Chapter 4: Spending all my love for You.

7 0 0
                                    


Blake's P.O.V

      Wassup! Andito ako sa kusina namin habang nag-uumagahan. Wala ako work ngayon dahil kakatapos lang ng project namin sa isang kumpanya. Ako nga pala si Blake! pinakaloyal at pinakapogi sa pitong dragon ball. Ang trabaho ko ay isang project manager slash consultant slash freelance na macho dancer hahahaha joke pero freelancer ako. Isa ako sa mga taong nagbibigay ng ideas, plans, product or strategy ng mga start-up company or big company. Wala eh, ang talented ko lang na nilalang. 

"Blake anak! aalis kami ni Ate mo para maghanap ng apartment niya sasama ka ba?" Tanong sakin ni Mommy. 

"Ay aalis po kasi si Tanya baka samahan ko sa site nila." Sagot ko with guilt. Tumango na lang si Mommy.

*bzzt bzzt*

Tanya ko <3 

"Love,punta ako sa site namin sasama ka ba?" 

                                                  "Ay papasama din kasi sila mama sa paghahanap ng apartment ni 

                                                       Ate pero tumanggi na ako. Samahan na lang kita." 

"Ohh. Hindi na Love, samahan mo na lang sila Tita

minsan lang sila magpasama sayo. Sama ko na lang

si Third. Ingat kayo! love you!" 


                                                      "Okay ingat ka din. Love you tooooo! <3"

" Hinahanap ka na ba ni Tanya?" Ani ni Mommy na halatang dismayado.

"Hindi na po. Samahan ko na lang kayo, papasama na lang daw po s'ya sa kapatid n'ya." Ngumiti agad si Mommy sa narinig n'ya.

"Sige na gagayak na ako. Mana ka talaga sa tatay mo, takosa hahahaha" Iiling-iling na sabi ni Mommy bago tumaas.

Natawa na lang din ako sa sinabi ni Mommy halos pati yung anim 'yan ang sinasabi sakin. Hindi naman ako takot kay Tanya mismo, takot lang ako na mawala ulit ang isa sa pinaka mahalagang tao sakin dahil lang sa pagkakamali ko.


Alas siete na nang gabi ng makauwi kami kakahanap sa apartment ng ate ko. Medyo masama loob ko habang nagda-drive dahil nung ako nagbabalak bumukod ayaw ni Mommy pero nung kay Ate pumayag? medyo unfair lang. "Blake maso-solo mo ang dalawang kwarto at libre pa pagkain sa bahay. Kaya okay lang 'yan." Pagkukumbinse ko sa sarili ko. 

"Oo nga pala anak paki-pick up naman nung in-order ko na cookies and brownies kay Mareng Kathy. May trabaho daw kasi si Leo kaya 'di n'ya madeliver." Aalisin ko na sana ang seatbelt ko pero 'di natuloy dahil sa sinabi ni Mommy bago bumaba. Tumango na lang ako.

"Ay! Panget! pakikuha din pala kay Kirsten yung order ko na cosmetic supplies. Magkikita naman daw kayo sa Sabado eh. Salamat!" Sigaw naman ni Ate bago pumasok ng bahay. Napasimangot ako. Minsan 'di ko alam kung ano ba purpose ko sa buhay pero pinapaalala sakin nila Mommy at Ate na driver pala nila ako.

"Haaaaay nakakapagod maging driver ng pamilyang ito." Nasabi ko na lang habang pinaandar ulit ang sasakyan.

Dumiretso na ako sa bahay nila Leo at laking gulat ko na andito na sasakyan nila Leo. Aba andito na pala ang buang bakit 'di pa s'ya nagdeliver? Kamot ulo na lang nagawa ko. Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ni Loren, nakababatang kapatid ni Leo.

Love Moves in Different WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon