PANAY ANG SERMON ni Daya mula nang makalabas kami sa gusali. Galit na galit ang aura niya. Pinaka-ayaw niya sa lahat ang mapalpak sa trabaho.
"What the hell are you thinking, Shan! You just ruined it! Our plans, our moves! Everything!" mataas ang kanyang boses na napasigaw habang bahagyang minamaneho ang sasakyan.
"Kung hindi kita nakita doon, malamang yari kang bata ka! Ilang beses ko nang sinabi sa'yong never involved your personal matter during our operation! Damn with your hard-headedness!"
"Ano nang sasabihin ni Ziru? Na kung kailan huling misyon ko na, saka pa tayo pumaltas? Ano bang tumakbo sa utak mo!"
Napayuko ako sa nararamdaman kong pagka-guilty. She's right. Ito na sana ang huling misyon niya and after that she'll end her contract with Ziru, our boss. But I ruined her plans.
I wanted to say sorry but I can't find a word to utter. Bukod naman kasi sa hindi uso ang salitang sorry sa aming dalawa, I don't feel like to say it.
"You knew him." Sabi ko habang binalewala ang mga sermon niya. Nagsimula na namang mamuo ang mga luha sa mga mata ko. I remembered Hailey.
That man- killed my sister.
* FLASHBACK *
Tahimik at puno ng lungkot ang madilim naming bahay. Napalingon ako sa paligid ng sala. Naiwan pa rin ang mga puting bulaklak na nagsilbing palamuti sa lamay ni mama.
"Oh Hana, sige na magbihis ka na at liligpitin ko muna etong naiwang kalat ng mga bisita." sabi ni Nana habang iniabot sa akin ang kulay pink na tuwalya. Nasa edad na 62 na ang aking lola. At siya na muna ang umasikaso sa aming magkakapatid dahil wala naman kaming tito o tita. Nag-iisang anak lang kasi nina Nana at lolo Gonid ang mama ko.
Pumasok ako sa banyo at naligo. Hindi ko inaasahang huling araw na ito para masulyapan ko ang katawan ni mama. Hindi ko na naman mapigilan ang mga luha kong pumatak kahit kanina pa ako iyak ng iyak sa burial niya.
Matapos kong maligo ay pumasok ako kaagad sa kwarto at nakita ko nang mahimbing nang natutulog si Hailey. She just turned 10 last week, ako naman ay 11 years old na. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi madali ang lahat ng naranasan namin lalo na sa kanya na bunso siya. Naaawa ako sa kapatid ko.
Tatlong buwan ang lumipas kasa-kasama si Nana ay naging maayos naman kami. Hindi ko maiwasang tanungin kung nasaan si papa. Hindi ko na siya nakikita mula nang iwan niya kami last year. Hindi ko alam kung alam ba niya ang nangyari kay mama.
"Oh ubusin mo yan, Hailey. Dapat marami ang kakainin para maging-"
Nahinto si Nana sa pagsasalita at biglang hindi na niya maigalaw ang kanyang bibig at kanang kamay.
"Nana! Nana!" Sigawan at iyakan namin ni Hailey ang sumunod na nangyari.
Tumakbo ako sa pinakamalapit na bahay para mapagkunan ng tulong. At nakita ko ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay mas matanda pa sa akin ng isang taon.
"Kuya! Kuya... Tulong!" Humihikbi kong tawag sa labas ng gate nila.
-
![](https://img.wattpad.com/cover/229734002-288-k78261.jpg)
BINABASA MO ANG
A Murderer's Heart: Chasing Justice
Misterio / Suspenso"No one dreamed to be a murderer. But sometimes fate leads you to become one." Shaneia's only 11 when her tragic story began. Due to her grief and anger, she was able to kill a man, mistakenly, whom she believed a person who's responsible for her si...