko profile niya.

 "Ohh la la la~~ siya na talaga!" 'yan na lang nasabi ko matapos makita ang pictures nya na naka-topless, nasa gym at nagbabasketball. "Salamat sa blessing!"

*ting*

Ayaaan na!!!! OMG! Nagchat agad!

Rowden: Hi! Where u from?

Trisha: Hello! I'm from the Philippines!

Rowden: Oh! Philippines! Mabuhay!

Natawa ako sa response niya dahil para siyang turista HAHAHA. Tumagal usap namin asking about basic information to each other kaya I decided to do the very very right thing, kunin ang legit social media account niya.

Trisha: Do you have instagram or Facebook? So we can talk freely?

Rowden: I have facebook but I am more active in Instagram. Here's my account. @RowLee. I'll follow you back!

Trisha: Okay! See you in instagram!

Dali dali kong in-open yung instagram ko at sinearch siya. Isa lang masasabi ko, ANG AESTHETIC NG FEED NIYA!!! It's either nasa beach siya, OOTD pic, food pictures syempre 'di mawawala yung solo pic niya na fineflex ang muscles. Samantalang sakin puro pagkain laman ng feed ko yung iba blurred pa hahaha.

*ting*

RowLee followed you back

*ting*

Rowden: Hey Trisha! Looks like u had fun in your story haha

Napaisip ako kung anong story 'yon at ito lang nasabi ko "Putangina bakit ngayon niya pa nakita 'to?!" ang laman lang naman ng story ko ay throwback naming pito nung birthday ni Leo at nagsusuka ako sa gilid sinamahan pa ng wasted pictures ko. Dinelete ko agad 'yon takte sira agad image ko TT___TT

Love Moves in Different WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon