Kabanata 24

157K 7.9K 7.9K
                                    

TG// mention of child abuse

Kabanata 24

Sinugod si Tatiana sa hospital na malapit sa UJD. Kumakalabog ang puso ko habang sinusundan ng tingin si Tatiana na nilalagay sa isang stretcher upang ipasok sa ambulansya.

"I.." Karl trailed off. "Tinulak mo ba siya? Ako ba ang nakatulak? Anong nangyari?!"

Tumalim ang tingin ko sa kanya. Masasapak ko na ang isang ito!

Mabilis ang pangyayari. Walang nakatitiyak kung paano pero humandusay na lamang si Tatiana sa dulo ng hagdanan, lahat ng mga mata'y sa akin nakatuon na para bang hindi na kailangan pang imbestigahan dahil nahuli na sa akto ang suspek.

It felt sickening.

Wala akong ginawa sa kanya.

Bakit kailangan umabot sa ganito?

I texted Adren, siya lang kasi ang alam kong makakapagpakalma sa akin sa sitwasyon na ito. He immediately replied that he'll meet me.

Nang maabutan ako ni Adren ay agad niyang kinapa ang aking mukha. His eyes travelled around my body, checking if there was any bruises.

"Okay lang ako." Napalunok ako habang tinatanggal ang kamay niya sa akin.

"What happened?"

"Nalaglag si Tatiana sa hagdanan."

"It's an accident..." Hinawakan ni Adren ang mukha ko. "Don't blame yourself too much."

Still, I was there.

Kinakain ako ng guilt kahit alam ko namang hindi ko siya tinulak. Alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan pero hindi ko maiwasan ang sisihin ang sarili ko na hindi ko napigilan ang pagkalaglag ni Tati sa hagdan.

Balisa ako nang tumungo sa kanyang kwarto sa hospital. It took days before we were allowed to see her. Medyo nanginginig ako nang makita ko si Tatiana na nakaupo at nakasandal sa pader. She looks at me and smiled. Bakas sa kanyang mukha ang panlulumo sa kanyang sitwasyon ngayon.

I was alone when I visited her. Ayokong kasama si Adren o kahit sino. I wanted to talk to her alone.

"Tati..." Humugot ako nang malalim na hininga. "Kamusta ka na?"

"Mukha ba akong okay sa'yo, Ate?" she started sobbing."The doctor said I couldn't use both of my feet now."

Lalong lumalim ang guilt sa aking dibdib. Halos tuliro na nga ako dahil nasaktan siya, ngayon pa na hindi na niya magagamit ang mga paa niya?

I know, it wasn't my fault yet I felt responsible for not saving her in time.

"Sorry for hearing that..."

"Totoo ba, Ate? Are you really sorry?" she started sobbing harder. "How could you push me! You, of all people!"

"Hindi kita tinulak! Maniwala ka sa akin..."

"Ate..." lumalandas ang luha sa kanyang mukha. "Bakit ka nagsisinungaling? Bakit mo 'to ginawa?"

"Aksidente 'yon..." umawang ang labi ko. "Hindi ko...wala akong..."

"Ang sama mo." Umiling-iling siya. "Bakit ang sama mo, Ate Arri? H-hindi na k-kita kilala! A-ayoko na makita k-kahit kailan ang mukha mo."

"Sorry. Naiintindihan ko..." nilunok ko ang bumabara sa aking lalamunan. "Aalis na ako, Tati. Sana gumaling ka."

"Ate..." patuloy lang siya sa pagiyak. "Totoo bang gusto mong tumulong saakin?"

Umamo ang kanyang mukha. Napuno na naman ng simpatya ang aking puso para sa kanya.

Cost of Taste (Published)| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon