CHAPTER 5.2

16 2 0
                                    

A/N: Hello Zscarlets. This is the last chapter and I'm really proud of myself because for the first time I've finished a story.
Expect typos, wrong grammar and spelling.
Feel free to comment. ^_^
Happy Reading!!! ^_^

Chapter 5
Lily

"L-Lucas." Tanging nasabi ng babae.

"Waterlily ko." nakangiting sabi niya sa babae.

"Lucas." Umiiyak na sabi ng babae. Ngunit ngayon ay dahil sa tuwa. "Akala ko magagalit ka sakin. A-akala ko iiwanan mo ko."

"Hinding-hindi ko gagawin 'yun. Bakit ko naman 'yun gagawin? Eh ikaw lang naman ang nag-iisang waterlily ko sa lahat ng waterlily sa buong mundo." Nakangising sabi ni Lucas sa babae.

Napangiti ang babae sa sinabi ni Lucas. Hindi niya akalain na hindi ito nagalit sa kaniya. Ngunit...gusto man niyang makasama pa ito ng mas matagal ay alam niyang hindi na kaya ng katawan niya.

Inipon niya ang lahat ng lakas niya at niyakap si Lucas. Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito. 'Yung tipong parang doon nakasalalay ang buhay niya sa yakap na iyon.

"Lily... Bakit hindi mo sinabi sakin?" tanong ni Lucas at gumanti sa yakap ng babae habang hinihimas niya ang buhok nito.

"Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon mo kapag sinabi ko ang totoo. Ang Papa ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo. Siguradong galit ka sa amin kaya hindi ko na lang sinabi." Pinilit ng babae na masabi 'yun sa kabila ng hirap niya. Para kasing natutuyo ang lalamunan niya isama pa na umiyak siya. Napa-ubo na lang ang babae.

"Ubo." At hinimas ni Lucas ang likod ng babae. Kagaya ng ginagawa niya dati dito noong mga bata pa sila kapag inuubo ito.

"Pero Lily... Bakit kailangan mo pang magpanggap bilang si Century? Ano ba talaga ang dahilan mo?" sa wakas ay nasabi ni Lucas ang mga tanong na iyon na matagal na niyang hinahanapan ng sagot bukod sa tanong na kung sino talaga ito.

Ang babaeng nagpanggap bilang si Century ay walang iba kundi ang kababata ni Lucas na si Lily. Maria Lily Fuentes. Bata pa lang ay magkaibigan na sila dahil sa hacienda nila Lily nagtatrabaho ang pamilya ni Lucas. Hanggang sa umabot sila sa edad na labing-isa.

Nagbago lang ang lahat ng magkaroon ng sunog sa hacienda na siyang ikinamatay ng mga magulang ni Lucas. Ang itinuturong dahilan ng sunog ay ang ama ni Lily na si Don Fuentes. Sa sobrang pangungulila at lungkot na naramdaman ni Lucas ng mga panahong iyon ay ang ama ni Lily rin ang sinisi niya.

Hanggang sa lumaki siya sa isang bahay ampunan ay iyon pa rin ang pinapaniwalaan niya. Nang maging pulis siya ay saka niya lang nalaman ang totoo. Na isang aksidente lang ang pagkakaroon ng sunog noon sa hacienda na sanhi ng kapabayaan ng mga isang manggagawa na nagtapon ng upos ng sigarilyo sa dayami na siyang ikinamatay ng mga magulang niya.

"Kasi mahal kita. Kaya gusto kong maging masaya ka." Nanghihina na na sabi ni Lily. "Alam ko ang lahat sayo sa nakalipas na mga taon. Lahat-lahat. Kaya nung malaman kong iniwan ka ni Century ng walang paalam at nakita ko kung gaano ka nahirapan, nasaktan at nalungkot. Sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapasaya ka.

"Kahit na alam kong delikado para sa akin ang gagawin ko ay ginawa ko pa rin. Nadiagnose ako na may Diabetes noong nag-15 ako. Delikado kung magpapasurgery ako at mag-papapalit ng itsura dahil matagal gumaling ang mga nagiging sugat ko. But I take the risk... for you." Rinig ni Lucas na humihina na ang boses ni Lily. Pinigilan niya ang sarili na maiyak pero hindi niya nagawa. Ginawa na lang niya ang lahat ng makakaya para hindi nito marinig ang mga hikbi niya at mas hinigpitan pa ang yakap dito.

"Two years ago isinagawa ang surgery at halos isang taon akong nagpagaling. Sa pananatili ko sa ospital ay saka naman nila nalaman na may sakit din ako sa dugo. I also have anemia. Kaya mas natagalan. Pero alam mo bang tuwang-tuwa ako nung sinabi ng doctor na pwede na akong lumabas at magaling na ang mga sugat ko galing sa surgery na ginawa sakin.

WaterlilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon