"Ano na, Haru? Na-contact mo na ba sila?" tanong ni Inang Eba.
"Haru jusko, Inay! Kanina ka pa tanong nang tanong ha? Last ka na!" bagot na sabi ko habang sinusubukang ma-contact kahit isa lang sa mga kapatid kong babae na kasalukuyang nagbabakasyon sa Baguio. Pero kanina ko pa sinusubukan pero wala talaga. Masyado na ba silang nag-enjoy at di na nila naisipan mag-text kung nakarating na sila?
"Baka naging ice na yung mga anak ko sa sobrang lamig sa Baguio." tangang sabi ng tatay ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko at lumabas ng mansyon. Nakakatuyo ng utak ang walang humpay na pangungulit ng mga magulang ko, ang nanay kong sobrang OA kung mag-alala at ang tatay kong tatanga-tanga kung makapag-react.
"Baka nagkapatayan na sila dahil hindi sila magkasundo kung saan magpa-parking." rinig ko pang sabi ni Inang Eba.
"Hindi, honey. Baka nakain na sila ng mga strawberries." sagot din ni Amang Adam. Haru! Di ko na talaga matiis ang mga ito. Dali-dali ko nang binuksan ang pinto ng makalabas na ng bahay. Pagkabukas ko ay sumalubong sa akin ang nakababata kong kapatid na paminsan-minsan lang kung umuwi ng bahay dahil may sarili na itong condo unit at sariling negosyo na rin.
"Oh, pare. Buti naman naisipan mo pang umuwi. Muntik ko ng makalimutan na may isang Zeus Charles David akong kapatid." sabi ko sa kanya.
"Ahhh. Ganun ba? So ano, Haru, papadaanin mo ako o papadaanan kita ng isang ten-wheeler na cargo truck?" pilosopo naman niyang sabi. Aba! Porke't matalino siya pagdating sa mga sasakyan na iyan ay kung tratuhin niya na ako ay ganyan?
Zeus Charles David o mas kilala sa pamilya bilang Ahhh ay isa na ngayong mayaman at magaling na car and truck dealer. Napakagaling niya magpayaman sa negosyo niya kaya naisipan na niyang bumukod. Mas mabuti na iyon ng di na atakihin ng sakit sa puso si Inang Eba sa tuwing makakarinig ng mga ungol tuwing gabi sa kwarto ni Ahhh. Bagay pala talaga ang pangalan niya sa pinaggagawa niya ano?
Pinadaan ko na siya at sinabihan sina Inang Eba, "Inay! You're prodigal son is back!" at umalis na ako ng tuluyan ng bahay. Kailangan ko makapag-relax ng kaunti. Pumasok na ako sa sasakyan ko at sinenyasan ang guard namin na lalabas ako. Agad naman niya akong pinagbuksan ng gate. Wala naman akong ibang maisip na puntahaan kundi iisang lugar lang. Bumili muna ako ng bulaklak bago pumunta sa pupuntahan ko.
"Pabili po nito." sabi ko sa nagbebenta ng bulaklak sabay turo sa isang boquet ng bulaklak na may kamahalan man ay napakaganda naman tingnan.
"Ang swerte naman ng pagbibigyan mo, ijo." sabi ng tindera. Nginitian ko na lamang siya at umalis na. Dumaaan ulit ako sa isang bakery at bumili ng ilang pirasong pandesal. Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa destinasyon ko. Mabilis kong hinakbang ang mga hagdan papasok.
"Magandang umaga po, padre." bati ko sa matandang nakatayo malapit sa altar ni San Lorenzo. Agad naman ako nagmano sa kanya at ngumiti siya ng makita ang mga dala ko.
"Andito ka na naman pala. Kumusta na, Haru Ace?" tanong ni Father Miguel. Haru Ace. Si Father lang ang tumatawag sa akin niyan, pinaghalong palayaw at unang pangalan ko.
"Mabuti naman po. Heto po oh, nagdala ako ng tinapay para po sa inyo nina Father John." inabot ko sa kanya aang supot ng pandesal at agad naman niya itong tinanggap.
"Di ka na sana nag-abala pa. Pero dahil hindi pa naman kami nag-aalmusal ay salamat na rin. Halika, sumbay ka na sa amin."
"Wag na po, Father. Kakakain ko lang po ng almusal. Mauna na po kayo sa kusina at susunod nalang po ako. Ibibigay ko muna ang bulaklak na ito." sabi ko at agad na nagpaalam.
Pumunta ako sa likod ng simbahan at doon ko nakita ang isang babaeng naghihintay sa akin. Nakangiti ito habang tinitingnan ako.
"Kumusta ka na po?" tanong ko sa estatwa ni Birheng Maria. Maaaring mukha akong baliw dahil kinakausap ko ang isang estatwa ngunit para sa akin ay isa na itong nakasanayan. Inilapag ko sa paanan niya ang bulaklak at bumulong ng isang maikling dasal.
BINABASA MO ANG
The Clark Flare Files:Ladies' Exploit
De TodoThis is a series of the Clark Flare Files.
