Chapter 43

179 4 0
                                    

Nakangiti si Lecifer habang naglalakad papunta sa classroom nito pero unti unting nawala ang mga ngiti nya ng makita ang pinsan nyang si Xyron na nakayakap kay Annie.

Napayukom ng sobra ang kamay ni Lecifer dahilan para masira ang cellphone nito na hawak nya.

Kinain ng sobrang  selos si Lecifer at nakaramdam ito ng galit kay Xyron.

Nakita nyang kumalas si Xyron sa pagkakayakap kay Annie.

"Zarina ako to si Xyron!" narinig nyang sabi ng pinsan nya.

Nilapitan ni Lecifer si Xyron at walang sabi sabi na malakas itong sinuntok sa panga kaya natumba si Xyron. Nagulat naman si Annie sa pagsuntok ni Lecifer kay Xyron kaya inis na binalingan ni Annie si Lecifer.

"Bakit mo sya sinuntok?"

Matalim na tumingin si Lecifer kay Annie dahilan na napaatras si Annie dahil sa sobrang takot nito na makita ang mukha ni Lecifer na sobrang sama.

Nakita ni Annie na may dugong lumalabas sa labi ni Xyron.

"A-ayos ka lang ba?" nanginginig na sabi ni Annie at akmang lalapit sana sya Kay Xyron pero bigla syang hinawakan ng mahigpit ni Lecifer.

"Damn you nasasaktan si Zarina!" sigaw ni Xyron.

Tiningnan ng masama ni Lecifer si Xyron.

"She's mine, kapag lumapit ka pa sa kanya I swear hindi ako magdadslawang isip na patayin ka." pagbabanta ni Lecifer.

Nanlaki naman ang mga mata ni Annie sa sinabi ni Lecifer sa lalakeng yumakap sa kanya.

"Let's go!"

Hinila ni Lecifer si Annie pero nagulat si Annie ng hinawakan din sya ng lalakeng nagngangalang Annie.

"Sa amin umuuwi si Zarina, kaya bakit sya sasama sayo Lecifer?

Nagtatanong ang isip ni Annie bakit sya tinatawag ng lalake na 'Zarina?'

Bumaling si Lecifer saka ngumisi Kay Xyron at malakas na sinipa sa tyan si Xyron kaya nabitawan nito si Annie sa kamay at napaluhod ito.

Nakaramdam ng awa si Annie kay Xyron.

" Tama na wala naman syang ginagawang masama sayo!" malakas na sigaw ni Annie kay Lecifer, pero malakas syang hinila ni Lecifer palayo kay Xyron.

"Zarina little girl hindi mo ba ako naaalala?"

Narinig ni Annie ang sinabi Xyron kaya napalingon ito kay Xyron habang hinihila sya palayo ni Lecifer.

Gulong gulo ang isipan ni Annie, kilala ba sya nito? Bakit tinatawag syang Zarina?

Maraming katanungan ang nasaisip ni Annie.

Naisip ni Annie na kapag makita nya ulit ang lalakeng iyon na nagngangalan Xyron ay marami syang itatanong para dito.

"Pwede ba Lecifer bitawan mo na ako!"

Sumasakit na ang braso ni Annie dahil sa mahigpit na  pagkakahawak sa kanya ni Lecifer pero hindi sya pinansin.

The Campus Badboy (Lecifer Fuentillan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon