Chapter 3

5 0 0
                                    

VOZ POV

ILANG ARAW na ang lumipas pagtapos nang exam at mayroon kaming isang linggong sembreak.

Nandito ako ngayon sa parke malapit lang saamin. Nakaupo ako sa swing habang pinagmamasdan ang dalawang bata, lalake at babae na naglalaro nang bato-batopik.

Kitang kita ang saya sa mga mata nila.

Parang kami lang noon

Flashback~

Nasa parke ang isang limang taong gulang na batang babae kasama ang yaya nito. Nakaupo ito sa swing habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro.

"Hello! ako nga pala si kael." saad nang pitong taong gulang na batang lalake sabay lahad nang kamay nito.

Tinignan naman ito nang batang babae at tinignan din ang nakalahad nitong kamay sabay apir nito dito.

Natawa naman ang batang lalake sa ginawa nito.

"Hindi dapat ganun, dapat kapag may naglahad sayo nang kamay at nakipagkilala ang dapat mong gawin ay hawakan ito at itaas baba bilang pakikipagkilala." Hinawakan nang batang lalake ang kamay nito at nakipag shake hands.

"Iyan, dapat ganun ang gagawin mo,ang tawag dun ay shake hands."ani nang lalake

Tinignan naman nang batang babae ang kamay nito sabay tingin sa batang lalake at tingin muli sakamay nito.

Kinuha nang batang babae ang kamay nito at nakipag shake hands.

Natuwa naman ang batang lalake at hindi pa binibitawan ang kamay nang batang babae, hindi naman ito nailang.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong nang batang lalake.

Nahihiya namang tumungo ang batang babae."H-hermosa". Hindi masyadong narinig nang batang lalake ang sinabi nito at sa lang ang narinig kaya simula nun sasa na ang naging tawag nito sa batang babae.

Naging magkaibigan ang dalawa at laging nagkikita sa parke para maglaro.

Lagi din kinukwento ni sasa ang tungkol kay kael at tuwang-tuwa naman ang magulang nito.

Ganun din ang magulang ni kael.

Ilang taon na ang lumipas at hindi parin mapag hiwalay si sasa at kael. Lagi parin nagkikita sa parke ang dalawang bata.

:Sasa! Laro tayo nang bato batopik tapos pag natalo ako papakasalan kita paglaki natin!" sabi nang walong taong gula na batang lalake.

Nagtaka naman ang batang babae.

"Ha? Ano ba yung kasal?" tanong nang batang babae.

Napakamot naman sa ulo ang batang lalake.

"Narinig ko sa usapan nila mommy na ang taong nagmamahalan ay dapat ikasal, kaya papakasalan kita." nakangiting ani nito.

Kita nang lalake na namula ang pisnge nang babae kaya mas lalo itong napangiti.

"I-ibig sabihin mahal mo ako?" nauutal na ani nang batang babae.

"Oo naman kaya paglaki natin hindi ka pwedeng mag mahal nang ibang lalake ah? Kasi dapat saakin kalang!" pursigidong ani nang batang lalake.

Mas lalo naman namula ang pisnge nang babae.

"S-sige pero kailangan bawal karin magmahal nang ibang babae ah!" nakangusong saad nang batang babae.

"Oo naman!pangako yan."ani nito sabay taas nang pinky finger na simbolo nang pangako.


ILANG TAON na ang lumipas at hanggang sa humantong sila nang highschool ay mag kaibigan parin ang dalawa laging hatid sundo ni kael si sasa. Protektadong protektado ni kael si sasa dahil madami ang umaaligid dito dahil sa angking ganda.

Lagi nitong inaaaway ang mga taong nambabastos kay sasa.

At lagi naman naiinis si sasa dahil sa mga babaeng umaaligid kay kael ngunit laging sinasabi nang lalake na kahit kailan hinding hindi nito titignan o papansinin ang mga panget na iyon.

Hanggang sa ligawan na ni kael si sasa at ilang buwan ang lumipas ay sinagot naman nito.

Suportado naman nang magulang nila sila.

End of flashback~


Napabuntong hininga ako nang maalala nanaman iyon.

Ang una naming pagkikita. Hanggang maging mag kaibigan kami. Lagi nya akong pinapasaya dahil hindi daw dapat malungkot ang magandang tulad ko. Ayaw na ayaw nyang nakikita akong umiiyak na minsan ay pinagbantaan pa akong kukuhanin ang first kiss ko kapag nakita nyang umiyak ako kaya simula nun hindi na ako umiyak.

Lagi nya din akong pinapaalalahanan na kumain nang gulay,uminom nang gatas para maging healthy ang katawan ko. Mapayat kasi ako nung bata ako. Kaya simula nung ginawa nya yun nagkalaman ako.

Lagi ko syang kinakantahan noon dahil ang paborito nya daw pakinggan ay ang boses ko. Naalala ko pa nga yung niregaluhan nya ako nang singsing nung nag 15 years old ako. Hindi na kasya ang singsing kaya ginawa ko nalang pendant sa kwintas ko.

Nagbago lang ang lahat sa isang pangyayari.



ARAW na naman nang klase. Syempre marami din ang naka-miss sakin. Mawawala ba naman ang bully?

Naglalakad ako sa hallway nang may biglang bumangga saakin kaya napaupo ako. Pagtingin ko sa nakabangga saakin ay natigilan ako nang makikilala ito.

Si kael kasama sila Stacey na nagtatawanan habang sya ay seryoso lang ang tingin saakin.

Memories in my voice✔️Where stories live. Discover now