FILE 1:CHAPTER 3: MOONLIGHT SONATA MASSACRE

28 2 0
                                    

H E R A

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

H E R A

Kagaya ng nakagawian ko gigising ako ng maaga, mag luluto, kakain kasabay si Hermes at papasok. Pag-pasok namin sa school halos lahat ng madadaanan namin sa na students ay nakatingin sa amin. Ngayun ko lang napanSin na may school news paper pala ang school na toh. Mag iiwan ka lang ng bayad sa isang box. Nakatabi ito sa guard house.

Inform ko lang kayo, dalawa ang school news paper ng RHS, isang tagalog at isang english: The Voice at Ang Tinig. Tinagalog lang ata eh? Kahapon bago ako umuwi isa sa mga kaklase ko ang nag sabi sakin na tuwing martes ng umaga ay nag brobroadcast ang mga radio broadcaster mula 7:00am-8:00am. May news paper na nga may mag brobroadcast pa. Gusto nyo bang malaman kung ano ang headline ng The Voice?

The New Companion Of Hermes Valdez

Yan ang nakalagay sa newspaper. Tsk! Ganun ba ka big deal ang dumikit kay Hermes. And just to clarify lang ha? Isang beses lang mangyayari yun at hanggang doon lang yun.

Dalawang beses ka ya yun!

Nakakainis talaga tong isip ko na toh!

"Hey!Hermes. Ganon ba ka bigdeal sa kanila na may bago kang kasama?" Tanong ko. Nag kibit balikat lang sya at tumalikod na.

Nang makarating kami sa klase ay pinag titinginan ako ng mga tao doon. Derederetso lang ako sa likod at naupo. Actualy hindi ko alam kung bakit ako nangeelam sa kaso na yun. I will never lose my interest in things like what happened yesterday.

Why can't I control myself? I also don't know. I can't help but have an interest in such a thing. It feels like when I solved a case, my heart becomes peaceful. And that was the reason why that incident happened to me that caused me to come here and meet a Hermes Valdez.

Dumating na ang teacher namin at nag simula na ang klase. From 8:00am-10:00am. Hindi ko nga alam kung nakikinig ba tong si Hermes sa Klase namin. Matapos ang klase ay lumabas ako ng class room at nakasalubog ang isang babae.

"Oh! Hi Hera." Bati nito sakin. Naaalala ko sya si Bea.

"Hi." Bati ko dito.

"Nabalitaan ko yung nangyari kahapon." Nakangiti nyang sabi. Nakita ko naman na dumaan sa tabi ko si Hermes at nag lakad pababa.

"San pupunta yun?" Tanong ko.

"Si Hermes? Sa S.I.A. Hindi mo ba alam yun?" Tanong nito.

"Sa taas yun matatagpuan. Sya nalang mag isa dun at ang alam ko nag hahanap sya ng mga bago. After 2 years magagamit ulit ang kwartong yun pagkatapos ng madugong pangyayari." Napatingin ako sa kanya.

"Alam mo ang tungkol sa moonlight sonata massacre?" Tanong ko.

"Oo naman noh. Sinong hindi makakaalam nun? Halos lahat ng tao dito alam yun. Ang araw ng pagkamatay ng mga kaibigan nya at ng Girlfriend nya" Nanlaki ang mata ko.

THE FILE OF HERMES VALDEZ FILE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon