Prologue

165 7 1
                                    

December 24, 2014

                Isang normal lamang ito na bisperas ng pasko para sa mga kababaihan ng pamilyang Clark Flare.

             Di pa nakakarating mula sa Korea ang kanilang ina na si Maria Eva Edelyn o mas kilala sa pangalang Eve. Kasama nito ang kanyang asawa sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo sa Korea kahit magpapasko na.

                Samantala sa mansyon ng mga Clark Flare,

                Si Summer Charlotte Miyumi ay kakarating lamang mula sa photo shoot nito para sa kanyang bagong magazine cover.

               Ang kambal na Trixia Kristalei Anne at Trixia Krishalei Anne ay may iba’t ibaang ginagawaa sa library nila. Si Kristalei ay nakaharap sa laptop nito at busy sa pag-aaral sa pasikot-sikot ng negosyo nila, habang si Krishalei naman ay nagbabasa ng libro hinggil sa mga paraan ng pagpapalago ng mga business empire.

                Si Shyra Mallory Blythe naman ay nasa labas ng gate ng mansyon at kinakausap ang grupo ng kalalakihan na napadaan sa tapat ng bahay nila.

                Si Marlione Flynn Nixon naman ay nasa kusina at tumutulong sa paghahanda ng Noche Buena.

                Si Sabrina Lexi Rain ay nagbabasa ng kanyang mga libro habang nakakunot ang noo dahil wala namang naiintindihan.

                Si Phoebe Eunsophia Luna ay naglalaro ng Candy Crush sa kanyang IPhone.

                Si Tyra Louise Andrea naman ay nasa sofa ng mansyon kasama ang kambal nito na si Tyrell Louis Andrei at naghaharutan.

                Si Catherine Ryze Ashley ay kasalukuyang nakikipag-usap kay Winter Fiona Nyree hinggil sa nagagwapuhang artista na iniidolo nila.

                Si Natasha Aranzazu Aphrodite ay kasalukuyang umiiyak dahil inaaway ng kanilang pinaka-bunsong kapatid.

                Si Athena Raquel Amethys naman ay nakikipagkulitan kay Arianna Patricia Louise sa harapan ng malaking salamin sa sala.

                At ang pinakabata at pinakamakulit sa lahat na si Renielyn Ree Rexl ay nagtatakbo pataas-pababa ng hagdanan at tinutukso ang umiiyak na nyang kapatid.

                Magulo ang bahay nang dumating ang kanilang ina. Ngunit din a nya ito inabala at tinawag na lamang ang mga anak nito.

                Lahat sila ay agad na nagsipag-tigil sa kanilang ginagawa at sinalubong ang ina ng matatamis na halik. Matagal-tagal din nilang di nakapiling ang inang napaka-kwela pa rin kaahit medyo amy katandaan na.

                Nang mag-alas dose na..

                “MERRY CHRISTMAS, CLARK FLARE!” bati ng ama nilang si Adam. Nag-cheers naman ang nakakatanda sa pamilya habang ang mga bata ay nilantakan agad ang lechon na nasa harap nila. Napakagulo ng hapag-kainan nila ngunit makikita mong napakasaya ng kanilang pamilya. Minsan lamang sa iisang taon nagtititipon ang pamilya dahil na rin sa pagiging busy sa trabaho at eskwela.

                Maya-maya ay nagsialisan na sa hapag-kainan ang mga lalaking Clark Flare at napag-iwanan na lamang ang mga babae.

                “So, what’s your plan for new year girls?” tanong ng kanilang ina na kahit ay may edad na ay makikita pa rin sa mukha nito ang kagandahan at may napakagandang katawan na parang walang napakaraming anak na sya namang namana ng lahat ng babae sa pamilyang Clark Flare. “Ilang araw pa ang bakasyon niyo bago ang pasukan. Why don’t you spend some time together?”

                Agad namang nagkagulo sa hapag-kainan. Iba’t-ibang pagdadahilan ang sinasabi ng mga anak. Di kasi sila mahilig sa outing kasama ang magkakapatid. Di nila ma-imagine na magkasama sila na sila lang sa iisang lugar at nagsasasaya. Sa laki kasi ng pamilyang Clark Flare ay nakakaligtaan na minsan ng kanilang ina ang pag-aalaga sa mga anak nito at nakakalimutan na ng magkakapatid na mag-bonding. Di naman nagkulang ang mga magulang nila sa mga pagkain at pera ngunit iba pa rin kung mismong sila ang nariyan para sa mga anak. Lalo na sa parte ni Eve aat ng mga anak na babae na kasalukuyan ay di mapag-sundo-sundo.

                “Silence!” sigaw ni Eve na siyang ikinatahimik ng lahat. “Pinal na ang aking desisyon. Bukas na bukas din ay pupunta tayong lahat sa rest house natin sa Baguio.”

                “Booyah!” sigaw bigla ni Phoebe. “Maraming strawberries doon!”

                “Naaaay!”

                “Maaaaa!”

                “Mooooom!”

                 Chorus ng magkakapatid ngunit wala silang magawa. Nakapag-desisyon na ang kanilang ina.

                “Siya lang matutuwa nyan!” bagot na sabi ng pinakabatang babae ng Clark Flare habang nakatitig sa ate nito na masayang-masayang nag-iimagine hinggil sa paborito nitong strawberries.

             Wala silang nagawa kundi mag-impake na at maghanda para sa magaganap bukas. Maagang natulog ang mga babae at nawalan ng gana upang manuod pa ng fireworks na inihanda ng kanilang mga kapatid na lalaki.

                “Eve.” Tawag bigla ng ama ng Clark Flare na si Adam.

                “Ano yun?” tanong nya habang palapit sa asawa.

                “Sigurado ka na ba?” tanong nito na may halong pangangamba.

                “Oo naman. Sigurado ako.”

                “Masama kasi ang kutob ko para sa lakad ng mga bata bukas.”

                “Don’t worry, may mga body guards naman. Halika na! Matulog na tayo. Pabayaan na natin yan sila dyan, ok?”

                At nawala ang lahat ng pangamba ni Adam nang bigyan siya ng matamis na halik ni Eve.

                Ngunit, ano kaya talaga ang magaganap bukas?

                

The Clark Flare Files:Ladies' ExploitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon