Chapter 68

150 4 0
                                    


Pagkagising ni Annie ay may nakayakap na sa kanya, napangiti si Annie ng makitang katabi nya na si Lecifer na nakayakap sa kanya.

"Goodmorning Annie." nakangiting sabi ni Lecifer at hinalikan sya.

"Hindi pa ako naka ka toothbrush." sabi ni Annie.

"Parehas tayo." natatawang sabi ni Lecifer at kiniliti si Annie kaya napasigaw si Annie kaya gumanti rin si Annie sa pagkiliti sa kanya ni Lecifer. Napatigil sina Annie at Lecifer ng may malakas na kumatok sa pinto nya.

"Annie may kasama ka ba dyan?"  

Nanlaki ang mga mata ni Annie ng marinig ang boses ng daddy at mommy nito.

"Si mommy at daddy." gulat na sabi ni Annie.

"Shit!" mahinang sabi ni Lecifer.

"Annie, hija buksan mo to papasukin mo kami." mautoridad na sabi ng daddy nito.

"Annie!" Kumatok ang mommy nito.

"Anong gagawin natin?" kinakabahang sabi ni Annie.

"Damn it!" mahinang sabi ni Lecifer at hinalikan si Annie saka bumangon.

Makailang katok ng ang mommy at daddy nito pero hindi pa nabubuksan ni Annie ang pinto ramdam nito ang tension.

"Annie!" galit na sabi ng mommy at daddy nito na kumakatok na.

Bumangon na si Annie.
Inis na pumunta si Lecifer sa bintana at binuksan iyon saka tumalon sa bintana. Halos napaluha si Annie sa pagtalon ni Lecifer sa bintana nito.

"Lecifer!" sigaw sa isip nito na puno ng pag-aalala. Hindi mahagilap ni Annie si Lecifer sa baba. Huminga ng malalim si Annie saka dali daling binuksan ang pinto nito. Galit na nakatingin ang daddy nito.

"Bakit ang tagal mong buksan ang pinto Annie?"

"S-sorry po daddy." nakayukong sabi ni Annie sa Daddy at mommy nito.

"Hija, may kasama ka ba rito?" pagtatakang sabi ng mommy nito.

"P-po?"

"Narinig namin na parang may Bose's lalake dito sa kwarto mo Annie." mautoridad na sabi ng daddy nito.

"Wa-wala po akong kasama dito, m-mommy daddy." nakayukong sabi ni Annie at mariin nitong kinagat ang kanyang labi dahil sa pagsisinungaling nito. Ayaw magsinungaling ni Annie ngunit napipilitan sya dahil sa bawal na relasyon nila ni Lecifer.

"Sigurado ka ba Annie?"

Napalunok si Annie ng laway nito.

"Honey, hindi naman nagsisinungaling si Annie. Hayaan na lamang natin sya baka guni-guni lamang natin iyon."

"Pero honey narinig talaga natin ang boses ng lalake sa kwarto ni Annie."

"Honey!" suway ng mommy nito sa daddy nito.

Huminga ng malalim ang daddy nito.

"Okay fine." sagot ng daddy nito.

"Hija, pasensya ka na samin ng daddy mo." sabi ng mommy nito.

"O-okay lang po mommy."

Biglang umalis ang daddy nito.

The Campus Badboy (Lecifer Fuentillan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon