III. Jusmiyoo

81 4 0
                                        

"Matagal pa ba yan?" atat na tanong ni Booyah.

Kasalukuyan kasi akong nagbe-bake ng Strawberry Shortcake na siyang paborito ni Booyah. 

"Malapit na 'to." sabi ko habang sinusuri ang binebake ko.

"Ako ganda! Buing buing!" bigla namang sulpot ni Heol na nakikipaghabulan kay Chenes.

"Ako mas maganda!" Tumakbo si Chenes palapit sa akin. Sakto namang kakalabas ko lang ng bine-bake ko mula sa oven kaya...

"Araaaaaay!" Sigaw ni Chenes. "Ate, ang init!"

"Hey baby, sorry!" sabi ko habang pinpatahan si Chenes sa pag-iyak.

"Ate!" sigaw din ni Booyah. "Nahulog yung Strawberry Shortcake ko! Ayoko na kumain niyan!"

"Sorry Ate." sabi ko.

"Ano pang silbi ng husgado kung madadaan lang din pala ang lahat ng sorry?" sabi naman ni Heol.

"Oo nga!" sabay na sabi ni Chenes at Booyah.

Edi wow! Ako na naghirap mag-bake, ako pa nabunggo, ako pa ngayon ang may kasalanan. Edi ako na! 

Pero wala akong karapatang magalit, wala akong karapatang manumbat, dahil ako si Marlione Flynn Nixon Clark Flare. May prinsipyo ako sa sarili na dapat di magkakagulo sa pamilya na ito. I am the peace-maker. Kaya kahit di ko kasalanan ang nangyari ay aakuin ko na.

Riiiing! Riiiing!

"Jusmiiii! Sagutin mo ang telepono!" sigaw ni Ate Ems. Uso ata sigawan sa bahay na ito.

Sabagay, sa laki ba naman ng rest house namin dito sa Baguio eh di na kami nagkikita halos.

"Amp! It's so noisy, you know. Ate please answer the phone already!" Utos naman ng nag-iinarteng si Amp.

"Opo. Papunta na," sabi ko at pinunasan ko na ang aking basang kamay.

"Hello?" tanong ko sa tumatawag.

"Hawak ko ang mga magulang niyo ngayon. This is a kidnap for ransom. Magdeposit kayo ng 50 million sa bank account namin bago mag-alas diyes ng gabi. Pag hindi niyo pa nade-deposit nang alas diyes, aasahan niyo nang mawawalang kayo ng magulang," sabi ng tao sa kabilang linya.

"Jusmiyoo! Ako pa lolokohin mo, Hoho? Ano kailangan mo? Bakit di ka kay Nanay manghingi?" sabi ko.

Narining ko namang humagalpak siya ng tawa. Loko-lokong bata. Sabihin ba namang kinidnap niya ang mga magulang namin?

"Bakit di kita magawang lokohin, Ate?" tanong niya habang hinahabol pa ang hininga niya.

"Akin na nga 'yang telepono, Hoho," sabi pa ng isang boses.

"Hello, Jusmi? Kumusta kayo diyan? Okay lang ba kayo? Anong nagyari? Bakit di agad kayo tumawag? Bakit di namin kayo makontak kanina? Alam niyo bang alalang-alala sina Inay at Itay?" sunud-sunod na tanong ni Haru.

"Jusmiyo! Pwedeng isa-isang tanong lang, Kuya? Bibig naman nito parang machine gun," pagrereklamo ko.

"Sorry naman. Nag-aalala lang po. Uso po kasi ang text at call," sarkastikong sabi niya.

"Sorry din naman po. 'Di po uso signal dito," sagot ko.

"'Tamo! Namimilosopo pa ang batang 'to."

"Pero may nangyari talagang 'di maganda kanina."

"Ano? Bakit... anong nangyari?" pasigaw na tanong niya.

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kaninang umaga. Mula sa pagtirik ng aming sasakyan, sa pagkaligaw namin ng daan, sa biglang pagpunta ni Holo sa gitna ng kagubatan dahil may nakita raw syang panda, ang pagkakandarapa namin ni Emegerd sa kakahabol sa kanya, ang pag-andar muli ng sasakyan, hanggang sa makarating na kami sa mansyon at makitang may kahalikang aso si Booyah. Lahat nang iyon ay ikinuwento ko sa kanya. May mga pagkakataong matatwa siya, minsan naman ay magagalit.

Matapos ko magkuwento ay narining ko ang malalim na paghinga niya.

"Ikaw? May problema din ba diyan?" tanong ko.

"Wala nag-aalala lang ako sa inyo." Kung andito siguro si Kuya sa harap ay malalaman ko na agad na may problema siya.

"Pwede ka namang mag-kuwento sa akin, eh?"

"Handa ka bang makinig? 'Di ka ba mabibigla?" nagdadalawang-isip na tanong niya.

"Sus! Para namang may mas hihigit pang problema maliban sa nangyari sa amin dito."

"Meron talaga, Jusmi."

"Ano nga iyon? Sabihin mo na kasi ng direkta."

"Nakabuntis ako," prangkang sagot niya na siyang ikinagulat ko.

'Di sinassadyang nabitawan ko ang telepono at kumuha ito sa atensyon ng mga kapatid kong kasalukuyang nasa sala rin kagaya ko.

"Jusmi naman! Alam kong mayaman tayo, pero wag ka namang magtapon ng teleponong gumagana pa," sabi ni Ate Ems.

"Ano ba nangyari sa'yo?" tanong ni Booyah.

"Si... Haru," nakatangang sagot ko. Di pa rin rumerehistro sa utak ko ang nasabi ni Kuya.

"Eh? Ano namang meron kay Kuya Haru?" tanong ni Heol na kasalukuyan nang kumakain ng nahulog na strawberry shortcake.

"Malaki..." sang tanging nasabi ko nalang. Nakita ko ang pagtigil nila s mga ginagawa nila. Tiningnan nila ako ng masama at nang nakanganga.

"Emegerd! Anong malaki kay Haru?" nagtatakang tanong ni Ate Ems.

"Amp! Did you and Kuya Haru just talked over the phone about sex?" sabi ni Amp.

"Bibig mo, Amp. May bata dito," pagsuway ni Booyah.

"Are you referring to that kid who's eating dirty food?" Tinuro niya ang kinaroroonan ni Heol. "She's not innocent anymore."

"Shut up, freak! You is nakakairita na ha? Me is eating lang here." Pa-tryinghard naman na sabi ni Heol.

"Teka, ano ba talaga ang malaki ha?" tanong ulit ni Ate Ems.

"Yung... Yung ano niya..." paputol-putol na sabi ko. "Yung... problema niya."

"Naku, problema lang pala." Nakahinga na rin sila ng maluwag.

"Anong problema ba? Paanong naging malaki?" tanong naman ni Nyenye na kanina pa pala nakikinig sa usapan.

"Nakabuntis siya." Plain lang na pagkakasabi ko.

"Sus! Nakabuntis lang pala!" sabi ni Ate Ems. "Teka, sinong nakabuntis? Si Haru nakabuntis? Paano? Akala ko berjin pa ang lalaking 'yon?"

"Ate, maghunos-dili ka. Yung surgery mo natatanggal na," pabirong sabi ni Booyah.

Agad namang pinulot ni Ate Ems ang telepono at dinala iyon sa kwarto niya.

"SINONG NABUNTIS MO? AKALA KO MAGPAPARI KA?" Iyan na ang huling narinig kong sabi ni Ate Ems bago nakapasok sa kwarto niya. Usapang kambal na lang iyon.

Sa lahat ng nangyayari sa panahong ito, isa lang ang taong pinag-aalala kong makaalam.

Si Inay Eba.

---

[A/N: Hello. Sorry sa matagal na update. At sorry din kung maikli lang ito. Babawi ako sa next chapters dahil mas magiging controversial na ang magiging buhay ng Clark Flare. Pasensya talaga ha? Naging busy talaga ako sa school and other important matters And speaking of important matters, may isang napaka-importanteng naganap sa buhay ko lately. This coming summer will be the release of PNY7, and I am one of its author. If you are interested to order the book, just PM me through my WP Account or my FB account: Cristhonic WP or Eve Clark Flare.

Anothe important matter:

Please like our Facebook page The Clark Flare Files.

Just search for it or click the external link. Thank you and I hope you keep on reading this story.

The Clark Flare Files:Ladies' ExploitMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon