Chapter 4

5 0 0
                                    

Nang mapansin ako nito ay, bakas ang gulat nito saakin.

Mukhang hindi inaasahan ang paglapit ko dito.

"Hey". saad ko habang nakatingin sa kanya.

Umiwas naman ito nang tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

"H-hey." Nauutal na saad nito habang deretso parin ang tingin.

Shet!nakakahiya bakit ba ako lumapit sakanya?

Napatikhim ako. "Ehem. A-ahm, may partner kana sa party?" tanong ko.

Bakit ko nga ba sya tinatanong samantalang kanina sinusungitan ko pa sya tsk.

Mukhang nailang naman ito sa tanong ko."H-hindi ako aattend." saad nito.

Natigilan ako nang mapansin kona pamilyar ang boses nito.

Pero hindi, imposibleng sya yon.

Iwinaksi ko na lang ang iniisip ko. "Bakit hindi ka aattend?"saad ko.

"Ahh, ano, w-wala akong ka-partner syaka hindi ako mahilig sa mga party."saad nito. Sabay ayos nang salamin nito.

Hindi ko alam kung anong iniisip ko nung sinabi ko ang katagang ito. "Umattend ka, ako magiging ka partner mo."

Natigilan ito at napahinto sa paglalakad kaya napahinto din ako.

Nilingon ako nito nang may pagtataka. "H-ha? Nako wag na baka magalit ang girlfriend mo sya nalang ang yayain mo,Salamat." Nakita ko ang pagdaan nang isang emosyon sa mata nya nung binanggit nito ang salitang girlfriend pero iwinaksi ko na lang ito.

Aalis na sana ito nang hawakan ko ito sa braso pero hindi ito lumingon saakin.

Pamilyar talaga saakin boses nya.

"Ganun ba, sige, ingat ka." saad ko saka binitawan ang braso nito.

Tumango lang ito at umalis na.

Napabuga ako nang hangin nang may biglang tumapik sa balikat ko. Paglingon ko nakita ko si jake na naka tingin lang sa palayong si nerd.

Tinaasan ko ito nang kilay bago mag patuloy sa paglalakad, sumunod naman ito saakin.

"Yayayain ko sya." Natigilan ako sa sinabi nito at humarap dito nang may pagtataka.

"Sino?" saad ko.

"Si nerd." saad ni jake.

"Bakit mo naman yayayain si nerd?" nakataas kilay na tanong ko.

Nagkibit-balikat lang ito at nauna na sa paglalakad.

Hindi ko alam pero parang ayaw ko makasama ni nerd si jake.

Hayss! Baka pagod lang ito. Makauwi na nga.


PAGUWI ko sa bahay sinalubong ako ni mom na nakaupo sa sofa habang may kausap itong isang babae na kaedad nito.

Mukha namang napansin ako nito."Oh, andyan na pala si kael. Kael halika dito ipapakilala kita sa kaibigan ko." saad nito.

Humalik muna ako sa pisnge nito sabay tingin sa babaeng nakatitig saakin.

"Magandang gabi po." bati ko.

Napangiti naman ito at nagulat ako nang bigla ako nitong yakapin.

"Maayos kana nga. Hindi mo ba ako naalala?" Tanong nang babae.

Nagtaka naman ako sa sinabi nito at nilingon si mommy na naka tingin lamang saamin nang malungkot.

Napailing naman ako dito. "Paensya napo, hindi, ngayon ko lang po kayo nakilala." saad ko.

Kitang kita naman sa mata nito ang lungkot. "Ganun ba, pasensya na. Ako nga pala si feliz, tita feliz nalang ang itawag mo saakin." Nakangiting saad nito.

"Nagagalak ko po kayong makilala. Ahm, akyat napo muna ako." Saad ko.

Napatango naman ito kaya umakyat na ako sa kwarto ko.

Nagbihis lang ako humiga na sa kama.

Saan ko nga ba Nakita si tita feliz?

Alam kong pamilyar ito.

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako.

"Kael!" umiiyak na tawag nang batang babae.

Tumakbo naman ang batang lalaki palapit dito.

"Hala! Bakit ka umiiyak?" natatarantang saad nang batang lalaki.

"E-eh kasi inaaway nila ako." lumuluhang sumbong nang batang babae sabay turo sa mga batang naglalaro.

Pinunasan naman nang batang lalake ang luha sa pisngi nito." Wag kana umiyak, diba sabi ko sayo kapag umiyak ka kukunin ko first kiss mo! Gusto mo kunin ko yan?" Pagpapaalo nang batang lalake.

Umiling naman at tumahan ang batang babae at niyakap ang batang lalake, niyakap naman ito nang lalake.

"Yan, wag kanang iiyak. Ayoko nang nakikita kang umiiyak." Saad nang lalake.


Memories in my voice✔️Where stories live. Discover now