I. Emegerd

251 9 12
                                    

Three in the morning.

Maagang-maaga pa para sa biyahe namin papuntang Baguio pero gising na ako at kasalukuyang iniinom ang paborito kong inumin, Machiatto. My bags are all set at hinihintay ko nalang ang mga kapatid ko dito sa balkonahe.

Summer Charlotte Miyumi Clark Flare o mas kilala bilang Em Clark Flare. Ang pinakamagandang pangalan sa industriya ng show business. Yes, I am a famous actress and an international model. At age 21, I have already claimed the title of the Most Controversial Woman in the Showbiz Industry. Lagi akong laman ng mga balita, mapa-positibo o negatibo man na balita hinggil sa akin ay laman agad ng mga pahayagan. Di yun maiiwasan dahil isa akong sikat na artista na dinadala ang apelyidong Clark Flare. Di ko naman ito pinapansin. Di kasi mahalaga sa akin ang sinasabi ng ibang tao. Ang mahalaga sa akin ay nagagampanan ko ng maayos ang papel ko sa mga pelikula at teleserye ko nang walang inaapakang ibang tao. Maliban sa pag-aartista ay sinabak ko rin ang modeling. At sa kasalukuyan, ako ang cover issue ng Yes! Magazine. Kahit pumayag akong ma-interview, inayawan ko naman ang ibang mga tanong. Kagaya nalang ng ilang tanong na pinakainiwasan ko.

Flashback.. (5 hours ago)

"Miss Em, kayo po ang panganay na anak ni Mrs. Eve Clark Flare, isang napakayaman, napaka-successful, at napakasikat na bussiness woman. Bakit hindi po kayo sumunod sa mga yapak nya?" tanong pa ng isang journalist ng Yes!

"That is the duty of my twin brother. Next question please?" mataray na sagot ko. Ayoko talagang tinatanong ako ng kahit ni sino hinggil sa nanay ko. Not that I hate her, but I hate the fact na pinipilit nila akong sumunod sa mga yapak nya.

"How is your relation with your siblings?" tanong ulit ng interviewer.

"Please. Just ask me any question about show business, but never ask me about my family. As possible as I can, I would like to keep my affair with my family as private as it can be." sabi ko sabay labas ng aking dressing room. Nakakainis ang taong ito. Tanong ng tanong kahit malapit na akong ma-late sa aking photoshoot. I have to finish this fast at naghihintay na silang lahat sa bahay. At alam kong sermon na naman ang aabutin ko kapag nagkataong mauuna pang makarating si Nanay sa bahay kesa sa akin. Sasabihin na naman nyang pinapahalagahan ko pa ang pag-aartista at pag-momodel kesa sa pamilya.

---

At nang makauwi nga ako kagabi ay tamang tama naman na kakarating lang din nina Nanay. Yes, I call her Nanay. Mas maganda eh. Di masyadong maarte. And she allowed us to call her any name as long as it has respect.

"You're up early sis." sabi ni Haru na ikinagulat ko dahil bigla na lamang syang sumulpot.

"Emegerd!" biglang tili ko. Yan talaga ang expression ko, kaya yan na rin ang naging nickname ko. Actually hindi lang ako, lahat kaming magkakapatid ay expressions namin ang naging nicknames namin. Sa haba ba naman ng mga pangalan namin ay mapipili pang nickname dun? Kaya naging desisyon na ng magulang namin na kung anong bukambibig namin ay syang palayaw namin. Just like this guy beside me.

"Haru! Para yun lang sinabi eh!" and yeah, that is so him.

Dionysus Kristoffer Ace or Haru. Ang dakilang cold guy ng pamilya and my twin brother. Just like my mother and father, he is a famous businessman. Siya ang kasalukuyang CEO ng Clark Flare Empire and no doubt na habulin ng babae. He is handsome, intelligent, and rich. Pero ewan kung bakit di pa sya nagkaka-girlfriend hanggang ngayon. Maybe because he's too cold for those sweet and hot relationships.

"You should stop drinking coffee. Nagiging nerbyosa ka na." sabi ni Haru.

Binalewala ko nalang sya at kumuha ng isang potato chip mula sa supot na nasa mesa dito sa balkonahe. Emegerd! I just love potato chips. Ang sarap, ang tamis at ang crunchy.

The Clark Flare Files:Ladies' ExploitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon