Dahil sa nangyari hindi muna ako pumasok ng ilang araw. Nagstay muna ako sa apartment ko dahil baka balikan lang ako nung lalaki sa club.
Sa totoo lang, hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala sa mga pinag-gagawa ko kasama ang lalaking yon.
Napakadelikado nya. Nadarang nya ako sa apoy na mayroon sya. Nadarang nya ako sa mga halik nya.
Parang may kung anong nagliyab sa loob ko habang inaalala ko ang gabing iyon.
Ang gabing kasama ang isang estranghero.
Ngayong araw napagdesisyunan ko nang pumasok na. Nagpaalam naman ako kay Madam noong nakaraan na aabsent ako ng ilang araw dahil may aayusin akong my bagay-bagay, okay lang naman daw.
Dahil maaga-aga pa, napagdesisyunan kong magbasa na lang muna ng daily news sa cellphone ko. Isa kasi ito sa hobbies ko, bukod sa pagkanta at pagp-paint na ako lang din naman ang nakakaalam dahil wala akong pamilya o kaibigan man lang.
Oo. Ganon kalungkot ang buhay ko. Ang buhay ni Clara Montague.
Sa kakascroll ko sa news ay may nakapukaw ng pansin ko.
Isang lalaking ang edad ay mga nasa 25 lang, pero isa pala sa most wanted na killer sa buong mundo. Kilala daw ito dahil sa galing nito sa pagpatay at paghawak ng ano mang armas na pwedeng ipampatay sa tao.
“Grabe na talaga ang mga tao ngayon.”
Napailing iling nalang ako at magsscroll na sanang muli nang may nakita pa akong article at picture ng lalaki.
Leviticus McFlynn, the most wanted killer in Russia, was spotted in Philippines.
Nanlaki ang mata ko sa nakita at parang nadrain lahat ng dugo ko sa katawan.
Hindi ako maaaring magkamali. Sya yung lalaking nasa club! Sya yon!
Mula sa mata nyang nakakatakot, sa makapal nyang kilay, sa mapula nyang labi, sa matangos nyang ilong, at ang pinaka natandaan ko ay ang peklat nya sa kilay. Sya, sya nga ito!
Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa nalaman.
Nakahalikan ko lang naman ang isa sa most wanted na killer na buong mundo na si Leviticus McFlynn.
Parang gusto kong mandiri at maiyak.
Pumayag akong halikan ng isang mamamatay tao.
Ilan na ba ang napatay nya? Bakit nasa Pilipinas sya? Bakit sa lahat ng tao, ako pa ang naencounter nya?
At bakit marunong syang magtagalog?
Tatawag na ba ako ng pulis?
“Ahhh! Clara, mababaliw ka na! Hayaan mo na sya! Kunwari, hindi mo sya kailanman nakita!”
Tumayo na ako na parang walang nangyari at normal lang ang lahat saakin.
Papasok na ulit ako sa club. Sana, sana lang. Hindi na magkrus muli ang landas naming dalawa ng Leviticus McFlynn.
Nandidiri ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/232635107-288-k487517.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night With A Killer (COMPLETED)
RomansaIsa sa most wanted na killer sa buong mundo ang nakasalamuha-sabihin na nating, higit pa doon, ang nakilala ng isang babaeng ordinaryong nagtatrabaho lang sa isang club. Then someone thing terrible happened. We can call that thing, "One Night Stand"...