vi. World Reverse

3 2 0
                                    

Shaneia's POV

THAT THICK EYE GLASSES GUY is mysterious. Parang may mali sa kanya na dapat kong malaman. Ewan, pero nung malapitan ko siyang tinitigan kanina ay tila pamilyar ang mukha niya. I think I've seen him before. O baka may kamukha lamang siya.

Napalingon ako sa maingay na grupo ng mga kalalakihang palabas ng akademya.

"Boss, sigurado sasaya ka dito sa dagang nataga namin." sabi ng lalaking may kahabaan ang buhok at singkit ang mata. Malaki ang kanyang ngisi at nagtawanan ang dalawa pa nitong kasama.

"Sabihin niyo na kasi kung sino ang taong yan." Naiiritang sagot ng lalaking tinatawag nilang boss. Kulay pula ang kanyang buhok at ang makapal niyang kilay ay inahitan niya ng pa-slant na linya.

"Sino ba ang pinag-iinitan mo ng sobra?"

"Ang pabidang si Del Valle."

Naghiyawan ang grupo sa sagot ng lalaki. Rumehistro naman kaagad sa isip ko ang mukha ni Luhan ng madinig ang apelyido niya. Hindi kaya, bihag nila ngayon ang lalaking iyon.

So what?

Wala akong pake kung magpatayan pa sila. I'm used of being alone without worrying others' businesses. Isa pa, hindi ako matulunging tao lalo na sa taong kinamumuhian ko. At higit sa lahat, ayoko namang basta-basta ko na lang ipakita ang kakayahan ko. Baka mamaya mabuking pa ang pagkatao ko.

I guess I have to leave it here.

Luhan's POV

Dahan-dahang dinilat ko ang mga mata ko at unang bumungad sa akin ang dalawang lalaki. Ang isa'y nakatayo habang nag-yoyosi at ang isa'y nakaupo habang hawak-hawak ang baseball bat na ginamit niyang pamalo sa ulo ko kanina.

The surrounding is untidy at puno na ng kalawang ang mga bakal na pumapalibot sa gusali. I've never been in this place. Tila, dating nasunog na gusali.

"Ano- hambog naming PRE-SI-DEN-TI." sabi ng lalaking nakatayo, emphasizing the word presidente, nang mapansin niyang nagising na ako. I don't have an idea how many minutes I became unconscious.

Maya-maya'y dumating naman ang apat na kalalakihan habang tumatawa. Kahit medyo nahihilo pa ay pinilit kong titigan sila. And they seemed familiar.

"Del Valle! Ang pinakamamahal naming presidente! Kumusta ka." Sarkastikong sambit ng nakapamulsang lalaki habang humahakbang palapit sa akin.

These guys -Sila ang naereport ko sa Guidance Office with their guardians last week for the reason of bullying and drinking alcohol inside the academy.

"Get off of me right now." utos ko. Mahigpit lang naman kasi nilang tinalian ang mga kamay ko habang nakahiga parin ako sa sahig. Dahan-dahan akong tumayo to face them. Tumawa ng malakas ang sa tingin koy lider ng grupo.

"Natatakot ka na ba, aming presidente?" pangungutya niya habang inilalapit ang mukha sa akin.

"My dad- cuts me off from everything I have including my bank accounts. At dahil yan sa'yo Del Valle. Dahil sa kabidahan mo!" Sabi niya, habang tinatanggal ang mamahalin niyang relo at binigay sa kasama niya.

Akmang susuntukin niya na ako, ngunit inunahan ko na siya ng sipa sa binti.

"Woah!" Natatawang sigaw niya. "Lumalaban ka pa talaga!"

Sumalubong sa mukha ko ang malaking kamao niya. At inulit niya pa ito ng apat na beses sa bawat magkabilang pisngi ko. Umiinit ang mukha ko sa bawat suntok niya.

Biglang naramdaman ko ang sakit sa tiyan ko ng biglang paluin ako ng baseball bat dahilan upang mapa-aw nalang ako sa sakit. Sumunod naman ang suntok ng lider nila. Sabay na hinawakan ako ng dalawa pa niyang kasama at bumungad ulit sa akin ang isa pang suntok. Pangalawang suntok. Ikatlong suntok.

Isang sipa mula sa likuran ko ang sumunod dahilan upang mapaluhod ako sa sahig. Napuno ng tawa ang tahimik na silid habang iniinda ko ang sakit ng bawat suntok at sipa nila. Ramdam ko na rin ang pagdaloy ng dugo mula sa ilong ko.

Bogsh*

Tumaginting sa sahig ang tunog ng nahulog na lata mula sa ulo ng lider ng grupo at napahawak siya rito.

"Shoot!"

Napalingon kami sa direksyon ng boses na iyon at laking gulat ko ng makita ang naka-unipormeng babae habang suot-suot pa ang bag niya.

Anong ginagawa niya rito! She's really crazy!

"Gusto mo na bang mamatay babae ka ha!" galit na sigaw ng lider.

"I guess you have to ask that for yourself." Simpleng sagot niya habang naka poker-face pa rin. Dahan-dahan siyang lumakad palapit sa amin.

'Nababaliw ka na Shaneia. Are you trying to help me right now! Don't you dare. Tumakbo ka na lang. Pabayaan mo'ko dito. Do you think kaya mong labanan sila gamit ang nakakatakot mong mukha.'

Gusto kong sabihin sa kaniya iyon but I can't utter a single word dahil sa sakit.

Lahat sila ay tumawa sa sagot ni bruha.

"Hoy, babae. Habang mabait pa ako umalis ka na. I'm giving you a chance! Sho! Sho!" sigaw ng lider.

She gave them a sweet smile at lumapit na talaga sa pwesto namin. What is she doing?

"Get off of him bago pa man ako sapian ng masamang demonyo. I'm giving you a chance." sagot niya. Nakaramdam ako ng pagkamangha sa kanya. Hindi man lang siya nakaramdam ng takot. And by saying those, she's cool.

"Matapang ka ah. Sa tingin mo matatakot ako." Tatlong beses siyang binatukan ng lalaki sa noo. But I just saw her smirk.

She grabbed the guy's hand at napasigaw nalang ang lalaki sa sakit nang IKINALIKOS ito ni bruha. Para akong nabuhayan sa gulat nang makita iyon. She then punched his face. Sumugod nang sabay ang dalawang lalaki papunta sa kanya. I don't think she can handle all these men. Sinubukan kong gumalaw ngunit sobrang higpit talaga ng pagkakatali sa mga kamay ko at isa pa sobrang nanghihina ako.

Nagpupumiglas ako habang sinusubukang tumayo. But then everything went blurry when something hit my head. Isang pigura ng lalaking nakahawak ng baseball bat ang nakita ko. Napahandusay ako sa sahig at bago magdilim ang paligid ay anyo ng kakaibang Shaneia ang nahagilap ng mga mata ko habang isa-isang sinusuntok ang mga lalaking sumusugod.

I can't let this happen! A girl should be protected by a guy. But the world is really an upside-down place. It turned out that a girl is saving me.



A Murderer's Heart: Chasing JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon