CHAPTER 2: GOD OF WAR

13 3 0
                                    

Nothing new happened on the first day of school, just the usual introduction. Nauna ng umuwi si Lukas, at may emergency daw sa kanila.

So, I am here walking towards the parking and I am about to enter my car when I saw Karlo walking alone. Lumapit ako sa kanya para kausapin siya tungkol sa naiisip ko.

"Hey Karlo! Pauwi ka na?" — tanong ko paglapit ko sa kanya.

"Ikaw yung kanina sa likod ng university 'di ba? Nasaan na yung kasama mo? Oo, pauwi na ako nito." — pagsagot niya.

"Naunang umuwi si Lukas. I am Monty pala, Montavius Tyrone Miller." — pagpapakilala ko.

"Nice to meet you Monty. Businessman din ba parents mo at dito ka nagaaral?" — pagtatanong nito.

"Nope, decision ko na dito talaga mag-aral. How about you?" — I asked.

"Wala. Scholar lang ako dito ng dating amo ng nanay ko kaso patay na siya. Tinuloy naman nila pagpapaaral sa akin, utang na loob siguro. Sa tagal ba naman na nanilbihan nanay ko sa kanila." — paliwanag nito.

"Sorry about that. How about your father?" — tanong ko ulit.

"Matagal ng wala tatay ko. Bata palang ako ng iwan niya kami, duwag din at hindi kami kayang panindigan." — may pait na sabi nito.

"So obviously mag-isa ka nalang talaga. Where do you live now?" — tanong ko.

"Nangungupahan lang ako diyan sa malapit. Kaya kailangan ko din magtrabaho ng may pambayad sa renta." — sagot niya.

"How about come and live with us." — I asked habang seryosong nakatingin sa kanya.

Makikita ang lito sa mukha niya habang nakatingin din sa akin.

"Ayos ka lang bro? Nakakahiya at bakit mo naman patitirahin sa inyo?" — natatawang sabi nito.

"Well, it's not for free. Saka na natin pagusapan kapag nakapagisip at desisyon ka na." — I said.

Aktong lalakad na ako palayo ng nagsalita siya.

"Sige payag ako. Basta sabihin mo lang kung paano ako makakabayad." — seryoso nitong sabi.

"Well then, let's go we're going to your apartment at kunin mo na lahat ng gamit mo." — sabi ko sabay lakad papunta sa kotse ko at sumunod naman siya.

We're driving now going to his apartment. Tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana halatang may iniisip.

"So saan ka nagta-trabaho at kumuha ng ipambabayad sa apartment mo." — tanong ko sa kaniya.

"Diyan lang sa isang fast-food chain, actually hindi na nga ako pumapasok minsan kasi kailangan magtrabaho para makabayad ng renta, kung hindi baka mapalayas ako." — sagot nito.

Tumango na lang ako bilang tugon.

"Ano pala naisipan mo at gusto mo ako patirahin sa inyo? Gan'on na ba kayo kayaman? Iba talaga kapag may pribilehiyo, kayang gawin kahit anong naisin nila." — may pait na sabi nito.

"Sabihin na natin na may importaneng bagay akong kailangang tapusin at alam kong kakailangin ko ang tulong mo. Kabayaran na rin 'yun sa pagpapatuloy ko sa'yo sa bahay namin." — sagot ko.

"Oww gagawin mo ba akong driver? Hindi ako marunong mag-drive brad hanap ka na lang ng iba. Kung gagawin mo naman akong tutor, kakasabi ko lang minsan na nga lang ako pumasok kaya wala ka mapapala sa akin." — natatawang sabi nito.

"Saka na natin pag-usapan kapag nakarating na tayo sa bahay.  Huwag ka mag-alala wala sa mga nabanggit mo ang magiging trabaho mo. Lakas lang ng loob kailangan, alam ko namang mayroon ka n'on." — I said while wearing my devilish smile.

Nakita ko naman na napalunok ito at bigla na lamang nanahimik.

Nakarating kami sa apartment niya at nakaramdam ako ng awa ng makita ang lugar kung saan siya nakatira.

"Just get all your things, hintayin nalang kita dito." — I said and he nodded.

After 30 minutes of waiting, nakabalik na siya ng may dalang dalawang bag. Pinalagay ko sa likod ng sasakyan ang mga bag niya. Tahimik pa din itong sumakay.

"Why are you so silent? Huwag kang mag-alala wala naman akong iuutos na masama sa iyo." — natatawa kong sabi.

"Sana kanina mo pa sinabi at hindi kung ano-anong ilegal ang nasa isip ko." — pagreklamo nito.

"Malay ko ba kung gawin mo akong drug dealer." — dagdag pa nito.

Tumawa nalang ako bilang sagot. Nakarating kami sa bahay at sinalubong naman kami ni Manang Yolly.

"Late na kayo nakauwi Sir Monty, kanina pa kayo hinihintay ni Master Kairo." — sabi ni Manang Yolly.

"May ginawa lang pong importante. By the way this is Karlo, my friend." — pagpapakilala ko sa kasama ko.

"Good Evening po Sir Karlo, buti naman may kaibigan na agad si Sir Monty." — pagbati ni Manang Yolly.

"Wag niyo na po ako tawaging sir, Karlo nalang po." — sagot naman nito habang nagkakamot ng ulo.

"By the way where is that old man?" — paghahanap ko kay Master Kairo.

"Nasa kusina po sir, puntahan niyo nalang po siya." — sagot ni Manang Yolly.

Pumasok na ako sa bahay habang nakasunod naman sa akin si Karlo dala ang mga gamit niya.

"Where have you been?" — tanong ni Master Kairo pag dating ko sa kusina.

"May pinuntahan lang. By the way this is Karlo, dito na siya titira starting today. He will be my personal assistant." — I explained.

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Master Kairo pero alam kong wala naman siyang magagawa kung hindi pumayag.

"I am Kairo, at sana matagalan mo 'yang si Monty." — pagbabanta naman nito.

"Nice to meet you po. Karlo po ang pangalan ko." — pagpapakilala naman ni Karlo.

"Now, let's go to your room." — pagyaya ko kay Karlo.

I guide him to his room. Napansin ko ang paglibot ng tingin ni Karlo sa bahay.

"Ang gara ng bahay niyo Monty. Ang laki, halatang mayaman kayo." — sabi niya.

Nakarating kami sa magiging kwarto niya. Inilapag niya ang dalawang bag sa kama sabay upo.

"Ngayon paano ako makakabayad sa pagpapatuloy sa akin dito? Magiging personal assistant mo ako?" — tanong nito.

"Sort of but not at all. Pinatuloy talaga kita dito 'cause I want you to be a part of my team. From now on, you will be Ares. That would be your codename." — I explained.

I saw the confusion on his face. As for me, I am sure na malaki ang magiging tulong ni Karlo or should I say Ares sa mga plano ko.

The Thirteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon