Warning: [R-18]
Yana POV
Suot suot ko ang kulay itim kong bodycon dress ay nagsimula kong lakarin yung hagdan at naabutan ko si kuya na nasa living room at hawak hawak ang laptop niya.
"Where are you going again?"
"Out" sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Sinong kasama mo?"
Paktay.
"Uhm si Maze."
Pagsisinungaling ko dahil hindi ako papayagan niyan at pag pinayagan man ako niyan either may driver na sasama sakin at bodyguard para bantayan ako or sya mismo ang sasama.
Ganto lang naman sya kapag alam niyang magpupunta nanaman ako sa bar e pero kapag mga usual hangouts like hinahayaan niya ko. Talagang protective lang sya kapag nasa mga ganong lugar ako and its okay lang naman.
"Okay make sure you get home" sabi niya at tinignan muli ang laptop niya.
Sa loob loob ko ay nagdidiwang na ako dahil lumusot ako sa pagsisinungaling ko. Kahit nakonsensya ako ay hinayaan ko na...aish bahala na basta magpaparty ako ngayong gabi.
-
Napakaraming tao dito sa bar dahil malalim na ang gabi. Inikot ko ang tingin ko at napakaraming tao ang nagiinuman at nagsasaya at lahat sila may kasama samantalang ako? Wala.
Psh.
Kung nandito lang talaga yung mga kaibigan ko e edi sana party party kami ngayon diba? Pero this is fine I need to be independent enjoy by myself dahil may sari sarili kaming buhay.
Tama.
"Oh Yana why are you alone?" Wait kilala ko to.
"Seth?" Nakakunot kong sabi dahil madilim at hindi ko maaninag ang mukha niya.
"Yeah. So are you alone? You can join us there sakto kakarating ko lang" sabi niya.
Friends naman na kami kaya siguro wala namang masama kung sasama ako sa kanila right?
Tumango ako sa kanya at sumunod kung saan nakita ko na nandito din yung ibang kaibigan niya na sina Gab,Kelvin at Arc.
"Oh Yana mag isa ka lang?" Tanong ni Gab sa akin.
"Yeah busy sila so I'm having fun by myself tonight" sabi ko at umupo sa tabi ni Kelvin dahil iyon ang bakante.
"Why? Where's Maze?" Tanong ni Kelvin .
"Busy din so yeah..." sabi ko at kumuha ng beer sa table.
"Then we'll keep you accompany tonight" sabi ni Kelvin at nakipagcheers ng bote sakin.
Ngumiti lamang ako sa kanya at nagsimulang uminom. I'll make sure that I'm having fun tonight kahit etong mga playboy na friends ni Gavin ang kasama ko dahil aminin man o hindi masaya din silang kasama.
-
Umiikot ang paningin ko ramdam ko din ang hilo mula sa mga nainom namin. Alam kong madaling araw na pero napapasarap pa ang inuman namin at alam kong katulad ko ay lasing na din ang iba. Kami nalang nila Seth, Gab at Kelvin ang natira dito sa table dahil nauna nang umalis si Arc kanina lang.
Si Seth at Gab naman ay parehas nakayuko at siguradong tulog.
"Damn you're a good drinker Yana" bulong ni Kelvin sa tenga ko na nagdala ng sensasyon sa buong pagkatao ko.
Dala ng kalasingan ay natawa ako sa mga sinabi niya at nilagok ng deretso ang nasa baso at tumingin muli sa kanya.
"I know , do you know what other things I'm good at?" I don't know what's happening to me.
YOU ARE READING
Hooked Up
RomanceYana Jade Darsel Kelvin Ronan Abello Warning: THIS IS AN R-18 STORY Isang gabi. Nagsimula ang lahat sa isang gabi na nagpabago sa buhay nila. They never thought that they'd end up being together--with benefits. Benefits. They do it because they lik...