Tatlong oras at apat na minuto. Yan ang estimadong oras ng biyahe mula Makati patungong Baguio ayon kay Google. Pero bakit ganun? Umalis kami ng bahay ng alas singko, pero magtatanghali na lang ay di pa rin kami nakakarating. Aba! Baka mapanis na ang mga strawberries ng Baguio kakahintay sa akin ano?
"Manong, matagal pa po ba?" bagot na tanong ko. Di naman sumagot si Manong at nagmaneho na lang. Kinilabit ko si Ate Em na nakaupo sa shotgun seat.
"Ate!" tawag ko sa kanya.
"Ano?" masungit na sagot nito. Itong babaeng 'to. Isang taon lang agwat namin pero kung umakto siya parang kasing tanda siya ni Nanay. Buti pa ako, parang baby lang.
"Gusto ko na po kumain ng strawberries." Pa-cute na sabi ko sa kanya.
"Ano tingin mo sa akin? Baguio? Strawberry fields?" Mataray na sagot niya nang hindi pa rin tumitingin sa akin. Halata sa mukha nito na kanina pa sya nababagot sa tagal ng biyahe namin.
"Para ka nga pong Baguio. Ang cold mo po!" sagot ni Heol na nasa pinakalikuran ng van dahil takot siyang makurot ni Ate Em.
"Tigilan mo ak, Heol ah? Kanina ka pa? Babalatan na talaga kita ng buhay!" pagbabanta nito.
"Ang bitter mo po!" sagot naman ni Heol at binelatan niya pa ang ate.
Di ko nalang sila pinansin at humarap nalang ako sa bintana. Kahit tirik na ang araw ay may nakakatakot na aura ang dinadaanan namin ngayon. Makakapal ang mga dahon ng puno na nasa gilid ng daan na siyang tumatabon sa liwanang ni Haring Araw. Walang mga tao o kabahayan ang makikita. Paminsan-minsan ay may mga ibong nagliliparan at may mga hayop na hindi ko matukoy ang umaaligid sa likod ng mga puno. Para kaming nasa Amazon Forest. Nakakatakot at ang lamig pa. Nakadagdag sa takot namin ang bigla-biglang pagtigil ng van kahit di naman pumepreno si Manong. Ngunit ni isa ay walang nagbanggit sa mga nakakatakot na mga bagay sa paligid. Patuloy lang ang lahat sa ginagawa nila. Karamihan ay natutulog, ang iba ay nagse-selfie, mayroon ding naglalaro sa phones nila. Pero sa lahat, si Holo ang may kataka-takang ginagawa. Hawak-hawak nya ang kwintas na suot niya. Isa itong simpleng heart-shaped pendant na may parang diyamante sa gitna pero ang diyamanteng iyon ay umiilaw paminsa-minsan na siyang ipinagtataka ko. Lalapitan ko sana ng tingin ang kwintas niya nang biglang huminto ang van. Nauntog ako sa upuan ni Manong, nagising ang mga natutulog, natapon ang camera ni Donno at nahulog ang mga phone namin.
"Manong, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Jusmi.
"Di ko po alam, Ma'am. Pero bigla nalang tumigil ang van. Baka nasira ang makina." Sagot ni Manong.
"Ano ka ba naman, Manong? Di mo man lang chineck kung may sira ba ang makina bago tayo umalis?" galit na tanong ni Ate Em.
"Ate, di naman alam ni Manong na masisira ang makina ngayon. Di siya manghuhula." Sabi ko.
"Emegerd!" biglang sabi ni Ate ng kanyang expression. "Ako ba'y pinipolosopo mo na, Booyah?"
"Booyah!" sagot ko gamit din ang expression ko. "Sinasabi ko lang na di alam ni Manong, tapos pilosopo na agad?"
"Tama na nga yan!"sigaw ni Jusmi. Agad na lamang akong bumaba ng van na nagdadabog pa.
Si Ate Em, ang pinakamatanda sa amin at nakakatanda sa akin ng isang taon, at ako na si Booyah ay hindi ni minsan na nagkasundo sa iisang bagay. Masyadong matataas ang pride naming dalawa kaya hindi kami nagkakaintindihan. At sa sitwasyong kagaya ngayon, si Jusmi ang laging pumapagitna. Kaya lang alam ko naman ano agad ang sasabihin nila, ang isip-bata ko, puro strawberries lang ang nasa isip, konting bagay pinapalaki ko, o di kaya'y ang hilig ko mamilosopo. Pero masisisi ba nila ako kung mas masayang isipin na isa kang batang walang pinoproblema na kahit ano?
BINABASA MO ANG
The Clark Flare Files:Ladies' Exploit
RandomThis is a series of the Clark Flare Files.