Yana POV
"Aaaahhhh!" Isang malakas na sigaw nanaman ang pinakawalan ko mula nung magising ako. Hindi pa rin ako maka get over na nangyari nanaman yung pagkakamali kagabi at ang masama ay hindi ko nagawang pigilan si Kelvin sa ginawa niya dahil aminin ko man o hindi ay ginusto ko rin yun. Pero aaarghhhh nakakainis pa rin!
Ting!
Agad ko namang kinuha yung phone ko at nakita kong may isang message galing kay kuya sa abroad.
"How's my little sister? I'll be home soon and I have good news to you, so don't make some trouble okay?"
Napakunot ang noo ko, good news?
"Good news?" I typed.
"It's a surprise so just wait til I get home."
"Okay kuya ,stay safe okay?"
"I miss my little sis"
"I miss you too kuya"
Iyon lamang ang laman ng usapan namin ni kuya at hindi na sya nagreply dahil paniguradong busy yun ngayon.
Minsan talaga naaawa ako kay kuya dahil sa kanya napunta yung lahat ng responsibilidad sa business namin samantalang ako pachill chill lang kaya nga ginagawa ko lahat para matulungan si kuya kapag nandito sya sa mansion dahil alam kong napapagod na yun.
Alam ko namang napakamaloko kong tao at puro party ang ginagawa ko sa buhay but kaya ko namang magseryoso sa buhay kapag kailangan na pero mukhang hindi pa yun nakikita ng mga magulang ko at hindi pa ako hinahayaang magtake over ng parts ng business namin kaya medyo disappointed ako sa sarili ko dahil doon.
Tumayo ako at nagayos ako ng sarili ko.
Aalis ako at wala naman akong gagawin dito buong araw sa mansion dahil magisa lang ako tapos si Maze naman paniguradong tulog parin hanggang ngayon at sabi ni Seth kagabi ay sobrang nalasing yun tapos si Aze naman nagbakasyon kasama yung fiancee niya kaya heto mag-isa nanaman.
Ilang beses akong nagpapalit palit ng suot ko at ngayon napagdesisyunan kong magsuot na lamang ng dress para hindi na mahirap maghanap ng kapartner,psh ang hirap maging babae.
Nagayos ako ng sarili ko at maglagay ng light make up and there I'm ready to go!
-
Hawak hawak ko ang iced coffee ko ay nandito ako ngayon sa isang coffee shop sa isang mall at as usual mag-isa nanaman nga.
Pero I'm fine by myself since nasanay naman ako ng ilang taon na ganito sa abroad kaya hindi na bago sakin to.
"So dito lang pala kita makikita" napaangat ang tingin ko nang may isang lalaking nakatayo ngayon sa harap ko.
Argh. No way.
Bakit nakita ko nanaman to?
"Ignoring me huh?" Sabi niya at umupo sa harap ko pero hindi ko sya tinignan.
Ayoko syang kausapin.
"What the...give me that" muntik nang mapalakas ang boses ko nang agawin niya yung iniinom kong iced coffee at ininuman yun.
"Too sweet" angal niya at nilapag yung coffee sa mesa.
"Hindi naman kasi sayo yan" inirapan ko sya at kinuha mula sa kanya yung kape ko.
"I told you to text me last night"
"What do you need ba Kelvin?" Inis na tanong ko.
"You."

YOU ARE READING
Hooked Up
RomanceYana Jade Darsel Kelvin Ronan Abello Warning: THIS IS AN R-18 STORY Isang gabi. Nagsimula ang lahat sa isang gabi na nagpabago sa buhay nila. They never thought that they'd end up being together--with benefits. Benefits. They do it because they lik...