A/N:Expect typos, wrong grammar and spelling
Feel free to comment. ^_^
Happy Reading ^_^Chapter 2
Afritadang Manok
Nakaalis na si Lucas pero hindi pa rin tumitigil ang babae sa pag-iyak. Nakaluhod pa rin siya at patuloy na hinahayaang tumulo ang kaniyang mga luha. Sa isip-isip ng babae ay wala siyang mapapala kung iiyak lang siya ng iiyak. Kaya kahit na walang kasiguraduhan kung babalik pa ba si Lucas ay tumayo siya at inaayos ang sarili.
Bumuntung-hininga siya at kasabay ng pagbuga niya ng hangin ay ang pagbuga niya rin ng mga negatibong isipin sa utak niya. Kung gusto talaga niyang makasama ang lalaking mahal niya ay kailangan niyang maging matatag. Hindi niya ginawa at pinag-aralan ang lahat-lahat para lang mauwi iyon sa wala.
Inilibot niya ang tingin sa kwarto nito at noon niya lang napansin ang mga kalat doon. May mga damit, bote ng alak, pinaglagyan ng pagkain na mula sa iba't ibang fast food chain, at kung ano-ano pa. Noon lang din niya napansin ang mabahong amoy ng kwarto na pinaghalong amoy ng alak at nasirang pagkain.
Kahit na masakit pa ang kaniyang katawan sa nangyari sa kanila ni Lucas kagabi ay sinimulan na ng babae na linisin ang buong kwarto. Pinulot niya lahat ng mga damit na nagkalat at inilagay sa isang basket na nakita niya doon. Nang matapos ay ang mga pinagkainan naman ang isinunod niya. May nakita siyang malaking supot at doon niya inilagay lahat ng kalat.
Sa dami ng kalat ay inabot na siya ng ala-una ng tanghali bago matapos. Ni hindi pa niya nalabhan ang mga damit. Nakaramdam lang siya ng gutom kaya siya huminto sa ginagawa. Hindi siya pwedeng magpalipas ng gutom pero wala naman siyang pwedeng kainin dito sa kwarto ni Lucas.
Nakita niya ang isang siopoa na isa pa lang ang kagat doon sa maliit na kusina ng kwarto nito. Labag man sa loob niya ay kinain niya na iyon. Hindi pa naman lasang panis kaya pinagtyagaan na niya, may mailaman lang sa kumakalam na niyang sikmura.
Halos maiyak na lang ang babae. Hindi niya inaasahan na mararanasan niya ito nang dahil lang sa nagmahal siya. Mas pinatatag pa niya ang sarili at itinuloy na ang ginagawa kahit na nararamdaman pa rin niya ang gutom dahil hindi sumapat ang siopoa.
Natapos niyang labhan lahat ng mga damit nang mag alas-kwatro na ng hapon. Naligo na lang muna siya sa masikip na cr ng kwarto ni Lucas at ang damit na rin nito ang kaniyang isinuot. Wala kasi siyang dinala na kahit ano maliban sa sarili niya. Maski kaunting pera at ang cellphone niya ay hindi niya dinala. Buo na talaga ang desisyon niyang tumira kasama si Lucas kahit na paalisin pa siya nito ay hindi niya gagawin.
Nang matapos maligo ay lumabas siya ng kwarto at nagbaka sakaling may mahanap na pagkukunan ng pera o kaya ay kahit na panghapunan lang nilang dalawa. Kung uuwi nga lang si Lucas. Alam niyang maliit lamang ang posibilidad na uuwi ito ngunit gusto pa rin niyang may madatnan itong pagkain kung uuwi nga ito.
Naglakad-lakad lang siya sa ibaba ng gusali. Maraming mga bata ang naglalaro at may mga nag-iinuman din. May nakita siyang isang karinderya na malapit lang sa gusali kung nasaan ang kwarto ni Lucas. Unti na lang ang tinda nito dahil mukhang pasara na rin ang tindahan. Kinapalan na niya ang mukha niya at lumapit sa karinderya.
"Uhmm... Ate. Magsasara na po ba kayo?" tanong niya.
"Oo. Bakit? Bibili ka ba?" sagot naman ng ginang na nagtitinda.
"Ah... wala po kasi akong pera eh. Pero diyan po ako nakatira." Sabay turo niya sa gusali kung saan siya nanggaling. "Diyan po nakatira ang b-boyfriend ko. Lucas po ang pangalan niya." nakangiting sabi niya sa ginang.
"Ay, nobya ka pala ni Lucas. Ikaw si Century 'di ba? Ba't ba hindi kita nakilala." nagulat naman ang babae na kilala nito si Century.
"Opo. Ako nga po si Century. Umalis po kasi si Lucas. Eh hindi po nag-iwan ng pera. Kung pwede po sana ay uutang muna ako at pagdating po niya saka ko na lang po babayaran." Nakakahiya man na mangutang ay wala siyang ibang pagpipilian.
BINABASA MO ANG
Waterlily
Random*SHORT STORY* Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Gaano kalaki at karami ang kaya mong ibigay para lang sa taong minamahal mo? Ang sabi nila kapag nagmahal ka raw may mga hindi inaasahang bagay ka na magagawa. May mga dayuhang paki...