Chapter 74

132 5 0
                                    

Pagkatapos ng klase ay lumabas na ang lahat ng mga estudyante sa classroom, lalabas na rin si Annie ng binangga sya nina Celyna, Scarlette at Sharina na nakangisi at halatang galit dala ng sobrang inggit. 

"May relasyon pala kayo ni Lecifer." galit na sabi ni Annie.

Gulat na gulat si Annie dahil nalaman ni Celyna na nobyo nito si Lecifer. Hindi alam ni Annie kung ano ang gagawin nito.

"Malandi!"

"Akala mo kong sinong mabait, haliparot din pala!"

"Kaya pala ayaw mo akong tulungan kay Lecifer dahil ikaw rin pala ang lumalandi sa kanya." sabi ni Celyna at sinampal si Annie ng malakas. Napahawak si Annie sa pisngi nito.

"Alam mong gustong gusto ko si Lecifer noon pa man mang-aagaw ka!" galit pa din na sabi ni Celyna.

"Una sa lahat hindi ko inagaw sayo si Lecifer, pangalawa hindi ako malandi.. Haliparot, at pangatlo wala kang karapatan na sampalin ako!" pagkasabi nun ni Annie ay malakas nya rin na sinampal si Celyna.

Gulat na gulat ang tatlong babae sa ginawa ni Annie kay Celyna, napahawak naman si Celyna sa pisngi nito at tumingin ng masama kay Annie.

"How dare you ang kapal ng mukha mong sampalin ako!" galit na sigaw ni Celyna galit din sina Sharina at Scarllette na nakatingin kay Annie.

"Ikaw ang naunang manampal gumanti lang ako sayo, may kasabihan na wag mong gawin sa iba kung ayaw rin gawin sayo. So wag kang manampal kong ayaw mo rin masampal."

Napanganga ang tatlong babae sa sinabi ni Annie at malakas na tinulak si Celyna sa daanan nito at mabilis na lumayo sa tatlong babae.

"I swear gagantihan kita, your such a bitch may paglalagyan ka rin Argh!" galit na sigaw ni Celyna kay Annie na malayo na.

Napahinga ng malalim si Annie ng makalayo sa tatlong babae.

"Zarina."

Lumingon si Annie at nakita nito si Xyron.

"X-xyron.."

Ngumiti si Xyron kay Annie at lumapit ito sa kanya.

"Don't worry hindi kita sasaktan Zarina, alam mo namam hindi ko magagawa iyon."

Ngumiti si Annie.

"Tara dun tayo oh!" nakangiting itinuro ni Xyron yung library na naayos na.

"P-pero Xyron, b-baka magalit sakin si Lecifer.."

Alam ni Annie na magagalit si Lecifer kapag nakita sila ni Xyron na magkasama.

"Relax, hindi naman nya tayo makikita Zarina."

"Please?" sabi pa ni Xyron.

Sa maliit na panahon na nakilala ni Annie si Xyron ay hindi nito alam na comportable sya sa lalake.

Biglang hinila ni Xyron si Annie papunta sa library at pumasok sila doon.

The Campus Badboy (Lecifer Fuentillan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon