Nyenye’s POV
Ilang linggo na rin ang nakaraan mula nang malaman namin ang hinggil sa pagiging ‘Bagito’ ni Kuya.
“Sayang! Dapat napanood natin ang scandal ni Kuya Haru. Para may ‘Bagito Scandal Part 2’,” tuwang-tuwang sabi ni Yehet.
“Gaga!” sabi ko sa kanya sabay binatukan siya. “Anong part 2? Eh, ang dami na kayang naglalabasang video scandal na ‘Bagito’ raw.”
“Pero, mas maganda ‘yong kay Kuya. Napuruhan talaga ‘yong babae, eh.” Napatawa na lamang ako sa tinuran ng kapatid ko.
“Dapat kasi ay hinugot niya!” sigaw ni Ate Em mula sa kwarto niya.
Matindi rin ang babaeng ‘yon, kahit nasa taas ay naririnig pa rin ang pinag-uusapan naming dito sa baba.
“Puro ka hugot, ibaon mo muna. Leche!” sabi naman ni Ate Booyah na kasalukuyang kumakain ng starwberries.
“Aba! Baka sa ating dalawa, ikaw pa ang ‘di pa nakasubok ng s…” sabi ni Ate Em pero agad namang pinutol ni Ate Jusmi.
“Ate, ano ba naman kayo? Ang dami na ngang iniisip ni Kuya dahil komplikado raw ang pagbubuntis nung asawa niya, tapos mag-aaway pa kayo.”
“Ano bang kinalaman ng asawa ni Kuya sa pagkaka-miss ni Ate Em na mahugutan,” hirit muli ni Ate Booyah.
“Kaninong asawa ba pinag-uusapan dito? As far as me remember, Kuya is not yet marriage,” singit bigla nang aming pinakabunsong si Heol.
“Oh my gosh! If you’re going to speak in English, make sure you don’t sound conyo or TH, okay, baby girl?”sabi ni Amp.
Napasapo na lang ako sa noo ko. Kung gaano kagulo ang buhok ko sa paggising ko sa umaga ay ganoon rin kagulo ang pamilya namin.
“Hey twin, okay ka lang?” tanong ko sa kambal kong si Sheems. Napansin ko kasing ‘di maganda ang timpla ng mukha niya. May problema na naman ata ‘to.
“Yeah. I’m fine,” sabi niya bago pa siya umalis sa tabi ko at pumunta na sa kwarto namin.
Yes, namin. Iisa kami ng kuwarto. Hanggang ngayon ay ‘di pa rin kami mapaghiwalay at sa tingin ko ay wala nang makakapaghiwalay sa aming dalawa. Nyenye and Sheems forever na ituuuuu!
Ever since birth ay magkasama na kami. I was born a few minutes before her and I was named as Trixia Krystalei Anne Clark Flare. Siya naman ay pinangalanan bilang Trixia Kryshalei Anne Clark Flare. Iisang bahagi lang ang pinag-iba nang pangalan namin, kaya medyo malayo na ang nicknames naming para walang mailto.
A lot of people say na magkamukhang-magkamuha kami, pero sa pamilya namin ay nasanay na rin sila. Sa aming dalawa, ako ang medyo may pagka-masungit, madaldal, at siyempre, ang may pagka-bitter. Paano ba namang hindi ako magiging bitter? Sampung araw na rin ang nakalipas mula nang iwanan niya ako. He replaced me with her new girl at ‘di ko kilala kung sino.
Charles Lancelot Montwick. Siya ang childhood friend ko, as well as our neighbor. I still remember how we first met…
“Nye nye nye nye! Pangit-pangit mo, bata!” saway ko sa batang patpatin na kasalukuyang nakadapa sa putikan.
BINABASA MO ANG
The Clark Flare Files:Ladies' Exploit
De TodoThis is a series of the Clark Flare Files.