A/N: Expect typos, wrong grammar and spelling
Feel free to comment ^_^
Happy Reading!!! ^_^Chapter 4
Happy?
Mula ng araw na iyon ay naging maganda na ang pakikitungo ni Lucas sa babae. Hindi man niya ito kilala ay si Century naman ang iniisip niya kapag kasama ito kaya hindi na niya prinoblema ang bagay na iyon. Hindi na importante kung sino ang babae. Ang makasama si Century ang mahalaga sa kaniya.
Ang ibinigay na leave sa kaniya ng chief ay sinamantala niya para makasama ang babae. Binilan niya ang babae ng mga damit. Sobra-sobra naman ang sayang naramdaman ng babae ng mga panahong iyon. Ginawa nito ang lahat ng makakaya para mapanindigan ang pagiging si Century. Lahat ng pinag-aralan niya ay talagang ginamit niya.
Mula sa galaw, ugali at pati na rin ang pagsasalita ay ginaya niya. Naging maganda naman ang resulta ng panggaya niya dahil kitang kita niya ang kasiyahan sa mukha ng lalaking mahal niya. Lahat talaga ay gagawin niya para lang kay Lucas. Ganoon niya ito kamahal kahit na masaktan pa siya ay ayos lang. Ang kasiyahan lamang nito ang importante sa kaniya.
Isang linggo mula ng araw na hinayaan ni Lucas ang babae na magpanggap bilang si Century ay nagkulong lang sila sa loob ng kwarto niya. Nagkwentuhan ng kung ano-ano at nag-bonding na parang totoong magnobyo at magnobya. Nagulat nga rin ang lalaki na pati ang tawagan nila ni Century ay alam ng babae. Black and White.
Hindi niya maikakailang masaya siya na kasama ito, na kasama si Century sa katauhan ng babae. Ngayon ay nandito lang sila sa loob ng kwarto niya. Nanunuod siya ng TV habang nagluluto naman sa kusina ang babae. Pati ang paborito niyang pagkain ay alam nito at iyon nga ang niluluto nito ngayon. Chapsuy.
Gusto sana ni Lucas na yayain itong lumabas dahil nababagot na siya sa apat na sulok ng kwartong ito. Kaso ay nahihiya siya, hindi niya alam kung paano ito aayain. Noon pa man ay mahiyain na siya pagdating sa mga ganitong bagay. Habang kabaliktaran naman niya si Century na masyadong bulgar. Kung anong pumasok sa isip ay iyon ang sasabihin. Wala manlang kapreno-preno ang bibig.
Tumayo siya sa pagkaka-upo sa sofa at pinatay ang TV. Naglakad siya papuntang kusina. Nakita niya ang babae na nagluluto. Amoy na amoy niya ang niluluto nito mula sa kinatatayuan niya. Naglakad siya palapit dito at ginawa ang makakaya para hindi makaliha ng ingay.
"Boo!" sabi ni Lucas sabay yakap sa babae. Hindi nagulat ang babae bagkus ay nilingon lang siya at nginitian. Napasimangot na lang ang lalaki sa naging reaksyon nito.
"Hindi ka manlang ba nagulat?" nakangusong tanong ni Lucas na ikinatawa ng babae.
"Rinig ko po kasi na nawala ang ingay ng TV kaya alam ko pong pupunta ka rito. Paano pa ko magugulat kung alam ko naman na nandito ka?" sabi ng babae na mas lalong nagpanguso sa lalaki. Mas lalo naman lumakas ang tawa ng babae sa tinuran ni Lucas.
Itinuloy ng babae ang pagluluto kahit na nakayakap ang lalaki sa kaniya mula sa likuran. Kapag gagalaw siya o kaya ay lalakad ay sumusunod lang ito sa galaw niya. Napapa-iling na lang ang babae sa ginagawa ng lalaki. Nagmumukha tuloy itong bata, sa isip ng babae.
"Black maupo ka muna kaya. Paano ako matatapos dito?" natatawang sabi na lang ng babae.
"Ayoko. Gusto ko yakap lang kita." Nakanguso pang sabi ni Lucas.
"Lucas." Sabi ng babae. 'Yun naman ang nakapagpasunod dito. Kapag kasi tinawag na niya ito sa pangalan niya ay seryoso na ito. Pumunta si Lucas sa lamesa at doon ay umupo.
Nang matapos magluto ay kumain na silang dalawa. Sarap na sarap si Lucas sa luto ng babae. Aaminin niyang mas masarap ang luto nito kaysa sa luto ni Century. Ngunit sa paningin niya ay si Century ang nakikita niya kaya hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin.

BINABASA MO ANG
Waterlily
Ngẫu nhiên*SHORT STORY* Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Gaano kalaki at karami ang kaya mong ibigay para lang sa taong minamahal mo? Ang sabi nila kapag nagmahal ka raw may mga hindi inaasahang bagay ka na magagawa. May mga dayuhang paki...