Chapter 32

182 4 0
                                    

Jhark POV

"Kamusta ang pag-aaral mo."

"Okay lang po, ako ang higher top sa class namin."

"Very good, kailangan mo talaga yun para madali mong mapabagsak si Lecifer."

Tumayo sya.

"I have to go, may meeting pa kami."

Yumuko ako sa kanya.

"Makakaasa po kayo, balang araw mapapabagsak ko rin ang lalakeng yun."

Ngumiti sya sakin.

"That's good, dapat lang."

Tumalikod na sya at umalis.

"Aasahan ko na mapapabagsak mo si Lecifer!" narinig kong sabi nya at tuluyan ng umalis.

Napayukom ako ng kamay ko, ninais king iwan ang kapatid ko para makaganti sa kanya.

Gagawin ko ang lahat mapabagsak ka lang lecifer fuentillan!

Miss na miss ko na ang bunsong kapatid, bunso.. Zarina magkikita parin tayo maghintay ka lang sa pagbabalik ko, alam ko inaalagaan ka ng bestfriend kong si Xyron dahil pinakiusapan ko sya.

"Sir kumain na po kayo."

"Mamaya pa ako kakain, dalhin mo sakin yung susi ng kotse, aalis ako."

"Masusunod po sir." yukong sabi ng katulong saka umalis.

-TCDKIAN-

Zariana's POV

"Hija kamusta ang araw mo sa school?"

Hindi dapat malaman ni mommy na binato ako ng mga estudyante ng mga itlog at kamatis dahil paniguradong magagalit sila ni daddy.

"Ah okay lang po." nakangiting sabi ko.

"That's good hija, dapat mag enjoy ka sa school, siguradong marami kang magiging friend at manliligaw nyan." biro ni mommy sakin.

Nagulat kami ng malakas na hinampas ni Lecifer yung kutsara sa mesa at madilim na ang mukha.

"Lecifer!" galit na suway ni daddy.

"Kailan kayo babalik sa america?" tanong ni Lecifer na hindi manlang tumitingin kina mommy at daddy.

"Matagal pa, Lecifer."

"Why?"

"Lecifer hijo."

"Bakit ba atat na atat kang makaalis ng mommy mo sa america?"

Nagulat ako at bumilis ang tibok ng puso ko ng tumingin sakin si Lecifer.

Pinandilitan ko sya ng mga mata.

"Don't worry kapag bumalik kayo sa america hinding hindi ko na pahihirapan si Annie. And pwede ko ng ibalik ang mga katulong dito para hindi na mahirapan si Annie dito sa paglilinis ng mansyon."

Gulat na gulat na tumingin sina mommy at daddy Kay Lecifer. Ano kayang nakain ng lalakeng to?

"Talaga hijo?" masayang sabi ni mommy.

"Yes."

Nagulat ako ng hinahawakan ako ni Lecifer sa kamay.

"Diba Annie?"

Pinisil ni Lecifer yung kamay ko, ano bang binabalak ng lalakeng to?

Napatingin sina mommy at daddy Kay Lecifer na nakahawak sa kamay ko. Pinilit kong kinuha yung kamay ko pero hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Bitawan mo nga ang kamay ko." mahinang sabi ko.

"

The Campus Badboy (Lecifer Fuentillan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon