CHAPTER 5.1

11 1 0
                                    

A/N: Expect typos, wrong grammar and spelling.
Feel free to comment. ^_^
Happy Reading!!! ^_^

Chapter 5
Water

Sa sobrang lito ni Lucas sa mga nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw ay madalas na natutulala na lang siya. Nababahala naman ang babae dahil mula ng sagutin niya ang 'I love you' ng lalaki ay naging ganoon na ito. Pakiramdam tuloy niya ay siya ang may kasalanan noon. Hindi na tuloy ito madalas magsalita at parang hindi na masaya. Samatalang ang gusto lang naman talaga niya ay maging masaya ang lalaking mahal niya.

Ang akala kasi ng babae ay kapag sumagot siya sa sinabi nito ay mararamdaman pa nito na si Century talaga ang kasama nito. Na si Century ang maiisip nitong sumagot at mas lalo itong sasaya pero kabaligtaran naman ang nangyari.

Hindi mapalagay si Lucas dahil hindi niya alam kung bakit ganoon ang naramdaman niya. Wala pang isang buwan niyang nakasama ang babae pero bakit iba ang naging pakiramdam niya nang sabihin nito na mahal din siya nito. Parang may humaplos sa puso niya at unti-unting hinihilom ang mga sugat na iniwan ni Century roon mula nang mawala ito.

Pinag-iisipan talaga niyang mabuti ang sinabi ng chief niya. Kahit siya ay sang-ayon sa sinabi nito pero hindi ganoon kadali na kalimutan na lang ang pitong taong pagsasama nila ni Century. Kaya gulong-gulo siya sa mga nararamdaman ngayon. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa mga desisyon niya.

Tumayo ang lalaki sa kaniyang inuupuan at dumeretso papuntang banyo. Nagsimula itong maligo at pagkatapos ay agad na gumayak. Nagtaka naman ang babae kung saan ito pupunta. Naging masyado na itong tahimik ng mga nakaraang araw kaya hindi niya alam kung paano ito kakausapin.

"Uhmm... White." Nagulat ang babae at napatigil sa pagwawalis ng tawagin siya ng lalaki. Agad siyang lumingon dito. Itinaas ang dalawang kilay, nagtatanong kung bakit?

"Aalis lang ako. May aasikasuhin lang ako sa presinto. Wag mo na kong hintayin mamayang gabi. Baka kasi abutin na ko ng umaga. Wag kang mag-alala, uuwi rin ako at sinisigurado ko 'yun." Hindi nakasagot ang babae. Nilapitan siya ng lalaki at yinakap ng mahigpit at hinalikan sa kaniyang noo. Ang tagal ng yakap na iyon na umabot ng halos limang minuto.

Nginitian ni Lucas ang babae bago tumalikod at umalis. Pag-labas niya ng pintuan ay buo na ang desisyon niya. Agad siyang sumakay ng motor niya nang makababa. Pagkarating niya sa presinto ay agad siyang pumunta sa opisina ng chief nila. Pinagtitinginan siya ng mga kasamahan niya. Nagtataka siya nang makitang may halong kaba ang nakikita niyang emosyon sa mga mata ng mga ito. Hindi na lang niya iyon pinansin.

Inabutan niya ang chief na may kausap na babae. Nakatalikod ang babae kaya hindi niya kita ang mukha nito. Ang chief naman niya ay nakaharap sa binata nito, may tinatawagan sa cellphone at mukhang hindi nila napansin ang pagpasok ni Lucas. Tumunog ang cellphone ni Lucas at agad na napalingon ang chief nila ng marinig ang tunog na 'yun.

Kinuha niya ang cellphone niya at nakitang siya pala ang tinatawagan ng chief nila. Namatay na ang pagtunog ng cellphone niya. Inianggat niya ang tingin sa harapan. Parang nagslow-mo ang lahat ng unti-unting humarap ang babae na kasama ng chief niya. Pakiramdam ni Lucas ay mabibingi na siya sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya.

Tumayo ang babae sa pagkaka-upo nito at nilapitan si Lucas. Si Lucas naman ay natulala na lang. Hindi malaman ang gagawin niya. Agad siyang niyakap ng babae. Napaka-higpit noon. Hindi siya makagalaw na kahit ang gumanti sa yakap nito ay hindi magawa ni Lucas. Kumalas sa pagkakayakap ang babae sa kaniya.

"Lucas." Tawag nito sa pangalan niya. Noon niya lang napagtanto na magka-ibang magka-iba pala ang mga boses nila.

"C-Century?" Nauutal na sabi niya.

WaterlilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon