// Chapter 12 //

239 13 1
                                    

// Clara //

Bakit nandito si Leviticus?!

“Paano mo ako nasundan? Paano mo ako nahanap?” blangko ang mukhang tanong ko kay Leviticus.

Galit ako.

Nakuha nya na lahat saakin! Bakit nandito pa rin s'ya at walang habas na hinila ako na parang walang nangyari hanggang dito sa labas ng club?!

“You're mine now, Clara. You have to take the responsibility.” He's like a jerk smirking at me while saying those words.

Paanong sa kan'ya ako? Naghabol ba ko sa kan'ya? S'ya nga 'tong naghabol saakin!

Akala ko pa naman, patatahimikin n'ya na ako! Hindi pa rin pala! Nakakainis naman.

“Wala akong kinuha sa'yo, Leviticus. Ikaw ang may kinuha saakin.”

“Then, vice versa. You got my first, I got yours. We're tied.” Nagulat ako sa sinabi n'ya.

Paanong ako ang una n'ya? Ako ba? Niloloko n'ya lang ako. Hindi possible 'yon, sa gwapo n'yang 'yan?

Ang gwapo, Clara? Gago kamo!

“Kahit anong sabihin mo, Levi, hinding hindi ak—Ibaba mo 'ko!”

Bigla n'ya akong binuhat na parang isang sako ng bigas at saka isinakay sa sasakyan n'ya.

“Ano bang problema mo, Leviticus?! Tantanan mo na 'ko, pwede ba?!” Bahagya ko pang pinalo ang braso n'ya nang maisakay n'ya na ako sa loob ng kotse n'ya.

Nasa kan'ya na naman ako, na kay Leviticus na naman ako.

“You can never hide yourself from me for a long time. I do have the power, the connection, the money, and everything.” He looked at me blankly. Nakakatakot s'ya ngayon. Minsan lang ako matakot, ngunit takot talaga ako ngayon. “...When I say, you're mine, you're only mine. I'll fucking kill everyone who stands along the way. Understand that, Clara?”

Sa takot ay napatango na lang ako. Hindi ko alam na magiging ganitong nakakatakot s'ya sa paningin ko. Hindi ko inakalang, ganito s'ya kapag nagagalit.

Mas mabuting, sa ngayon, sundin ko muna ang lahat ng inuutos n'ya.

“That's my girl. Don't try to run away again. You'll never succeed.” Umalis si Levi sa harap ko at sinarado ang pinto na kotse.

Tahimik akong napaayos ng upo at bahagyang hinila pababa ang lingerie na suot ko pa rin hanggang ngayon.

“Stop doing that. You're like sacrificing your self to me now.” Tiningnan ko si Levi mula sa rear view mirror at tiim bagang itong nakatingin sa dibdib ko.

Agad akong napatingin sa hinaharap ko at nakitang halos mangalahati na ang nakalabas sa suot kong lingerie.

Napatingin ako ng masama kay Leviticus at saka tinakpan ang dibdib ko.

“Wag ka ngang tumingin!” Alam kong namumula ako ngayon. Bakit ba hindi ka nag iingat kapag kasama mo 'tong Leviticus na 'to?!

“But you're dancing like a whore a while ago.” Na-offend ako sa sinabi n'ya pero totoo naman 'yon. Ang sakit noong nanggaling na sa kan'ya.

Napayuko ako pero agad ding nag angat ng tingin nang mapansin kong gumalaw s'ya sa loob ng kotse.

“Wear this.” Halos atakihin pa ako sa puso nang makita kong nakaharap na s'ya saakin at may hawak na jacket.

Sa gulat, hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Bakit n'ya ba—ginagawa 'to? Tapos na, nakuha n'ya na lahat. Bakit n'ya pa 'to ginagawa?

Nang hindi talaga ako gumalaw ay s'ya na ang nagkusang magsuot saakin ng jacket na hawak n'ya.

“Next time, don't wear that thing. It irritates me.” He looked at me, then smiled.

Napakurap kurap pa ako dahil don. Namalik-mata na naman ba ako?

B–Bakit ganito s'ya bigla saakin?

Bumalik na sa driver's seat si Leviticus, pero yung puso ko. Bakit ganito?

“A–Ano bang balak mong gawin sa akin, Levi?” Lakas-loob kong tanong sa kan'ya nang magsimula na n'yang paandarin yung kotse.

“Aside from having you by my side, I want to keep you.”

Naguluhan ako sa sinabi n'ya. Keep me? Bakit n'ya ako gustong kupkupin? Anong meron sa akin?

“Bakit?” Nag antay ako ng ilang segundo, pero hindi na s'ya sumagot.

Ang sungit naman nito.

Napahigpit ang hawak ko sa jacket na binigay ni Leviticus. Bakit kaya bigla s'yang bumait sa akin?

†††††

Nagising na lang ako sa paghinto ng sasakyan. Nasaan na ba kami? Nakatulog pala ako.

“Get up now, we're here at my house. You'll stay here, until I say so.”

Naunang bumaba mula sa kotse so Leviticus at sumunod naman ako. Bahagya pa akong nalula sa laki ng bahay na nasa harapan ko.

Sa kan'ya 'to? Sabagay, ikaw ba naman maging famous killer.

Natahimik ako nang maalala ko ang tungkol sa trabaho ni Leviticus. He's no ordinary man. He's a killer, a famous and notorious one.

Pinapasok n'ya na ako sa loob ng bahay n'ya at napasinghap ako sa nakita ko.

Ang ganda. Sobrang modern ng style ng bahay n'ya. Bukod pala sa condo n'ya, may ganito pa s'yang kalaking bahay?

“This is my villa. Cool, isn't it?” Biglang tumingin saakin si Leviticus kaya napaayos ako ng tayo.

“Bakit mo ba 'ko dinala dito?” Blangko ang mukhang tanong ko sa kan'ya.

“Nothing. I'll cook something for us first.” Nakita ko pa ang bahagyang pag ngiti n'ya bago pumunta sa kitchen ata.

Napaupo na lang ako sa couch. It feels like a de javu. Muli ay may ganitong setting. Nakaupo ulit ako sa couch. Wala na naman sigurong mangyayari saamin, hindi ba? Sana nga.

Nag antay lang ako hanggang sa lumabas s'ya mula sa kusina. Ang tahimik naman ng bahay n'ya, parang ang lungkot. Nasaan kaya yung parents ni Leviticus?

“Dinner's ready.”

Agad akong napatingin kay Leviticus at naramdaman ko ang biglaang pagpula ng nga pisngi ko sa nakita ko.

He's wearing an apron. Sobrang manly n'ya sa suot n'ya. Mayroon pa s'yang sandok, pfft.

“Pfft— A–Ah! Oo, tara na.” Pigil ang tawang tumayo ako at lalagpasan na sana s'ya dahil papunta ako sa kitchen para maghain nang pigilin n'ya ako at hinila ang braso ko.

“What are you laughing at, Clara?”

B–Bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko? Bakit ganito?

“L–Leviticus...”

Halos manlambot ako nang nilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko. “Tell me, Clara. What have you done for me to be like this? I'm going crazy, over you.”

Anong sinabi n'ya? Gusto n'ya 'ko?

Sasagot na sana ako nang ganoon lang ay nagkadikit na ang mga labi namin ni Leviticus.

“What a nice way to welcome me, Kuya?”

A Night With A Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon