CHAPTER 3

16 1 0
                                    

A/N: Expect typos, wrong grammar and spelling
Feel free to comment ^_^
Happy Reading!!! ^_^

Chapter 3

Piece of cake

Pag-labas na pag-labas ay nagulat siya nang makita ang babaeng impostora sa tabi ng pintuan niya. Naka-baluktot na nakahiga ito sa sahig. Kita niya ang pamumutla nito. Hindi niya maiwasang maawa dito dahil nang sandaling tumingin siya dito ay si Century ang nakikita niya. Para bang ang naiisip niya ay ang babaeng mahal niya ang babaeng ito na nanginginig na nakahiga dito sa tabi ng pintuan ng kwarto niya.

Natalo ng awa ang galit ni Lucas sa babae. Pero kahit na kamukhang-kamukha ito ng nobya ay walang kahit na sino man ang makakapalit dito sa puso niya. Wala siyang nagawa kundi ang buhatin ito at ipasok sa loob ng kwarto niya.

Nagising sa mahimbing na pagkakatulog ang babae nang maramdaman niyang umangat siya mula sa sahig na hinihigaan. Naimulat niya ang mga mata at hindi niya inaasahan na si Lucas ang bubungad sa kaniya na siyang may buhat sa kaniya. Napangiti na lang siya at tinitigan ang mukha nito kahit na kunot na kunot ang noo nito ay hindi niya maiwasang titigan ang gwapo nitong mukha.

Naramdaman niya ang pagkahilo. Pakiramdam din niya ay masusuka siya. Medyo mainit rin ang pakiramdaman niya. Hindi niya rin maigalaw ang katawan niya na para bang ang bigat-bigat noon. Sa sobrang hilo ay naipikit na lang niya ang mga talukap ng mata niya na kanina pa mabigat at napupumilit na bumagsak.

Samantalang unang dampi pa lang ng mga balat ni Lucas sa babae ay ramdam na niya ang init ng katawan nito. Mukhang nilalagnat pa ata ito. Hindi naman niya kakilala ang impostora na ito ngunit hindi niya maiwasang maguilty dahil alam niyang may kasalanan din siya kung bakit ito nagkasakit.

Agad na napa-iling si Lucas sa naisip. Hindi. Kung umalis na siya eh 'di sana hindi siya magkakasakit. Kaya wala akong kasalanan. Nasabi na lang niya sa isip. Pero dahil sa tuwing makikita niya ang mukha nito ay si Century ang nakikita niya hindi niya maiwasang maawa.

Kaya labag man sa loob niya ay binuhat na niya ito papasok sa kwarto niya. Inihiga niya ito sa kama. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang mukha nito. Kahit saang anggulo niya tignan ay si Century talaga ang nakikita niya. Nakita na lang niya ang sarili na hinahawakan ang mukha nito.

Sobrang miss na talaga niya ang nobya. Inaamin niyang sa simpleng pagtitig niya sa mukha ng impostorang babaeng ito sa harapan niya ay nababawasan ang pangungulilang nararamdaman niya.Umungol ang babae kaya parang napasong inialis ni Lucas ang kamay sa mukha nito. Kinabahan siya sa hindi malamang dahilan.

Tumayo na siya at kinalma ang sarili. Huminga siya ng malalim. Inilagay niya sa sofa malapit sa kama ang mga damit ng babae. Pumunta siya sa kusina at sinimulang linisin ang nabasag na plato at natapong pagkain doon. Nang matapos ay lumabas siya saglit para bumili ng pagkain kila Aling Malou.

Wala pang masyadong tao sa karinderya dahil maaga pa nang makarating siya. Sinalubong kaagad siya ni Aling Malou pagpasok niya.

"Magandang umaga Lucas. Mabuti naman at napadalaw ka na." nakangiting bati sa kaniya nito.

"Magandang umaga rin po. Oo nga po eh." Nagkakamot sa ulong sagot niya.

"Kumain ka na ba?" tanong nito at sinimulan ng ayusin ang mga paninda nito. Umupo naman si Lucas sa isang lamesa doon.

"Hindi pa nga po eh. Ano po bang luto na? Kakain na po sana ako eh."

"Naku mabuti na lang at nakapag-saing na ako. May luto naman ng ulam. Teka at ipaghahain kita."

Ipinaghain ni Aling Malou si Lucas. Nang matapos ay agad na nilantakan ni Lucas ang pagkain sa kaniya harapan. Hindi pa kasi siya kumakain mula kagabi. Naalala niya tuloy ang afritadang manok na itinapon niya lang kagabi. Mukhang inutang iyon ng babae dito kaya babayaran na lang niya kay Aling Malou.

WaterlilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon