Chapter 76

127 4 0
                                    

"Bakit, hindi ba sapat na kasama mo ako? Pwede bang kalimutan mo na lang ang nakaraan mo?"

"Gusto kong malaman ang buong pagkatao ko, Lecifer. Intindihin mo naman ako."

"Intindihin kita? Tapos kapag nalaman mo na ang lahat iiwan mo ako? Damn it! Oo masama na ako masama na kung masama, but please Annie don't leave me."

Mahigpit na niyakap ni Lecifer si Annie at nagmamakaawa na wag na lang sumama si Annie kay Xyron. Napaiyak na lamang si Annie.

"Lecifer, I'm sorry."

Kumalas si Lecifer sa pagkakayakap kay Annie. .

"Sorry for what Annie?" nararamdaman ni Annie ang nanginginig at garagal sa boses ni Lecifer.

"Hindi ko maiipapangako sayo na nandyan lagi ako sa tabi mo kapag nalaman ko na ang buong katutuhanan." naluluhang sabi ni Annie.

"A-Annie no please, mahal pa kita."

Nakita ni Annie ang pagluha ni Lecifer na ikinadurog ng puso nito.

"I'm sorry."

Malakas na binaklas ni Annie ang mga kamay ni Lecifer na nakahawak sa kanya at mabilis na tumakbo palayo kay Lecifer.

"Annie!" sigaw ni Lecifer ngunit parang bingi si Annie at hindi pinansin si Lecifer, masyadong masakit ang mga nalalaman ni Annie tungkol sa ginawa ni Lecifer sa kanya at sa kuya nito. Mahal ni Annie si Lecifer ngunit nasasaktan ito sa ginawa nito sa kuya nya.

"Hayaan mo muna si Zarina." nakangiting sabi ni Xyron. Walang emosyon na tumingin si Lecifer kay Xyron na nakangiti.

"Sabi ko naman sayo, sulitin mo ng makasama si Zarina e ayaw mong makinig sakin." nakangising sabi ni Xyron ngunit ngumisi lang si Lecifer na ikinakukot ng mukha ni Xyron, hindi man natatakot si Xyron sa pinsan ngunit nangangamba ito. Pakirandam ni Xyron na parang may binabalak ang pinsan nito.

"Anong pinaplano mo Lecifer? Kung ano man ang binabalak mo wag mo ng ituloy yan dahil mas lalo lang lalayo si Zarina dahil sa kasamaan mo."

Hindi nagsalita si Lecifer ngunit ngumisi lang si Lecifer kay Xyron.

"Do you think gagawan ko ng masama ang babaeng mahal ko?"

"What do you mean, Lecifer."

"Well."

Ngumisi si Lecifer at parang natatawa.

"Remember I told you?"

"Anong ibig mong sabihin? Anong binabalak mo Lecifer!"

Tinalikuran ni Lecifer si Xyron na tumatawa at ang dalawang kamay sa likod nito.

"Watch out!" narinig na sabi ni Xyron kay Lecifer.

"Damn it!"

Ikinuyom ni Xyron ang mga kamay nya. Hindi man si Xyron binugbog ni Lecifer ngunit nasisigurado nito na mas dilikado pa ang gagawin ni Lecifer kung ano man ang binabalak at pinaplano nito, Xyron feel that.

The Campus Badboy (Lecifer Fuentillan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon