3rd

2 0 0
                                    

"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo." saad ni kael sabay lagpas sa kanya.

"Bitch."

"Trash."

"Slut."

"Loser."

Sunod-sunod na saad nang grupo ni Stacey bago sya lagpasan habang tawa lang nang tawa ang grupo ni kael.

Napatungo nalang ako syaka tumayo at nagpatuloy ang pagpunta sa classroom.

KAEL'S POV

RECESS time na at napag desisyunan naming pumunta sa cafeteria.

Nakakapit sa braso ko si Stacey habang papasok kami at kita ko ang tinginan at bulungan nang mga estudyante.

Well, I don't care.

Bago kami makapunta sa table namin ay madadaanin pa namin si nerd na kumakain mag-isa. Kita sa damit nito ang dumi dahil sa pinaghalong ibat-ibang pagkain na pinagtatapon nang mga estudyante sa kanya.

Tss.

Sigurado akong hindi palalagpasin ni Stacey ang pagkakataon na ito.

Umorder na nang pagkain namin ang mga kaibigan namin at apat nalang kaming natira dito. Katabi ko si jake kaibigan ko at nasa harap naman naming sila Stacey.

Sa upuan ko kitang kita ko ang pwesto ni nerd pinag ti-tripan nang ibang estudyante. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako nang inis. Hindi ko alam kung bakit. Pero isa lang ang sigurado ako,naiinis ako dahil hindi lumalaban si nerd. Ni hindi ko nga alam pangalan nyan kahit magka-klase kami eh.

"Dude, kawawa si nerd noh?"bulong na saad ni jake.

Napataas naman ang kilay ko. "At bakit ka naman naawa?" saad ko.

Napabuntong hininga ito habang nakatitig parin kay nerd." Ewan ko dude, parang sising-sisi nga ako sa mga pinag-gagawa natin eh. Kasi tignan mo dude, pinagtutulungan na sya pero hindi sya lumalaban." saad nito.

Hindi na ako sumagot at pinagmasdan nalang si nerd hanggang sa dumating na ang order namin.

Habang kumakain kami ay narinig naming muli ang pag stram nang gitara.

Naghiyawan ang ibang estudyante.

Habang ako ay natigilan dahil pamilyar talaga saakin ang boses nang misteryosong babae nayan.

Ngayon naman ay kumakanta ito nang Pag-ibig sa dilim by Reese marie tutanes

Girl: tuloy parin

pag-ibig sa dilim

sa malayo

sa hangin

sadyang ikaw parin

ngiti mo

nakakapanibago

sa parepareho

ng ngiti ng ibang tao

ang mga mata mo

nagniningning

daming gustong sabihin

daming damdamin

tuloy parin

pag-ibig sa dilim

sa malayo

sa hangin

sadyang ikaw parin

Mararamdaman mo ang lungkot nito habang kumakanta ito. Lagi nalang malungkot ang kinakanta nito halatang may pinaghuhugutan. Pero maganda talaga ang boses nya na kahit malungkot ang kanta ay parang hinehele ka.

Pamilyar talaga ang boses nito ngunit hindi ko lang malaman kung saan ko ito narinig. Sinubukan kong magtanong sa nag babantay sa A.R kung anong pangalan nung kumakanta pero sabi confidential daw kaya hindi kona pinilit. Everytime na maririnig ko ang boses nito parang dinudurog ang puso sa hindi malaman na dahilan.

Tahimik ang cafeteria at mahahalata mong nakikinig sila sa pagkanta nung babae. Nang maagaw ang atensyon nang iba ang biglaang pagtayo ni nerd. Kitang-kita dito sa pwesto ko ang luha sa pisngi nito na pilit tinatago sa buhok nito at nagmamadaling lumabas. Natigilan ako at parang kinurot ang puso ko sa nasaksihan.

Gusto ko syang sundan pero pinipigilan ako nang isip ko.

Kahit na lumipas na ang klase ay tinitignan ko parin ang pwesto ni nerd. Nakayuko lang ito habang nagdi discuss ang panghuling guro namin.

"Ok class, Alam nyo na din naman na kung kailan ang party para sa 70th anniversary nang school diba? so class dismiss." saad nang guro sabay alis.

Hanggang sa mag-bell na hudyat na uwian na. Sunod na araw na ang party kaya walang pasok bukas para mapaghandaan nang mga etudyante. Nag-ayos na ako nang gamit ko at aalis na sana nang napansin kong binabagalan ni nerd ang pagliligpit nya at pasimpleng tumitingin sa mga estudyanteng palabas, mukhang magpapahuli ito.

Hindi ko alam pero kusang inintay nang katawan ko si nerd hanggang sa kami nalang dalawa. Mukhang hindi ako nito napansin dahil nasa dulong likuran ako nito.

Memories in my voice✔️Where stories live. Discover now