Latang-lata akong pumasok sa club. Naubos ata agad ang energy ko matapos mabasa ang article tungkol sa Leviticus McFlynn na yon.
Okay, Clara. Don't mind him. Hindi mo na sya makikita ulit.
Sana.
“Clara, table 3!” Patakbong kinuha ko ang order at binigay iyon sa lalaking nakaupo sa table number 3, na halatang lasing na lasing na.
“Ang ganda mo ah.” ngising sabi nito sabay pisil sa pwetan ko. Napapikit na lang ako.
Nanghihinang bumalik ako sa station ko at umupo sandali.
Napatingin ako sa paligid.
Mausok, mabaho, madilim ngunit may iilang party lights na nakakadagdag saya para sa mga customers.
“Ano bang hinihintay mo dyan, Clara?! Magtrabaho ka, aba!” Agad kong naramdaman ang sakit nang batukan ako ng owner ng club na pinagtatrabahuhan ko as a waitress.
“O-opo.” sagot ko dito at nagmamadaling nagtrabaho na ulit.
Nakakapagod talaga ang ganito, pero anong magagawa ko? Ito ang trabahong pinasok ko.
Pasado alas tres na, pero bukas parin ang club. Ano nga ba ang aasahan sa mga may asawang sa gabi lamang nakakapagsaya ng ganito?
“Clara?” Napalingon ako sa tumawag saakin, si Kate.
Si Kate ang performer namin dito, pero tulad ko, hindi rin s'ya nagpapatable sa mga customers namin. In short, pareho kaming may dignidad pa sa katawan.
“Oh, Kate? Namumutla ka ata?” Napansin ko kasing dry ng sobra ang labi nya at namumutla din talaga ang mukha nya.
“Pwedeng ikaw muna sumalo sa performance ko ngayon? Nilalagnat kasi ako.” Napakagat-labi ako.
Paano ba 'to? Sinabi ko pa naman sa sarili ko na hangga't maaari, ayokong magkaroon ng sobrang exposure sa club, pero ayoko namang mapahiya si Kate.
“Kakanta ba? Kasi kung sasayaw, ayoko.”
“Kakanta lang, Clara. Salamat ah? Mauna na ako, hindi ko na talaga kaya.” paalam ni Kate at lumabas na sa club. Napabuntong hininga na lang ako.
First time kong magpeperform dito matapos ang ilang taong pagtatrabaho ko dito sa club, nakakakaba lang.
“And now, let's welcome our new performer, Clara!” Halos atakihin ako sa puso nang tinawag agad ako.
Wala pa akong practice! Nakakainis.
Agad akong umakyat sa stage bago pa man ako mabatukan ng owner ulit.
“Hi, this is Clara! Hope you're enjoying your stay here!” Nagpasalamat ako ng palihim dahil hindi nabasag ang boses ko sa kabila ng panginginig ng buong katawan ko.
Inayos ko na ang microphone sa stand nito at pinakinggan ang intro ng kantang kakantahin dapat ni Kate ngayong gabi. Sana alam ko.
Napangiti naman ako nang ang favorite song ko pa pala ang kakantahin ko ngayon.
May confident kong kinanta ang first line ng kanta.
“Climb on board, we'll go slow and high tempo.”
Ewan ko, pero parang nadadala ako sa kanta.
Kinuha ko ang microphone sa stand at bahagyang gumawa ng sexy movements.
Agad nagsigawan ang mga customers pati na rin ang staffs ng club.
“Light and dark, hold me hard and mellow.”
Bahagyang umindayog ang katawan ko ng kusa dahil sa ritmo... hanggang sa may isang customer ang pumasok. Nakacap ito at medyo matangkad. Bagong customer ata.
“I'm seeing the pain, seeing the pleasure. Nobody but you, body but me, body but us, bodies stick together.”
Hindi tinanggal ng lalaking kakapasok lang ang tingin nya saakin.
Ang tingin nya, nakakapaso.
Nang magchorus na, wala sa sariling lumapit ako sa lalaking katitigan ko.
Sa mata nya lang nakatuon ang paningin ko, sa kanya lang.
“In the bed all day, bed all day, bed all day. Fighting in, fighting on. It's our paradise, and it's our warzone.”
Natigilan ako sa pag kanta, nang makilala ang taong kinakantahan ko ngayon.
Si Leviticus McFlynn, isa sa most wanted na killer sa buong mundo.
![](https://img.wattpad.com/cover/232635107-288-k487517.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night With A Killer (COMPLETED)
RomanceIsa sa most wanted na killer sa buong mundo ang nakasalamuha-sabihin na nating, higit pa doon, ang nakilala ng isang babaeng ordinaryong nagtatrabaho lang sa isang club. Then someone thing terrible happened. We can call that thing, "One Night Stand"...