// Clara //
Halos lumipad si Leviticus nang itulak ko s'ya palayo saakin.
Agad akong humarap sa kung sinong tao man ang dumating at nakakita saamin ni Leviticus. Nakakahiya!
“I am not welcoming you, fucker. You've ruined the moment.” Halata ang inis sa boses ni Leviticus dahil sa pagdating nung lalaki.
Teka, familiar s'ya ah? Artista ba 'to?
“So rude of you, Kuya. Hindi mo manlang ba ako ipapakilala sa girlfriend mo?” Halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi n'ya.
Ako? Girlfriend ni Leviticus? Nababaliw ba s'ya?
“Hindi ko boyfriend Kuya mo.” Malamig na sabi ko sa lalaking pamilyar saakin.
“It's sad that you can't even remember me, Girl.” Napailing iling pa s'ya.
“Hindi kita kilala.” Kunot noong sagot ko sa kan'ya. Sino ba 'tong lalaking 'to? Feeling close sa akin masyado.
“I'm the reason why you and Leviticus have met for the first time in the club.”
Nanlaki ang mata ko nang maalala ko yung lalaking inalalayan ko noon sa club dahil lasing na lasing na. Teka, s'ya ba yung Sevi na kapatid netong si Leviticus?
“Enough. The food's ready. Go away now, Sevi.” Malamig na sabi ni Leviticus at pumasok na sa kitchen. Ang sungit naman n'ya, pati ba naman sa kapatid n'ya?
“Hey, you're Clara, right? Nice to meet you again.” Inalok n'ya sa akin yung kamay n'ya at agad ko naman 'yong tinanggap.
Saan kaya nagmana si Leviticus sa kasamaan ng ugali? Mukhang mabait naman 'tong si Sevi. Baka ampon 'yon?
Pagkatapos ng kamayan namin ni Sevi, pumunta na kami sa dining table at inantay si Leviticus na lumabas ng kitchen. Dala n'ya kasi yung pagkain.
“Inaantay n'yo d'yan? Kayo maghain.” Napasimalmal ako sa kasungitan n'ya. Ano ba ginawa nito sa kitchen? Hindi naman pala kinuha yung pagkain.
Tumayo na ako at nagkusang pumunta sa kitchen para kunin yung mga pinggan at kung ano pa man.
Ang ganda din ng kitchen ni Leviticus. Maayos, tapos malinis, pero wala naman s'yang maid? S'ya lang naglilinis ng bahay n'ya? Sabagay, pakealam ko ba.
Bumalik ako sa table at nakitang nag uusap yung dalawa ng seryoso. Pinagsandok ko na sila, mukhang seryoso talaga pinag uusapan nila, hindi ko nga lang maintindihan kasi ibang language yung ginagamit nila.
Bakit hindi Tagalog or English? Ayaw ba nilang marinig at maintindihan ko yung pinag uusapan nila? Ganon ba kaimportante yon?
“Boss wants you to... blah blah blah blah...” Biglang sabi ni Sevi na tanging ang naiintindihan ko lang ay yung “Boss wants you to”. Sino kayang Boss 'yon?
Napailing na lang ako. Hindi dapat ako mangealam sa kanila. They're not ordinary people. Hindi natin alam, baka pareho lang si Sevi at Leviticus.
“Ehem, let's eat.” Sa wakas ay natapos na ang pag uusap ng dalawa at tahimik na lang kaming kumain. Akala ko ay wala nang magsasalita pero biglang nag open ng topic si Sevi.
“So, what's the score between you and Kuya?” Halos mabilaukan ako sa biglaang tanong ni Sevi habang kumakain ako. Anong klaseng tanong 'yan?!
“W–Walang namamagitan sa amin!” Nagmamadaling kinuha ko yung baso ng tubig sa gilid dahil baka lumabas sa ilong ko yung kanin dahil gulat talaga ako sa sinabi n'ya. May alam ba s'ya tungkol sa nangyari sa amin ni Leviticus?!
