LMTYMS

17 1 0
                                    

Note : All the characters in this book have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known nor unknown to the author, and all the incidents are merely invention.

Warning ; This story is not suitable for very young readers, it contains mature themes and strong language. Read at your own risk. Most of my story is unedited. It might have grammatical and typographical errors, sorry tamad author, so kong ayaw sa hindi edited makakalayas kana.

* * *


Ibat-ibang kinatawan sa tahanan at may kanya-kanyang role. Ina, Ama, Anak, Kapatid.

Lahat naman ng tao ang pangarap ay maayos na pamilya, pero bibihira lang ang binibiyayaan rito sa mundo.

Bakit? Dahil ba life is unfair o ganoon lang talaga nakatadhana ang buhay mo? Ang mapunta sa pamilyang hindi mo gusto.

Ang mapunta sa pamilyang sakim, makasarili, may favoritism, tapos ikaw etchapwera ka lang. Hindi mo kasi maabot ang level ng standards na nais nila.

Bawat pamilya may sekreto, problema, hamon sa buhay o pagsubok. Maaring may ibang nag sasabing may perpektong pamilya raw, pero hindi naman talaga nila alam ang totoo.

May pamilya kasing pakitang-tao lang at kapag nasa loob na ng tahanan lumalabas na ang sungay, problema at baho ng bawat isa.

Sorry for the word na 'baho' hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na may pamilya palang imbis na mag tulungan ay nag hahatakan pa pababa? Mahilig mag pataasan ng ihi kumbaga.

May hipag ba kayong hindi nyo makasundo or may hipag ba kayong hindi mismo mag kasundo? Ang saklap ng buhay noh?

Nasaang estado nga ba ang pamilya nyo sa mga na babanggit ko? Sana wala, at sana kayo yung tipo ng pamilya na chill lang. Parang sa mag-asawa na sa hirap o ginhawa pangakong mag-sasama, walang iwanan sabi nga.

Broken family kayo?

For me, broken o hindi basta may nanay ka, kapatid man o tatay mo lang na mapagmahal, swack na. Walang dahilan para masira buhay mo, pwera nalang kapag pamilya mo na mismo ang sumira sayo.

Ako kasi sobrang lala. Wala na ang dating matiwasay at masayang pamilya namin. Kaya kayo pahalagahan nyo sila kasi ayaw ko na matulad pa kayo sakin.

Kasi sobrang swerte mo kung may Mama kang maalalahanin at maasikaso, Papa na responsable at huwaran, Ate na mabait at close mo, at ang huli. Kuya na hindi makasarili, responsable at hindi mabisyo.

Ano nga bang nangyari samin? Kahit ako na gulat sa mga natuklasan ko.

Mama - Ilaw ng tahanan, pero dahil sa poot sya mismo ang pumatay ng ilaw at mas ginustong mag bigay ng kadiliman.

Papa - Haligi ng tahanan. Ngunit sya rin pala mismo ang magiging anay na sisira sa matino, masaya at matiwasay nilang pamumuhay.

Kuya - Maaaring tumayo bilang ikalawang ama, pero mas ginustong mamuhay mag-isa para masunod ang layaw nya.

Ate - Maari ring tumayo bilang ikalawang Ina, pero mas piniling sumama sa kasintahan, at iwanan ang nakaatang na responsibilidad sakanya.

Bunso - Wala pa sa tamang gulang ngunit pilit na gumagawa ng paraan, para mabuo ang pamilya na mismong sumira sa pagkatao nya.

Maayos pa ba?

At kapag hindi na talaga maayos pa'y maari ko bang ibalik sakanila ang mga ginawa nila? May karapatan ba ako na gantihan ng masama ang gumawa sakin ng masama?

Ano bang karapatan ng isang anak?

Ano bang magagawa ko?

Let me tell you my story.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Disclaimer : Ito'y walang kinalaman sa kahit na sino mang tao rito sa mundo. Isa lamang itong hango mula sa malikot na imahinasyon ng author.

Let Me Tell You My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon