CHAPTER 9: GUNSHOT

2 1 0
                                    

Nakahiga pa rin ako dahil sa pagod at puyat na dinanas ko kagabi sa pagsama kina Lukas manuod ng pageant. Nakakatawa lang na ang taong ipinunta nila d'on ay nakasama at nakausap ko pa samatalang sila ay walang sawang nagsisisigaw pa rin sa crowd. Actually, Cherry has this weird personality hindi ko alam kung sincere ba siya sa mga sinasabi niya or she is trying to convince or maybe deceive me. Naalala ko na naman ang naging usapan namin kagabi habang naglalakad pabalik sa gymanasium.

"Obviously maraming humahanga sa'yo, sa dami na rin ng mga estudyanteng pumunta sa competition makita ka lang."

"I see, but you know what,  I don't want to be on the spotlight. Mas maraming nakakakilala sa'yo, mas maraming makikialam sa buhay mo. It's hard na parang lahat ng galaw mo, may mga naka-abang na magkamali ka at pumalpak ka. 'Cause that's how the world works now, once na nakikita nila na umaangat 'yong tao, they trying to drag her down." — may lungkot na sagot nito.

"So bakit ka sumali sa pageant? At sa tingin ko naman ginalingan mo kaya nanalo ka." — I said trying to cheer her up.

"Pinilit lang naman ako ng mga kaklase ko, actually ayaw ko naman talaga sumali because I believe na hindi naman basehan ng pagiging babae ang pageant. Hindi kailangan ng validation ng babae para sabihing maganda siya. Though I think this title would be a great avenue to empower women, to educate everyone that we are women not just women." — paliwanag nito.

"Hmm, hindi ko pa nga pala nababayaran sa'yo itong mineral water na binili ko."

"No ayos lang! basta 'wag mo kakalimutan. You owe me one mineral water." — natatawa nitong sabi sabay kindat na siya namang nagpangiti sa akin.

"Narito na tayo. See you when I see you!" — paalam nito.

Kumaway na lang ako sa kaniya bago tumungo sa mga mokong na mula kanina ay nakikipagsisikan pa rin sa mga taong nanunuod.

Tumayo na ako at naghilamos bago bumaba. Nasa hagdan pa lang ako ng marinig ko si Tandang Kairo na may kausap sa telepono at parang galit na naman.

"Paano nila nahanap?!" — may galit na sabi nito sa kausap sa telepono.

"Is everything fine? May problema ba?" — bungad ko sa kanya.

"Nothing, kumain ka na lang nasa kusina na si Karlo sabayan mo na siya." — utos nito.

Nagtataka man sa nangyayari ay minabuti ko na lang 'wag makialam at sundin na lamang ito. Nadatnan ko si Karlo sa kusina na kumakain at nakataas pa ang isang paa. Lumapit naman ako dito at hinampas ang paa nito.

"Could you please have some manners?" — inis na sabi ko sa kanya.

"Eto na nga boss." — sabi nito sabay baba ng paa niya.

Tiningnan ko na lang ito na maganang kumakain. Hindi ba siya natatakot o nakakaramdam ng pag-sisisi sa trabahong pinasok niya?

"Karlo, hindi ka ba nag-dadalawang isip tungkol dito? Hindi ka ba natatakot na maaaring isang araw mapahamak ka?" — tanong ko.

"Hindi naman, saka masarap ang buhay dito. Wala pa namang masamang nangyayari kaya bakit ako matatakot." — sabi nito na ang focus ay sa pagkain pa rin.

"That's the problema WALA PA, pero one day alam kong magiging magulo na ang buhay mo."

"Alam ko naman 'yon captain, sa pananatili ko rito unti-unti ko ng natatanggap na papasok ako sa mundong wala akong kawala. Saka if ever man na may mangyari, I'll be ready. Sasamahan kita sa laban mo 'cause we are brothers." — nakangiti nitong sabi.

"Bilisan mo na lang diyan kung balak mo sumabay sa akin pumasok." — just trying to change the topic.

Papunta na kami ngayon sa university at kasama ko si Karlo na naghe-headbang pa kasabay ng tugtog sa loob ng kotse. Sasawayin ko na sana ito nang mapansin ko mula sa side-view mirror ng kotse ang taong naka black na hoodie sa isang poste. Nanlaki ang mata ko ng may inilabas itong baril at itinutok sa direksiyon namin kaya sinigawan ko si Karlo na yumuko. Narinig ko naman ang putok ng baril pero parang wala namang nangyari at nakita ko na lamang na tumatakbo na palayo ang taong nakahoodie. Bumaba kami ng kotse ni Karlo upang tingnan kung saan tumama ang bala.

"Nako brader, mukhang kailangan muna magpalit ng isang gulong ahh." — sabi ni Karlo.

I checked one of my rear wheels at nakita ko ang butas doon kung saan tumama ang bala.

"What the fucking hell!" — I exclaimed out of frustration.

"Anong trip ng gagong 'yon brader? Paano tayo nito makakapunta ng university?" — tanong ni Karlo.

Gumugulo naman sa isip ko ay kung bakit hindi kami ang binaril niya at bakit ang gulong ng sasakyan? Kasamahan ba siya ng mga pumatay sa tatay ko? Sa pagkakaalam ko wala pa naman akong naka-away kaya imposibleng resbakan ako.

Mabuti na lang at wala pa kami sa main road, narito kami ngayon sa gilid ng kalsada at 15 minuto ng nakaupo. Tinawagan ko si Lukas para sana humanap ng mekaniko kaso hindi sumasagot ang mokong at mukhang puyat dahil sa panunuod kagabi. Napatingin naman ako sa humintong motorbike sa harap namin. Bumungad ang isang bald fade haircut na lalaki matapos nitong alisin ang helmet na suot nito.

"Need some help?" — he asked.

"Actually yes, may gagong bumaril sa gulong ng sasakyan namin kaya hindi kami maka-alis-alis ngayon dito." — mabilis na tugon ni Karlo.

"By the way, I'm Allan. Tulungan ko na kayo." — sabi nito at nakipagkamay sa amin.

"What a thrilling experience na may bumaril sa inyo at the same time weird kasi bakit naman gulong ang binaril." — dagdag pa nito at nakuha pang tumawa.

"Wag mong sabihin na dapat kami ang binaril?" — kunot noong tanong ni Karlo.

"No! No! Ang ibig kong sabihin, bakit naman babarilin ang gulong niyo? Ano trip lang? Wala naman siguro kayong naka-away?" — tanong nito.

"Wala naman nakakaaway itong kasama ko, pero kung ako, hindi ko na nga matandaan sa sobrang dami ehh." — nagtawanan ang dalawa sa naging sagot ni Karlo.

Kung minamalas ka nga naman, nagkasundo pa ang dalawa sa kabaliwan. Tinulungan kami ni Allan na palitan ang nasirang gulong. Buti na lang may dala ako laging gamit sa compartment ng kotse ang problema hindi ako marunong magpalit ng gulong. Tinulungan niya din kami bumili ng bagong rear wheel at siya na ang nagpalit. I didn't know that this guy knows how to change tires. Mukhang alam na alam niya ang ginagawa niya.

Kinalabit naman ako ni Karlo habang masusi kong tinitignan kung paano palitan ni Allan ang gulong.

"Brad, tingin mo ba magandang idea na irecruit natin siya sa grupo mo." — tanong niya.

Napatitig ako kay Karlo dahil sa sinabi niya at inilipat ang tingin sa lalaking nasa harap namin ngayon.

"Tingin mo, may maitutulong siya?" — sabi ko habang nakatingin pa rin kay Allan.

Nakita ko naman sa aking peripheral vision ang pagtango ni Karlo.

Well then, let's see.

The Thirteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon