Kirsten's P.O.V
"Kirsss!!! paki-ayos naman ng orders dito, ready for delivery na kasi 'yan" sabi ni Ma'am Ruby. Inayos ko na 'yung orders per location para easy na lang kay Mang Iko pagbaba at pagbigay mamaya sa customers.
"Kiiiirs! 'Yung invoice ng orders sa branch sa Pampanga okay na ba?" tanong ni Kia.
"Ay oo nga pala! Patapos na 'yon wait lang" Maygahd! muntik ko na makalimutan! dali-dali akong umupo sa mesa ko para ayusin ang mga papel.
Ako nga pala si Kirsten Mae Trinidad. 25 years ng nabubuhay sa mundo and as of now nagtatrabaho ako sa isang pabrika ng skincare at cosmetic products. Mataas demand kaya panay release ng orders. Nagbubuhat ako ng box at patuloy sa pag-aayos ng products kaya after this day malamang haggard na haggard na ako.
Haaay! sana mabilis lang ako makakauwi dahil imi-meeting na naman kami ni Trisha para sa birthday ni Ethan. Ang swerte talaga n'on ni Ethan kay Marco. Gwapo, yummy, mayaman, mature, caring at sweet. Pinagpala sa jowa! haaaay sana lahat.
"Oo nga pala Kirsten sabi sakin ni Boss Rick ikaw ang gagawing representative d'on sa event sa isa nating client dahil may sakit si Grace." Bilin ni Ma'am Ruby. Nanlaki mata ko sa narinig ko. Jusko! ang dami dami namin dito bakit ako pa?! Nakakahiya maygahd!
"P-po?! Hala Ma'am bakit ako?! si Kia na lang po!" sagot ko with full conviction.
"Hindi siya pwede dahil sa isang client naman siya nakatoka. Kayong dalawa lang may galing sa pagclose ng deal sabi ni Boss e. Tsaka may bonus 'yon kapag nakuha niyo!" kumindat pa si Ma'am samin para makumbinse kami na malaki laki 'yung bonus na 'yon. Achhk!! Anak ng tinapaaay!! kinakabahan ako! hindi pa naman ako sanay humarap sa madaming tao.
Habang naglalakad ako sa kalsada sa subdivision ay patuloy ako sa pag – iisip kung ano mga sasabihin ko at paano ko ipe-present products namin. Bumubulong bulong pa ako habang nagpapractice ng sasabihin. Pinagtitinginan na ako ng mga dumadaan, akala siguro baliw ako hahaha.
"KIRSTEN!" Nilingon ko kung sino 'yung grabe makasigaw ng pangalan ko. Akala mo si Darna eh. Nakita ko ang isang taong hindi ko sure kung sino ba dahil medyo malabo mata ko. Lumapit ako para mas makita ko ng maayos.
"O-oh! Kuya Bin?" Pag-aalinlangan kong tugon kasi mamaya hindi pala siya, magkakamukha kasi silang magkakapatid. Hindi ko alam kung bakit pero parang uminit? Lalo na sa bandang mukha ko.
"Hahaha sira! Ako 'to si Ben!" napanganga ako dahil hindi si Kuya Bin ang nasa harap ko. #Disappointed
"Hah?! Ikaw 'yan Kuya Ben? Bakit parang tum....tumanda ka?" Pabulong na lang 'yung last word kasi baka maoffend ko tas hampas niya sakin hawak niyang helmet.
"Hahaha 'di pa din talaga nagbabago pananalita mo hahaha" Napatameme ako bigla, bakit gan'on siya tumawa? Ang maskulado? Kahit medyo shumonda na itsura niya parang mas ......... gumwapo?
"Luh!? ano ba 'tong naiisip ko?!" Bulong ko sa sarili ko at niyugyog ulo ko para mawala ang mga bagay na tumatakbo sa madumi kong utak.
"Oh? Okay ka lang? pauwi ka naman na ata sabay ka na sakin" Alok niya sabay ngiti. Diyos ko patawarin ang pogiiiii!!
"Ay nako hindi na Kuya Ben! Malapit na din naman ako sa bahay lalakad na lang ako hehe" Pagtanggi ko. Mamaya makita pa ako ng fiancé niya mapagkamalan na naman akong kabet.
"Okay. Ingat ka ah! Sayang wala si Kuya B...." Hindi ko narinig huli niyang sinabi pero tumango na lang ako at kumaway para umalis na siya. Si Kuya Ben at Bin ay magkapatid at tropa ng kuya ko. Crush ko si Kuya Bin dati nung kinse anyos ako, kaya lang cannot be ko siya harutin dahil five years gap namin, baka bugbugin ako ni Tatay at ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Love Moves in Different Ways
RandomThere are different kinds of love in this world. Some of it was Unrequited love, age gap love, LGBT love, interracial love, selfless love, and lastly the self-love kind of love. It is the story of Leo, Ethan, Kirsten, Marilyn, Trisha, Blake, and Tim...