CHAPTER 5: BULLSEYE

8 1 0
                                    

It's Saturday, oras ng pahinga matapos ang isang linggong pag-pasok sa university na nagbibigay lang ng sakit ng ulo sa akin. Sa katunayan, ang interes ko lang naman ngayon ay humanap ng makakatulong sa akin para pagbayarin ang taong pumatay sa tatay ko. Kaya lang hindi ako pwede tumigil sa pag-aaral dahil si Tandang Kairo naman ang makakalaban ko kapag nagkataon.

"Brader bumaba ka na raw sabi ni Manang Yolly 'wag mo na hintayin siya pa ang umakyat dito." — dinig kong sabi ni Karlo sa labas ng pinto.

"Oo na sandali lang inaantok pa ako." — sabi ko sabay talukbong ng kumot.

"Brader —-" katok ulit ni Karlo.

Hinagis ko ang unan ko sa may pinto na lumikha ng ingay. Narinig ko naman ang mga yabag ni Karlo na tiyak tumatakbo na pababa.

"Sabi ko nang sandali lang ehh." — bulong ko habang padabog na tumatayo.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko at nakita kong rumihistro ang pangalan ni Lukas.  Ano naman kailangan nito, Sabado ngayon ahh?

"Oh anong kailangan mo? Wala namang pasok ahh." — inis kong bungad sa kanya.

"Ugok, nakalimutan mo na ba? Wala pang kaalam-alam 'yang si Karlo sa mga ginagawa natin? Mag-ayos ka na, isama mo 'yang si Karlo papunta ako sa firing range kung saan tayo nagte-training. Kita nalang tayo d'on." — sagot naman ni Lukas.

Ngayon ko lang naalala na kailangan pa pala namin i-train itong si Karlo. Puro basag-ulo lang kasi ang ginagawa nito, walang pakialam kung mabugbog. Pagmamay-ari nila Lukas ang firing rage kung saan kami nagte-training, ang pamilya kasi nila ay supplier ng iba't iba klase ng firearms kaya niregaluhan na rin siya ng shotgun ng tatay niya.

Bumaba ako at nakita kong kumakain na si Karlo kasabay si Manang Yolly. Hinanap ng aking mata si Master Kairo. Sa mga oras na ito dapat nagkakape na 'yon at nagbabasa ng diyaryo.

"Manang Yolly, nasaan si Master Kairo?" — tanong ko.

"Umalis sir, may importanteng lakad yata. Narinig ko siyang may kausap sa telepono, mukhang galit ehh." — sagot naman ni Manang Yolly.

Napaisip ako kung saan pupunta ang matandang 'yon ng ganito kaaga at bakit siya galit?

Lumapit na ako sa lamesa at kumuha ng makakain ko. Napatingin ako kay Karlo na walang pakialam, basta sungab lang siya ng sunggab sa pagkain. Ganito na ba kagutom 'tong mokong na 'to?

"Hoy mag-ayos ka may pupuntahan tayo." — sabat ko sa pagkain niya.

"Nako brader ide-date mo ba ako?" — sagot nito ng may nakakalokong ngiti.

Dinampot ko ang kutsara sa harap ko at ibanato sa kanya na mabilis niya namang naiwasan.

"Biro lang naman, ang aga-aga ang init ng ulo mo ahh." — natatawa pang sabi nito.

Ngayon ko lang rin napagtanto kung gaano kasira ang ulo ng lalaking 'to.

It's already 10AM ng makarating kami sa firing range nila Lukas. Nakita kong komportableng naka-upo ang mokong sa may lobby.

"Akala ko ba magte-training? Bakit ang sarap ng upo mo diyan?" — tanong ko kay Lukas na prenteng nakaupo pa rin.

"Alam mo namang ang 'baby' ko lang ang tanging gagamitin ko sa mga ganitong bagay." — sagot ni Lukas ng nakangisi pa.

"Teka teka sinong baby naman? At anong mga ganitong bagay? Ano ba gagawin natin dito?" — sunod-sunod na tanong ni Karlo na nasa likod ko na pala.

The Thirteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon