7

46 0 0
                                    

Yana POV

Tumigil kami ngayon sa isang building at wala akong ideya kung saan to dahil hindi to yung condo ni Kelvin kung saan...

Aish.

At oo nga pala kanina bago kami makaalis sa mall ay pinauwi ko na yung driver ko at sinabing kasama ko yung isa sa kaibigan ko kaya nga heto ako ngayon kasama ko si Kelvin sa isang lugar na hindi ko alam kung saan.

"Nasaan tayo?" Tanong ko nang pindutin ni Kelvin yung elevator papuntang 7th floor.

Nang tumigil ito ay nagpunta kami sa isang pintuan at binukas naman kaagad yun ni Kelvin gamit ang passcode niya.

"My new unit" sabi niya at nagtungo sa refrigerator at kumuha ng tubig at nilagyan ako sa baso na agad ko namang ininom.

"Ha? Anong nangyari dun sa isa?" Tanong ko.

"You mean where we--"

"Stop! Just tell me what happened to that unit"

Sabi ko at inirapan sya.

"I'm just kidding. Well as you see all my things are here now, I left that unit because I don't want to be bothered"

"Bothered?"

"With the girls I used to--"

"Stop! I don't wanna hear it" sabi ko at sumalampak sa sofa at nilapag yung bag ko.

"So what do you wanna eat?" Tanong niya.

"Wala akong balak magtagal dito Kelvin" sabi ko at inikot ang paningin ko at napansin kong mas malaki yung unit na to kumpara sa dati at mas maganda yung view sa balcony na kitang kita dahil sa glass na pintuan.

"I know but you should atleast..." sabi niya at lumapit sa akin.

"Can you cook?"

Ngumisi sya.

"Do you want me to show you how good my cooking skills are?" pagmamayabang niya kaya napataas ang kilay ko.

"Surprise me then" sabi ko at ngumiti sa kanya ng nakakaloko.

Mayabang kang malandi ka ha.

Tignan nga natin yang cooking skills mo.

-

"You look surprised" natatawang sabi ni Kelvin nang ihain niya sakin ang mga niluto niya.

I thought isang dish lang ang lulutuin niya but meron limang dishes dito and I'm speechless because they all look so good.

"Dig in" sabi niya at umupo sa harapan ko.

Tinikman ko ang mga niluto niya and he's not lying when he said about his cooking skills because this is so damn good.

"So pano ka natuto magluto?" Tanong ko at kumain.

"My mom's...she used to cook for me"

I saw sadness in his eyes kaya naman nacurious ako.

"And?"

"Now she can't" he sighed.

"Bakit naman?" Tanong ko at patuloy na kumain.

"She's gone" sabi niya at kita ko yung lungkot sa mukha niya.

Nakonsensya ako bigla dahil naitanong ko pa yun. Wrong move Yana tss.

"Sorry Kelvin..."

"It's okay. It's been years kaya tanggap ko na so let's just eat" sabi niya .

Naitikom ko ang bibig ko dahil ayoko nang magkamali sa mga sasabihin ko. Baka mamaya may masabi pa akong hindi dapat .

-

Hooked UpWhere stories live. Discover now