“Wala nga ba?” Mas nagulat ako sa pagngisi n'ya sa akin. Sigurado akong may meaning yung ngising 'yon! Ibig sabihin, sinabi ni Leviticus sa kan'ya yung nangyari sa amin! Walang hiya!
Tiningnan ko ng masama si Leviticus na tahimik lang na kumakain sa harapan ko. “Walang hiya ka! Dapat pa bang ipaalam sa iba na may nangyari sa atin?!”
Napatingin silang dalawa sa akin, pero nakakapag taka. Tinaasan lang ako ng kilay ni Levi, habang si Sevi nakita ko kung paano nalaglag yung butil ng kanin mula sa nakangangang bibig n'ya.
“Thanks for saying to my brother that we had sex.” Ngising sabi nito at tinuloy na ang pagkain.
Agad akong tumayo at tumakbo sa loob ng kitchen. Nakakahiya! Ibig sabihin, hindi alam ni Sevi na may nangyari sa amin, at ako pa mismo ang nag sabi non sa kan'ya?!
“Bakit ba ang advance thinker mo, Clara?!” Mahinang sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa inis. Ang tanga ko naman kasi!
Dapat pala tinanong ko muna si Sevi kung anong alam n'ya tungkol sa amin ni Leviticus!
“Why are you hurting your self?” Halos matumba ako sa sink dahil biglang pumasok na lang sa kitchen si Leviticus hawak yung platong pinagkainan n'ya.
“A–Ah, wala.” Nagmadali pa akong umalis sa pagkakasandal sa sink, pero huli na ang lahat, nakalapit na si Leviticus sa akin.
“There's nothing should be ashamed of. You're my woman now, Clara. You must be proud of it. If I'm too lucky, you must be carrying my baby as of this moment.” Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi n'ya. Hindi ko narealize yon, habang maaga pa.
Paano nga kung nabuntis n'ya ako? Paano ang magiging buhay ng anak ko? Tutulad din ba s'ya sa tatay n'ya? Magiging killer din ba s'ya? Paano kung mamatay si Leviticus? Lalaki s'yang walang tatay.
“I'm sorry, if that thing happened, I can't have your baby.” Aalis na sana ako pero kinulong ako ni Leviticus gamit ang dalawang braso n'ya.
“Why do you loathe me? Am I that bad to you? May I remind you, Montague. I did not raped you. You initiated it, I'm just a puppet to your actions that night. You're screaming my name, you kept on moaning while I am penetrating you. So, tell me. Why the fuck you hate me this much?” Hindi ko alam kung namamalik–mata lang ako, pero, bakit parang ang lungkot n'ya nung sinasabi n'ya yon? Nasasaktan ko ba s'ya? Gusto n'ya ba talaga ako?
“Kasi, mamamatay tao ka.” Diretsahang sabi ko sa kan'ya.
Iyon naman talaga ang totoong dahilan kung bakit galit na galit ako sa kan'ya. Mamamatay tao s'ya. Pumapatay ng walang awa. Akala mo ay batas para pumatay ng walang habas.
Nakita kong mas lumungkot ang mata n'ya. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong ganyan s'ya.
“This devil, loves you, so much.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Mahal n'ya ako? “I'm going back to Russia.” Nasaktan ako sa pagtalikod n'ya sa akin.
Babalik na s'ya. Dapat masaya ako, hindi ba? Pero bakit, parang naninikip yung dibdib ko ngayon?
“S–Sal—”
“... and you're going with me.”
†
†
†
Announcement:
Sorry for the late updates, wala kasi akong load kadalasan. Hihi, thanks for reading this story, anyways! ^^

BINABASA MO ANG
A Night With A Killer (COMPLETED)
RomanceIsa sa most wanted na killer sa buong mundo ang nakasalamuha-sabihin na nating, higit pa doon, ang nakilala ng isang babaeng ordinaryong nagtatrabaho lang sa isang club. Then someone thing terrible happened. We can call that thing, "One Night Stand"...