4th

2 0 0
                                    

"SASA! Happybirthday! Ito ang gift ko sayo." Saad nang lalake sabay abot nang isang maliit na kahon.

Pagkabukas nang babae nang kahon ay tumambad dito ang singsing.

"Wow! Para saakin talaga ito?" saad nang babae.

Tumango naman ang lalake.

Kinuha nito ang singsing at hinawakan ang kamay nang babae.

Dahan dahan nito sinuot ang singsing sa babae. "Ito ay promise ring ko. Nangangako ako na ikaw lang papakasalan ko paglaki natin." nakangiting saad nang lalake.

Naluluhang tumango tango ang babae niyakap ang lalake. Niyakap din naman ito nang lalake.

IBANG araw naman nakaupo sa ilalim nang puno ang dalagang babae habang nakahiga ang binatang lalake at nakaunan sa hita nito.

~Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw

Ang iniisip-isip ko

Hindi ko mahinto, pintig ng puso

Ikaw ang pinangarap-ngarap ko

Simula nang matanto

Na balang araw iibig ang puso

Ikaw ang pag-ibig na hinintay

Puso ay nalumbay nang kay tagal

Ngunit ngayo'y nandito na ikaw

Ikaw ang pag-ibig na binigay

Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko

Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw~

Kanta nang babae habang hinahaplos ang buhok nang lalakeng nakatitig lamang dito.

"Iloveyou." Nakatitig na saad nang babae.

Napangiti naman ang lalake "Iloveyoutoo H-."

Nagising ako sa alarm clock ko.

Nakatitig ako sa kisame habang nakahiga parin.

Inaalala ko ang panaginip na iyon.

Ilang beses na akong nanaginip na iyon na kasama ang babae pero everytime na sa sasabihin nang lalake. Hindi ko makita ang mukha nila dahil blur ito pero pamilyar na pamilyar ang boses nung dalawa.

Hindi ko nga alam kung totoo yun o hindi dahil ang sabi nang mommy ko naaksidente daw ako.

Nung araw na nagising ako sa ospital wala akong maalala. Gulat na gulat pa nga sila mommy nun.

Nagpakilala sila bilang magulang ko. Ilanga raw pa bago ako maka recover pero ang sabi nang doctor hindi sure kung kalian ako makaka alala.

Kaya ang sabi ko kay mommy kung importante tao ang nalimutan ko. Kung mahalaga sya sakin ay maalala ko sya.

Kaya simula nung nanaginip na ako nang lalake at babae na magkasama nagsimula iyon nung bata pa iyong dalawa. Nung una binalewala ko lamang ito dahil baka imahinasyon ko lamang iyon na gawa nang panaginip ko ngunit nung naapadalas na ay nagtataka na ako.

Napaisip ako kung baka parte nang alaala ko iyon.

Kung maalala ko man iyon hahanapin ko agad iyong babae.

Dahil simula palang.

Alam kong ako yung lalake na iyon.

Na nangakong papakasalan ang babae na iyon.

Napa buga ako nanghangin at bumangon nat pumunta sa banyo para maligo.

VOZ POV

NANDITO ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga at nakatitig sa kisame.

Pinag iisipan ko kung aattend ba ako sa party bukas.

Naalala ko nanaman yung pagaaya saakin ni kael kahapon. Hindi ko iyon ineexpect, pero kinakabahan ako. Paano kung plano nila iyon tapos ipahiya nanaman nila ako?

Paano kung trip lang pala nila iyon?

Ang daming paano ang naiisip ko. Masyadon na ata ako na trust issue. Buti nalang hindi ako nagpadala at umayaw ako sa pagyaya nito.

Nagmumuni-muni ako nang may kumatok sa pinto ko.

Hindi pa ako nakakasagot nang bumukas ito at pumasok si mommy.

Umupo ako at tumabi namn saakin si mommy at hinaplos ang buhok ko.

"Anak,kailangan na natin bumalik." Malungkot na saad ni mommy.

Napayuko naman ako. "Hindi napo ba pwede akong magtagal dito?" saad ko.

Napabuntong hininga naman ito." Anak, pumunta ako sa kanila kahapon at kitang kita ko na hindi talaga nya maalala. Kailangan na natin bumalik anak dahil kailangan tayo nang lolo mo. Alam mo naman may katandaan na iyon. Diba napagusapan na natin ito? Apat na buwan lang anak. Huling araw na bukas pero wala paring nangyayari." malungkot na saad nito.

Hindi kona napigilan at napaluha na ako.

Niyakap naman ako nito at hinagod ang likod ko.

"P-papayag na po ako. Siguro wala na talagang pag asa. Its been 3 years mom. Pagod na din akong maghintay. Pagbigyan nyo nalang po ako mom hanggang bukas." saad ko. Tumango naman si mommy.

"Sige anak, pasensya na walang magawa si mommy." saad nito.

Umiling naman ako dito. "No mom, ang dami mo napong nagawa. Pasensya napo kung pinilit kopa."

"Nginitian naman ako nito. It's ok anak, I will do everything mapasaya kalang."

Memories in my voice✔️Where stories live. Discover now