iv. Guardian Angel

21 2 0
                                    

Luhan's POV

"GOOD MORNING, PRESIDENT." bati ng isang junior highschool student.

Ngumiti ako bilang tugon.

Gaya ng mga nakasanayan kong araw pagkapasok ko pa lamang ng gate ay bubungad na sa'kin ang mga ngiti at bati na galing sa mga estudyante.

And it feels great.

That feeling when people never ignore my presence. Para akong isang napaka-importanteng tao.

Nakangiting pumasok ako sa klasrum ng Section D.

Unang bumungad sa'kin ang mga bati, at siyempre matang puno ng pagtataka.

Inilibot ko ang buong paningin and there I saw a lady sitting over the last seat of the room. Malayo ang kanyang tingin sa labas ng bintana, which is sobrang lapit lang sa kinauupuan niya.

Sa lahat ng estudyanteng nakilala ko, she's the most annoying.

Very hard-headed. Cold. Heartless.

Dire-diretso kong tinungo ang direksyon niya at napansin niya naman ako kaagad.

"What're you doing here?" tanong niya habang boring na napatingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at umupo sa katabing bakanteng upuan. Kinuha ko ang handcuff na dala-dala ko palagi at dali-daling isinuot iyon sa kanyang right hand. At isinuot ko naman ang isang butas sa aking left hand.

"Are you crazy? What do you think are you doing!" She said. Ngumiti lamang ako bilang tugon. She never knew what kind of surprise I bring today.

Ramdam ko ang pagbubulong-bulongan ng mga kaklase ni bruha na tila mga bubuyog. I knew they were clueless. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ko. Kung tama ba 'to o hindi. Basta ginusto ko ito.

"Gusto mo bang basagin ko ang bungo mo rito?" Maangas na saad niya. She's really brave. Gusto kong sukatin hanggang saan ang pagsusungit at pagtatapang niya.

"This is a reward for the punch you gave to me." I answered.

"Goodmorning my dear students." Biglang dumating ang Science Teacher na si Maam Alli dahilan upang mahinto ang usapan naming dalawa.

Kanya-kanya namang nagbalikan sa kani-kanilang upuan ang mga isyusong kaklase nitong baliw na katabi ko.

"Oh. Mr. Del Valle? What brought you here?" maarteng sambit niya.

Even the teachers knew me very well.

Napangiti ako sa kanya at tumayo.

"Maam- from now on I'll be sitting at this seat." Napalingon silang lahat sa sinabi ko. And they look like they just couldn't believe what I've said.

"I am now a student from Section D. I'm glad to meet you, my new classmates."

Shaneia's POV

Napaiglap ako sa huling sinabi ng baliw naming campus president.

'I am now a student from Section D. I'm glad to meet you, my new classmates.'

At talagang ngumiti pa ang kupal.

Napamangha ang lahat sa kanyang sinabi. Nagsimula ang bulong-bulungan.

Siyempre sino ba naman ang hindi magugulat kapag ang top 1 student ng section A ay bigla-biglang tatransfer sa last section na ang IQ level ay nasa 80-90 lamang. In short- low average students.

A Murderer's Heart: Chasing JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon