Chapter 42

185 3 0
                                    

Natapos na ang paghahalikan nina Lecifer at Annie hanggang sa makarating sila sa School ay wala ng imik si Annie pero nagsisigaw sya dahil sa pagmamaneho ni Lecifer.

"Bakit ba ang bilis magpatakbo ng sasakyan?"

"It's a fun."

"Fun? yung muntik na lagi akong aatakihin sa puso sa tuwing nagmamaneho ka yun ba ang fun?"

Lecifer smirked at Annie. "Hindi ka naman namatay ah, bat galit na galit ka."

Sumalubong ang kilay ni Annie na nakatingin kay Lecifer, huminga ng malalim si Annie at tinanggal nito yung seat belt nya saka binuksan yung pinto. Pero bago pa nya maitulak ng pabukas ng pinto ng kotse ay bigla syang hinawakan ni Lecifer sa braso.

Bigla syang napalingo kay Lecifer at kumunot ang noo nya sa lalake.

"B-bakit?"

"Bababa ka lang ba sa kotse na hindi manlang humahalik sakin?"

Nagulat si Annie sa sinabi ni Lecifer sa kanya.

"Kanina hinalikan mo ako diba?"

"Kanina pa yun, iba naman ngayon kung ayaw mo edi ako nalang ang hahalik sayo."

Lumakas ang pagtibok  ng puso ni Annie.

"A-ako na lang ang-ang h-halik sayo b-basta, ahm pakawalan mo muna y-yung braso ko at pumikit ka." nauutal na sabi ni Annie pero yung mukha nya sobrang namumula.

Lecifer smirked at Annie and he whispered to her left ear.

"Akala mo hindi ko alam ang iniisip mo, kapag binitawan ko ang braso mo at kapag pumikit ako para makaalis ka sa kotse ko at iiwan mo ako dito sa kotse na parang isang tanga sa kakahintay sa halik mo? No I'm not like that babe."

Huminga ng malalim si Annie dahil tama ang lahat ng sinabi ni Lecifer sa kanya.

"Bakit ba nababasa nya ang kung ano ang na isip ko?" tanong ni Annie sa isip nito.

Mabilis na hinalikan ni Lecifer si Annie at pagkatapos ng halikan na yun ay itinaboy ni Lecifer si Annie kaya inis na inis na bumaba si Annie sa kotse. Naglalakad si Annie at maraming na hindi sila magkasabay ni Lecifer.

Hindi parin sanay si Annie na marami paring estudyante ang nakatingin sa kanya.

May nakasalubong sya na isang gwapong lalake na gulat na gulat na nakatingin sa kanya.

"L-Little girl?" sabi ng lalake kay Annie na hindi naman nya ito kilala.

Dali daling lumapit ang lalake kay Annie at hinawakan ang mga pisngi nito, nagulat naman si Annie sa paghawak ng lalake sa pisngi nya.

"Zarina ikaw nga!" masayang sabi ng lalake at biglang niyakap si Annie ng mahigpit.

"Alam mo bang matagal na kitang hinahanap little girl, Zarina!" sabi ng lalake habang yumayakap kay Annie.

Kumunot naman ang noo ni Annie sa lalakeng yumakap sa kanya.

The Campus Badboy (Lecifer Fuentillan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon