Chapter 1

8 0 0
                                    

Naglalakad ako sa hallway habang bitbit ang mga paborito kong libro. Inayos ko ang salamin ko. Napansin ko na, parami na nang parami ang mga studyante. Kaya kailangan ko nang magmadali at baka maabutan paako nang mga bullyng studyante.

Malapit nako sa library nang biglang may bumunggo saakin. Napaupo ako at tumalsik ang mga librong dala ko.

Napansin ko naman ang babaeng nabunggo ko at kung minamalas ka nga naman yung leader pa nang nambubully saakin.

"WTF!?HINDI KABA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO!? TIGNAN MO GINAWA MO!! NADUMIHAN ANG DRESS KO!! YOU BITCH!!"saad nito pagkatapos tumayo at tulungan nang mga alagad nitong coloring book.

Napukaw na namin ang atensyon nang ibang studyante kaya napayuko nalang ako.

"Pasensya na hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako at madami akong dala." Nakayukong paumanhin ko.

"Sa susunod kasi wag kang tatanga- tanga!! I-" hindi na natapos ang sasabihin nitong may pumutol nito.

"Stacey tama na'yan. Lets go, wag mong sayangin ang oras mo sa mga walang kwentang bagay." Saad ni kael.

Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ko inaasahan. Kael is the person I'm looking, for how many years. Ilang taon kona syang inaantay pero alam kong hindi ako makilala. Simula nung Nawala si daddy, nawalan narin ako nang pag-asang intayin sya.

Napatingin ang grupo ni Stacey sa grupo ni kael. Ngumiti ito kay kael at lumingkis sa braso nito.

"You're right BABE. Sa susunod na mabangga moko, hindi lang kita ipapahiya tandaan mo yan. Naiintindihan mo?" saad ni Stacey saakin. At diniinan pa ang salitang babe.

Lahat sila naka tingin sakin at marami narin ang nakikiusosyo.

Napatungo ako."N-naiintindihan ko." Nauutal na saad ko. Hindi ako makatingin sa mga mata nila dahil puno nang pangungutya ito.

"Good. Lets go babe." Saad nito at umalis na sila.

Pinagpupulot ko na ang mga libro ko at pumunta na sa library.

Binati ko ang tagabantay sa library. Close ko na ito dahil dito ako lagi tumatambay, minsan naman ay sa ilalim nang puno sa likod nang school. Dahil walang studyanteng pumupunta doon.

Ako ngapala si Hermosa voz Daniel, half Spanish-half filipino. 20 years old, 2nd year college na at proud ako sa pangalan ko kahit weird ito. Wanna know why? Dahil ang ibig sabihin nang pangalan ko ay...malalaman nyo din not now ayoko muna may makaalam sa sikreto ko.

Kakatransfer kolang dito last week at sikat na nerd at binubully agada ko. Well, diko naman sila masisisi dahil nerd naman talaga ang itsura ko at lampa pa.

Nakasuot nang mahabang palda na pang manang at tshirt na maluwag. Naka big eyeglasess at may brace.

That's why they're calling me a nerd.

Matalino naman ako kaya maraming nambubully saakin. Lalo na at mga naiinggit dahil sa perfect exam ako at laging nakakasagot sa recitation. Madami nga ang nagpupumilit na gawin ko ang mga assignment, projects, or presentation nila. Hindi naman ako maka-hindi dahil mas lalo nila akong ibu-bully.


UWIAN na at nagliligpit na ako nang mga gamit ko.

Paglabas ko onti nalang ang mga studyante, sinadya ko talaga yun dahil pagtitripan nanaman ako.

Parang gusto kong maglibang bukas

Naglalakad lang ako pauwi dahil walking distance lang naman ang bahay namin. Nang malapit na ako ay tumingin muna ako sa paligid kung may nakasunod. Nang wala ako napansin ay pumasok nako.

Pagpasok ko ay sinalubong ako nang mga maids.

"Maam buti naman nakarating na kayo iniintay napo kayo nila maam feliza sa hapag."nakangiting bati nito saakin.

Ngumit naman ako dito."Ganun ba sige susunod ako, magbibihis lang ako."tumango naman ito sakin at umakyat na ako sa taas.

Pagpasok ko sa kwarto ay nagbihis na ako nang pang bahay at bumaba na.

Pagdating ko sa dining area ay, Nakita kong hindi pa sila kumakain.

Humalik ako sa pisngi ni mommy at ni feliz.

Feliza Daniel my mom and my little sister Amora feliz Daniel 4 years old. Kami-kami nalang ang magkakasama dahil maagang binawian nang buhay ang aking ama sa sakit na cancer.

Isang sikat na Spanish singer ang aking ama. Nang namatay ito ay,madami ang dumalo lalo na ang mga fans nito. Simula nun lahat nang itunuro nya hininto ko na.

Kapag kasi pinagpapatuloy ko ay naalala ko lang si daddy.

Si mommy naman ay isang sikat na model ngunit hininto na nito at nagpokus na saamin nang kapatid ko. Minsan wala si mommy dito ay ako ang nag aalaga kay feliz.

Feliz is such a cute and naughty girl yet sweet. Malambing ito kaya minsan nawawala agad pagod mo.

"Kamusta naman ang araw mo anak?" Tanong ni mommy habang sinusubuan si feliz.

"Ayos naman po mom." Saad ko.

Binaba nito ang mga kubyertos at tinignan ako na nagalala.

"Anak, kailan kaba babalik? Hindi mo naman kailangan gawin yan eh." Saad nito na tila nagmamakaawa.

Napabuntong hininga ako."Mom, you know that I have a reason why I need to this right?"pagpapaintindi ko rito.

"Pero anak ilang taon kaba magtatago? Alam mo namang hindi magugustuhan nang papa mo ang ginagawa mo hindi ba?"

Hindi na ako sumagot at napayuko nalang pinagpatuloy ang pagkain.

Narinig ko naman itong bumuntong hininga.

"Sige, ganto nalang pagbibigyan kita sa gusto mo pero gagawin mo ang pabor sayo nang tita mo. Kahit yun nalang anak. Ayoko masayang yang talento mo."

Naalala ko nga pala yung favor ni tita emely sakin. Kaso hindi ko alam kung gagawin ko ba yun dahil matagal nang binaon ko sa limot iyon kasabay nang pagkawala ni daddy.

Pero mukhan wala na akong magagawa kung ayaw kong may makaalam.

"Sige po,itutuloy kona po kung yan ang makakapag pa saya sa inyo mom." Nakangiting ani ko dito.

Napatalon naman sa tuwa si mommy at pumalakpak. Habang si feliz ay nakatingin lang kay mommy nang nagtataka at ako naman ay napailing nalang.

The truth is that only me and my parents are the only people who really know who I am.

Memories in my voice✔️Where stories live. Discover now