Shaneia's POV
IT WAS 7 PM when I arrived home. Bumungad sa'kin ang tahimik at walang katao-taong bahay. I turned on the lights at tinungo ang kusina para malagyan ko naman ng laman ang kanina pang kumukulo kong sikmura.
Pagkatapos kong kumain ay gumamit muna ako ng banyo upang e-washout lahat ng nangyaring eksena kanina. Why did I saved him from those men? Yan na lang talaga ang naisip kong tanong habang buhat-buhat sa likod ko si Luhan patungo sa hospital kanina. Dapat pinabayaan ko nalang mamatay ang taong 'yon!
Hindi naman kasi fair ang ginawa nila. Anong laban nung lampang Luhan na 'yon kung anim silang nakikipagsuntukan. Mga tanga.
Inihanda ko na ang sarili para sa misyon namin mamaya ni Daya. She's been so excited with this mission. Humarap ako sa salamin at nakita ang repleksiyon ng isang babaeng itim lahat ang suot. Mapupungay na mata ang siyang nakita ko ngunit puno iyon ng lungkot.
Maputlang napangiti ako sa sarili. Kung hindi sana nagkaroon ng ibang babae si papa.... Kung hindi sana namatay si mama... Kung nandito pa sana si Hailey... Ano kaya ang buhay ko? Sigurado ako hindi magiging ganito.
Lumabas ako sa tinutuluyan kong bahay.
Five minutes of waiting at dumating ang sasakyan ni Daya. Like the usual, sa mga araw na ganito para lang kaming nagha-hunt ng masamang baboy ramo.
We're on our way to Casino Del Mon' Vivir - ang pinakasikat na pasugalan sa buong mundo. At malamang sikat na tao lamang ang nagpupunta dito. Isa na si Kristofer Lindsay.
It's 8 pm when we arrived at the particular area. Pumasok si Daya sa loob and disguised as someone wealthy.
At exactly 8:20 pm darating dito si Lindsay. That's what I exactly heard over the audio device that I installed inside his car. Naglagay rin ako ng location tracker para mamonitor kung saan-saan siya nagpupunta.
And there he was. Kakarating lang ng sasakyan niya. A gray colored one with C34W plate number.
"He's arrived." tugon ko sa kabilang linya habang iniayos ang sarili. Daya responded to me.
Ngunit bago pa man siya humakbang papasok ng casino ay huminto ito sa paglalakad kasama ang dalawa nitong tauhan, nang biglang may isa na namang kotse ang dumating.
Nanatili ako sa naka garaheng mustang ni Daya samantalang siya ay nasa loob na. Dala ng kuryosidad ay ginamit ko ang telescope upang makita ang taong kaharap na ngayon ni Lindsay.
Halos mabitawan ko ang telescope nang masaksihan ang pamilyar nitong mukha.
Nanginginig kong hinigpitan ang hawak kong teleskopyo. Naninikip ang dibdib ko. Kumukulo ang mga kalamnan ko. Hindi ako maaaring magkamali. A-ng l-lalaking y-yan...
Di ko na mapigilan ang mga luha kong dumaloy habang minamasdan ang anyo ng lalaking nagbigay ng bangungot sa buhay ko.
Pumasok siya sa casino kasama si Lindsay.
P-paano.
A-anong nangyayari?
Bakit- Bakit pa siya nandito!
'Hailey'
Naalala ko na naman ang kapatid ko na binaboy ng taong 'yon! Anim na taon na ngunit sariwa pa rin sa alaala ko kung ano ang sinapit ng natatangi kong kapatid sa mga kamay niya. At ang sakit- hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin!
"Shan! Ano bang nangyayari sa'yo!"
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Daya sa earpiece na suot ko.
Huminto ako sa paghikbi at pinahiran ang mga luhang kanina pa pala umaagos.
This isn't part of the plan, pero bumaba ako ng kotse upang habulin ang lalaking iyon. I knew Daya will get angry with my actions, but I can't stop myself from curiosity.
Dire-diretso akong pumasok sa casino nang biglang hinarangan ako nang isang lalaking naka-puting uniporme- security guard.
"Maam, You can't enter here if-"
Hindi paman siya tapos sa pagsasalita ay sinalubongan ko siya nang malakas na kamao ko dahilan upang siya'y matumba.
Naalerto naman ang iba pang mga bantay. Ngunit nakapasok na'ko sa gusali.
Inilibot ko ang buong paningin sa paligid. Sobrang lawak ng espasyo na may naglalakihang chandeliers sa itaas. Kumikinang ang paligid dahil sa mga mala-dyamanteng estilo na nakaukit sa mga poste.
Nahagip kaagad ng mga tingin ko si Lindsay at ang kasama niyang lalaki na siyang hinahanap ko. Pangiti-ngiti pa itong nakipag-shakehands sa iba pang kalalakihan.
Hindi ako namamalik-mata.
Bahagya ko siyang nilapitan ngunit naramdaman ko ang mahigpit na hawak ng dalawang lalaki sa katawan ko. Nanghihina ako habang pinapanood ang mukha ng taong ilang apat na metro lamang ay abot-kamay ko na.
Dahil sa komosyon na ginawa ko ay napatingin ang mga tao sa gawing direksyon ko. Kabilang na ang lalaking kasa-kasama ni Lindsay.
Buhay ka nga.
Buhay pa ang taong dating pinatay ko na.
BINABASA MO ANG
A Murderer's Heart: Chasing Justice
Misterio / Suspenso"No one dreamed to be a murderer. But sometimes fate leads you to become one." Shaneia's only 11 when her tragic story began. Due to her grief and anger, she was able to kill a man, mistakenly, whom she believed a person who's responsible for her si...